Chapter 25

4.3K 94 2
                                    

"Anong ginagawa niyo?" tanong ko kay Brian nang makalapit ito.

Nakakunot ang aking noo habang nakatingin sa kanilang tatlo na may dalang tatlong piraso ng bouquet of roses, si Brian ay may dalang balloon at cake kasama ang bouquet.

"Mother's day ngayon Trinity, sa maliit na paraan na 'to gusto namin iparamdam sa inyo kung gaano kayo kahalaga sa amin. Isa kayong huwarang ina na deserved ito, Happy Mother's Day!" saad nito sabay abot sa akin ng bouquet at balloon sabay nakipagbeso-beso.

Ang bilis ng panahon, mother's day na pala ngayon.

"Thank you so much, I didn't expect this." sagot ko naman sa kan'ya.

"Syempre, may bouquet din para kay Aleng Tina, go Lucsian." nakangiti namang saad ni Brian, lumpapit si Lucsian kay Nanay sabay abot ng bulaklak.

"Happy Mother's Day po Aleng Tina!" bati ni Lucsian dito sabay niyakap si Nanay.

Nginitian nito si Nanay sabay sagot "Salamat!"

"For our beautiful Mommy, Happy Mother's Day po!" saad naman ni Zachaos at inabot ang bulaklak kay Tita sabay ginawaran ito ng halik.

"Talagang may pa ganito pa kayo ha? Pero salamat, sobra kong na-appreciate." sagot naman ni Tita.

Pareho naman kaming natigilan lahat nang pumasok si Adam na may dalang sobrang laki na bouquet at isang box na chocolate.

"Magpapahuli ba naman ako? Syempre hindi, Happy Mother's Day to my soon to be wife!" bati ni Adam sa akin sabay hinalikan ang aking pisngi.

Napakunot naman ang aking noo sa sinabi nito, "Thank you!" sagot ko na lang.

"Magpagaling ka na agad ha? Magpapakasal pa tayo." saad nito na para bang kami lang 'yong tao.

"Adam please," saway ko sa kan'ya.

"Why? Excited na nga akong gumaling kayo ni Brint eh, siya 'yong ring bearet natin 'di ba?" nakangiti naman nitong saad.

"Adam, malabo ng ikasal pa tayo. Hindi ba tinapos na natin kung ano 'yong meron tayo 'di ba? Adam naman, tapos na tayo." diretsong saad ko rito.

"Gaya ng sinabi ko Trinity, hindi ko kayo susukuan. Gagawin ko lahat, bumalik lang kayo sa akin." sagot naman nito.

"Mahirap na Adam, alam na ni Brian ang totoo at mas may karapatan na siya kay Brint. Mahirap na 'yong gusto mo," pagpapaintindi ko naman dito.

"Hindi 'yon mahirap Trinity, Adam killed Margaux. Hahayaan mo lang na siya ang kilalaning Ama ni Brint samantalang nakapatay na siya? He's not a good example!" sigaw sa akin ni Adam.

"Anong sinabi mo? Ginawa ko lang 'yon para iligtas sila Trinity at Brint!" bulyaw naman ni Brian dito.

"Adam please, nandito ka ba lara manggulo na naman? Tama na!" sigaw ko rito.

"Mommy,"

Agad naman akong natigilan nang magising na si Brint sa pagkakatulog.

"Umalis ka na rito," mariin na saad ko kay Adam.

"Pero Tri, hahanapin ako ni Brint." pagrarason pa nito.

"Shut up! Hindi ka namin kailangan, umalis ka na." pagpapaalis ko sa kan'ya.

"Daddy don't leave," saad ni Brint sabay umiyak na naman.

Napapikit na lang ako, habang pinakikinggan si Brint na umiiyak. Mahirap man ay kinarga ko ito para kumandong sa akin.

"Baby, aalis na si Daddy hayaan mo na lang siya umalis ha? Inaaway niya kasi si Mommy." saad ni Brian kay Brint.

"Brian huwag mong nilalason ang utak ng anak ko!" saway ni Adam kay Brian.

Turner's Series 3: Marrying You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon