Trinity's POV
I heard everything. Napaigik ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko, para nitong tinutusok ang aking kabuuan. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at napapikit din agad nang tumama ang silaw ng ilaw sa aking mata.
"Hon? Finally, you're awake!"
Kahit hindi ko nakita kung kanino galing ang boses, alam ko kung sino ito.
Tuluyan ko ng minulat ang aking mata at nakita si Adam na nakaupo sa gilid ng aking hinihigaan.
"What are you doing here?" mahinang tanong ko rito.
"I just want to check kung okay ka na ba, thanks God you're finally awake." saad naman nito.
"What do you mean, ilang araw na ba akong tulog?" naguguluhang tanong ko rito.
"Almost one week, kaya nga sobrang saya ko at gising ka na." saan naman nito habang hawak-hawak ang aking kamay.
Sinubukan kong tumayo pero napakagat ako sa sarili kong labi nang makaramdam ako ng kirot. Kaya napabalik ko sa aking pagkakahiga.
"Huwag ka muna tumayo Trinity, baka hindi pa naghihilom ang sugat mo. Mahirap na baka ma-inat ka." saad naman nito.
"Gusto ko makita si Brint, how is he?" nagaalalang tanong ko rito.
"He is fine, nasa private room na siya. Sa ICU rin siya nilagay pero nang magising ito ay nilipat na sa private room." sagot naman nito.
"Please call the Doctor and tell them I am fine now, gusto ko na makita 'yong anak ko." saad ko rito.
"Okay, basta diyan ka lang at pupuntahan ko ang Doctor." sagot nito sabay hinalikan ang aking noo bago umalis.
Napapikit naman ako, bakit hindi niya na lang tanggapin na wala na talaga kami? I already told him na tapos na kami. Nakatulala lang ako sa kisame nang mayamaya pa ay may pumasok...
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng tuwa nang makita siya. May sama pa rin ako ng loob sa kan'ya pero mas nangingibabaw ang pasasalamat ko.
"Trinity, how are you? Sabihin mo lang sa akin kung may nararamdaman ka ha, huwag ka magalala okay lang si Brint." nakangiti nitong saad.
Sasagot pa sana ako nang pumasok na si Brianb kasabay ang Doctor. Pinalabas na muna sila Adam at Brint nang Doctor, may mga kung ano lang siyang sinuri sa akinnat may mga aparato na tinanggal na nakakabit sa akin.
"X-ray tayo mamaya ha? Para makita natin kung may daplis pa ba ang lungs mo, huwag ka na muna gumalaw ng masyado ha? Puwede ka ng ilipat sa private room." paliwanag sa akin ng Doctor.
"Salamat po Doc," sagot ko naman dito.
Nang umalis na ito ay nakatulala lang ako, naalala ko 'yong nangyari. Mabuti na lang at naligtas kami ni Brian, hindi ko talag mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyaring masama kay Brint.
"Trinity," sabay na tawag ni Adam at Brian sa akin kaya nagkatinginan naman sila.
Tinignan ko lang sila habang hinihintay kung sino ang magsasalita.
"Ako na lang mag-ayos ng paglipat ni Trinity ng room, mag-usap na muna kayo." saad ni Adam sabay labas ng ICU.
"Brian, salamat." saad ko habang nakatingin sa kan'ya.
"No need to say that, ginawa ko lang 'yong dapat kong gawin. I am so happy, mabuti na lang at gising ka na." sagot naman nito.
"Kahit na, alam ko mahirap sa 'yo iyon. Lalo na at si Margaux 'yong nandoon, how is she?" tanong ko sa kan'ya.
"Why are you so good Trinity? Huwag mo na isipin 'yon, ang mahalaga okay na kayo ni Brint." sagot naman nito.
"Alam kong hindi ka papayag pero kailangan ko siyang kasuhan Brian, pasensya na." saad ko sabay yuko.
"No need to, actually Trinity... Binaril ko siya, kasi kung hindi ko 'yon ginawa baka mas malala pa ang sinapit niyo ni Brint." sagot naman nito.
Napaawang ang aking bibig sa narinig ko, nakatulala lang ako habang nakatingin sa kan'ya.
"Totoo ba?" hindi makapaniwalang tanong ko rito.
"Yes, in that way mapatunayan ko na mahalaga kayo sa akin. Sobra akong nag-panic nang mabaril niya rin si Brint, no need to conduct DNA test Tri... Alam mo ba? Kailangan salinan ng dugo si Brint noong 'di ka pa nagigising hindi ako nagdalawang isip na mag-volunteer. Sobrang saya ang naramdaman ko nang magpositibo ako." nakangiti nitong saad sa akin.
"What are you trying to say?" nakakunot noong tanong ko rito.
Mas lumapit ito sa akin sabay hinawakan ang aking kamay.
"Let's start again, hayaan mo akong bumawi. Gusto ko humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko at mga naging kasalanan ko. Hayaan mo akong maging ama kay Brint." seryoso nitong saad.
"Am I dreaming?"
Ito 'yong biglang lumabas sa aking labi.
"No you are not, you're wide awake. Handa akong maghintay o harapin ang mga pagsubok mo, hayaan mo lang akong maging ama kay Brint." sagot naman nito.
Tuluyan ng tumulo ang aking luha sa tuwa, hindi ko ito inaasahan. Akala ko hanggang sa huli hindi niya tatanggapin si Brint tapos heto, siya pa ang nagmamakaawa na hayaan siyang maging ama kay Brint.
"Brian kahit sabihin kong oo alam kong mahirap, lalo na at si Adam ang kilala niyang Ama. Hindi naman natin puwede ipilit agad 'di ba?" sagot ko naman dito.
"Gaya ng sinabi ko Trinity, handa akong maghintay. Gagawa ako ng paraan para mas mapalapit ako sa kan'ya, oo alam ko mahirap pero pagsisikapan ko." sagot naman nito.
"Sige, hahayaan kita pero please... Don't hurt Brint, sobra na ang sakit na naramdaman niya sana hindi na 'yon madagdagan pa. Hindi niya deserved lahat ng sakit." sagot ko naman dito.
"I promised, simula sa araw na 'to ako ma ang magiging taga-pagtanggol niyo. I will win you back, basta hayaan mo rin ako." sagot naman nito sabay pahid sa aking luha.
Hindi ko na napigilang mapahagulgol, kahit hindi ko aminin... Mahal na mahal ko pa rin 'tong lalaking 'to.
"Again Brint, salamat sa lahat. Kung may plano kang magsimula tayo ulit, patunayan mo na deserved mo 'yong chance na ibibigay namin sa 'yo." umiiyak na saad ko rito.
"Yes I will, thank you so much Trinity. This time, hindi na ako magpapakatanga, hindi na ako magiging duwag at hindi na magiging selfish. I am a Father and I will do everything, to make Brint proud of me and you for having me." sagot naman nito.
"Puwede na raw ilipat si Trinity sa Private room, I decided na sa isang room na lang sila ni Brint. Iyong mas malaki ang pinili ko, para mas kumportable sila. Don't worry, ako na bahala sa hospital bill." diretsong saad ni Adam nang makabalik na ito.
Medyo lumayo naman sa akin si Brian at pinunasan ang aking luha.
"Why are you crying, may ginawa na naman ba si Brian sa 'yo?" saad ni Adam sabay lumapit sa akin.
"I'm fine Adam, wala naman siyang ginawang masama." pagtatanggol ko kay Brian.
"The why are you crying?" tanong nito.
"I am just happy Adam, tears of joy." sagot ko naman dito.
Tinignan naman niya si Brian na nakangiti lang.
"Hindi pa tapos ang laban Brian, hindi ko basta-basta ibibigay ang pamilya ko sa 'yo ." seryosong saad ni Adam.
"Pamilya mo? Mahiya ka nga Adam, wala kang pamilya rito!" sagot naman ni Brian.
"Guys ano ba? Dito talaga kayo magsasagutan, baka gusto niyo akong matulog na lang ulit?" awat ko sa kanila.
"Tandaan mo 'to Trinity, hindi ko hahayaang makuha kayo sa akin ni Brian!"
BINABASA MO ANG
Turner's Series 3: Marrying You (Completed)
RomansaOnce upon a time, you have the chance to marry her. But time comes, she found someone... Someone better and someone who can fight her until his last breath. Would you still pursue her? Or stop chasing even though you have your "alas"?