Chapter 15

4.6K 104 1
                                    

Halos habol-habol ko ang aking hininga nang maramdaman na papalapit na si Brian sa amin.

"Baby!"

Agad naman akong nakahinga nang marinig ang boses ni Margaux.

"What?" tanong ni Brian dito.

"What are you doing there? Lets go, ang tagal mo naman bumalik." pagmamaktol nito.

"I just told Aleng Tina to cooked food for you, pasensya na. Tara, bumalik na tayo sa taas." sagot naman nito.

Tuluyan na akong nakahinga ng maluwag nang marinig kong sumara na ang pinto.

"Okay na anak, nakaalis na sila." saad ni Nanay na hawak-hawak ang dibdib.

"Okay ka lang Nay?" pagaalalang tanong ko rito.

"Oo, kinabahan lang ako kanina anak akala ko kasi mabubuko niya na nandito kayo ni Brint." sagot naman nito.

Mayamaya pa tumunog na naman ang aking cellphone. Ang dami ng missed calls na galing kay Adam pero wala pa rin akong planong sagutin ito.

"Hindi mo sasagutin anak?" tanong ni Nanay.

"Hindi na po Nay," sagot ko naman dito at tinuon sa ibang bagay ang aking atensyon.

"Sige kung 'yan ang desisyon mo, labas lang muna ako anak ha? Sarado mo 'yong pinto para walang ibang makapasok." bilin nito sa akin.

Tinanguan ko na lang ito at binaba na muna si Brint.

"Balitaan mo ako mamaya Nay kung wala ng tao sa labas ha? Para makabili ako ng gatas ni Brint." paalala ko naman dito.

"Sige anak, ingat kayo rito." saad nito at tuluyan ng lumabas.

Sinarado ko naman ang pinto at ni-lock para masiguradong walang magbubukas noon.

"Baby, quiet lang tayo rito okay? Baka nay gawing masama ang bad guy sa atin kapag nalaman niyang nandito tayo." pagpapaintindi ko sa aking anak.

Tumango naman ito sabay hinawakan ang aking kamay.

"I love you," napangii naman ako... Kahit bulol ito eh makikita ko ang sinseredad nito.

"Mas mahal ka ni Mommy," sagot ko naman dito sabay ginawaran ng halik ang noo nito.

Gusto ko sana paliguan si Brint pero wala naman akong dalang gaanong gamit niya. Who would've thought na magkakaganoon pala kami ni Adam kagabi? Kaya ginamit ko na lang 'yong wipes ko at alcohol para punasan ito. Iyong maliliit ko naman na damit ang pinasuot ko sa kan'ya.

"Ito na lang muna baby ha? Dadaanan ka na lang ni Mommy ng damit mamaya sa mall." saad ko habang inaayos ang suot nito.

"Mommy I wanna see Daddy," saad nito kaya natigilan naman ako.

Kasalanan ko rin naman 'to eh, kung hindi ko lang sana sinanay si Brint sa presensya ni Adam, hindi na sana ito maghahanap.

"Ana we cannot see Daddy, we are not okay anak. Pasensya na kung hindi mo pa maiintindihan ngayon ha?" paghingi ko ng pasensya rito.

Malungkot naman itong tumango sabay yumuko. Nalulungkot ako habang nakatingin sa kan'ya, wala akong magagawa...

Nag-ayos na lang din ako para diretso na akong makaalis mamaya.

"You can sleep anak if you want," saad ko sa kan'ya habang abala sa pag-aayos.

"I wanna go with you," sagot naman nito.

"Anak 'di ba Mommy already explained it to you? Bibili lang ako ng milk at damit mo tapos babalik din ako agad." sagot ko naman dito.

Natigilan naman kami ni Brint sa pag-uusap nang biglang may kumakatok sa pintuan ng silid. Senenyasan ko naman sj Brint na tumahimik habang dahan-dahan naman akong lumapit sa pinto.

Turner's Series 3: Marrying You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon