Chapter 33

3.9K 85 0
                                    

Trinity's POV

Akala ko katapusan na namin lahat, wala na akong maalala dahil bigla na lang akong nahimatay habang nasa warehouse kami. Kakagising ko lang ngayon at halos hindi ko magalaw ang aking katawan, sinubukan kong igalaw ang aking kamay pero hindi ko 'to magalaw. Agad ko namang nilibot ang aking paningin sa paligid, puro pati kaya sigurado akong nasa hospital na ako.

"Nanay! Brian!" paulit-ulit na tawag ko pero walang sumasagot.

"Hey, may tao ba riyan?" sigaw ko ulit.

"Bakit wala akong maramdaman? Bakit hindi ko magalaw 'yong katawan ko?" naiiyak ko ng tanong sa aking sarili.

Mayamaya pa pumasok si Nanay kasama si Tita at Brint.

"Trinity gising ka na!" tuwang-tuwa na saad ni Nanay.

"Nay bakit wala akong maramdaman?" naiiyak na tanong ko rito.

Nagkatinginan naman sila ni Tita sabay malungkot akong tinitigan ni Nanay.

"Anak kasi ano... May mga buto na na-apektuhan dahil sa ginawa ni Norman sa 'yo, tinurukan ka nila ng pampa-manhid dahil kung hindi nila 'yon gagawin dobleng sakit ang mararamdaman mo." naiiyak na sagot ni Nanay sa akin.

Hindi ko na napigilan ang aking luha sa pagtulo, "Nay si Brian?" nagaalalang tanong ko rito.

"Comatose si Brian anak, halos kayo lahat ay may bali na natamo maliban na lang kina Keshelle at Sychea." malungkot na sagot nito sa akin.

Tuluyan na akong napahagulgol nang marinig ang sinabi nito.

"Ahhh! Kasalanan 'to nila Adam at Norman eh." sigaw ko habang umiiyak.

"Sila Lucsian at Zachaos Nay, okay lang po ba sila?" tanong ko ulit sa kan'ya.

"Oo pero naka-condfine rin sila sa hospital na 'to," sagot nito.

Napapikit ako ng mariin, gusto ko tumayo. Gusto ko puntahan si Brian...

"Anak huwag mo muna pilitin, gagaling ka rin." awat sa akin ni Nanay nang subukan ko igalaw ang aking katawan.

"Nay gusto ko makita si Brian," umiiyak na saad ko rito.

"Anak tahan na, tignan mo si Brint umiiyak na rin." saad sa akin at doon ko lang naalala na nandoon pala si Brint.

"Baby I'm sorry hindi kita makarga sa ngayon, I am really sorry kung wala akong nagawa para sa Daddy mo." umiiyak na saad ko kay Brint.

"Trinity may ginawa ka, ikaw nga 'yong sumalo sa mga palo 'di ba? Iha I thanked you for what you've done, kaya huwag mo sisihin ang sarili mo sa nangyari kay Brian." pagpapalakas ni Tita sa loob ko.

"Pero ako po 'yong dahilan kaya hindi lumaban si Brian, kaya niya 'yon eh. Nang dahil sa akin na-comatose siya." umiiyak na saad ko rito.

Lumapit naman sa akin si Tita habang karga si Brint, pinunasan nito ang luha ko na sunod-sunod ang pagtulo.

"Mahal na mahal ka ni Brian kaya hindi siya lumaban, mahal mo rin siya kaya ka nagkaganyan. Don't blame yourself, hindi ikaw ang may kasalanan." saad sa akin ni Tita na naiiyak na rin.

Tumango na lang ako rito at tinitigan si Brint na tahimik na umiiyak.

"I want to kiss and hug mommy," saad ni Brint habang nakatingin sa akin.

Inalalayan naman siya ni Tita para mahalikan ako sa noo at mayakap.

"I am sad, Mommy and Daddy is not okay." malungkot na saad ni Brint.

Hinalikan ko ang noo nito, "Gagaling din kami baby kaya huwag ka makulit kina Lola ha?" nakangiti kong saad dito.

"Brint is a good boy," sagot sa akin nito.

Turner's Series 3: Marrying You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon