Chapter 8

5.3K 112 1
                                    

"Ma'am pasensya na pero hindi ko na po kaya ang ugali ni Brian, sobra na po ang mga sinasabi niya kay Trinity. Ma'am hindi ko po hahayaan na ganoon niya na lang bastusin ang anak ko, kaya ngayon pa lang gusto ko ng ipa-alam sa 'yo na aalis na po ako." Naluluhang saad ni Nanay kay Tita.

"Pasensya na talag Aleng Tina, pero kakausapin ko po siya. Huwag naman po sana mauwi sa ganito, alam niyo naman po na pinagkakatiwalaan ko kayo 'di ba? Aleng Tina, huwag naman po ganito." naiiyak na rin na saad ni Tita kay Nanay.

"Naiintindihan ko po kayo Ma'am pero dadalhin na po kasi ako nila Trinity sa Amerika, napalapit na rin sa akin ang pamilya mo ma'am kaya mahirap din ito para sa akin. Hayaan mo po, handa akong maghintay hanggang makahanap kayo ng kapalit." paninigurado ni Nanay dito.

"Hindi na yata kita mapipigilan, sige po Aleng Tina salamat po." malungkot na saad ni Tita.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Adam.

"Oo Adam, alam ko naman na ito talaga ang mangyayari kapag nagharap kami ni Brian. Kita mo naman kung gaano siya kabastos 'di ba? Kaya ayaw kong malaman niya na siya ang totoong ama ni Brint eh." mahinang sagot ko kay Adam.

"Kung wala lang tayo sa bahay nila, baka kanina ko pa 'yon nasuntok." mariing sagot nito.

"Hayaan mo na lang, pasasaan ba at hindi na natin makikita ang lalaking 'yon. Tayo na lang ang umintindi sa kan'ya ha? Mas malaki ang pag-unawa natin kumpara sa kan'ya eh." sagot ko naman dito.

"I'm sorry Hon hindi man lang kita napagtanggol kay Brian, alam mo naman nandito si Brint. He's young pero alam ko nakakaintindi siya sa mga nangyayari, basta kapag mas sumobra pa siya? Hindi na ako magdadalawang isip na sapakin siya." banta nito habang karga-karga si Brint.

"I'm sorry kung nadadamay ka sa problema ko, kung alam ko lang sana na pati ikaw babastusin niya ay hindi na kita sinama rito." malungkot na saad ko rito.

"Hindi rin naman ako papayag na ikaw lang ang pumunta rito, hon poprotektahan kita hanggang sa makakaya ko tandaan mo 'yan. Hindi ko hahayaan na saktan ka na naman ng Brian na 'yon, lalo na si Brint." sagot naman nito.

"Tirinity iha," tawag sa akin ni Tita.

"Tita bakit po?" sagot ko naman.

"Pasensya na talaga, ako na ang hihingi ng tawad at despensa. Hindi ko alam, hindi naman ganoon ang mga kapatid ni Brian. Knowing Zachaos and Lucsian? Baka may dinadalang problema si Brian kaya nagkakaganoon." saad naman ni Tita.

"Hayaan niyo po Tita, kung bibigyan niya ako ng pagkakataon na kausapin siya ay hindi ako magdadalawang isip na kausapin siya. Hindi ko po alam kung bakit ganito niya ako pakitunguhan, wala naman po akong naalala na nangako ako sa kan'yang babalikan ko siya lalo na at hindi ko alam kung ano ang meron kami noon." naiiyak na naman na saad ko rito.

"Pero sa totoo lang Trinity, simula noong nawala ka? Doon na nag-iba si Brian, kung malamig ang pakikitungo niya sa iba mas lalo itong lumamig at minsan nakikita ko siyang balisa at parang ang lalim ng iniisip.   Isa akong ina Trinity, alam ko kung may dinaramdam ang anak ko. Siguro wala lang talaga siyang lakas ng loob na sabihin sa 'yo ang nararamdaman niya noon." sincere na saad ni Tita.

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking puso nang sabihin niya 'yon, pero ayaw ko ng maguluhan. I already have Adam, he is all I have now. Kung totoo man ang sinasabi ni Tita wala na akong pake, eh halos hindi niya nga ako respetuhin.

"Tita never niya pong sinabi na may nararamdaman siya sa akin noon, hinayaan niya akong umasa... Akala ko meron pero wala pala, masyado siyang duwag." mariin na sagot ko rito.

Isang mahigpit na yakap ang sinagot sa akin ni Tita, napapikit ako nang mariin... Napakabait ni Tita sa amin kaya mahirap para sa akin na mapunta sa ganitong sitwasyon.

"Sana lang kaya mong panindigan ang desisyon mo, gagawin ko rin ang lahat para mabigay sa anak ko kung anong nararapat sa kan'ya." bulong nito sabay kumawala sa pagkakayakap sa akin.

Hindi ko alam pero biglang nanindig ang aking balahibo sa sinabi niya, ano ang ibig niyang sabihin?

"Lucsian what happened, bakit parang galit na galit ka?" tanong ni Tita nang pumasok si Lucsian.

"Nagkasagutan kami ni Brian, hindi ako papayag na hindi malaman ang totoo. Kung siya kaya niya magpakatanga puwes ako hindi! Hindi ako manhid, pasasaan ba at lalabas din ang katotohanan." mariin na saad nito sabay tingin sa akin.

Napakunot naman ang aking noo sa sinabi nito, seryosong-seryoso ito na para bang galit na galit.

"Hindi kita maintindihan Luc, ano bang sinabi sa 'yo ni Brian?" tanong ni Tita sa kan'ya.

"Wala, masyadong duwag ang gagong 'yon! Trinity, lalabas din ang katotohanan." banta nito sa akin.

"Lucsian wala akong alam sa sinasabi mo tsaka ano bang katotohanan ang sinasabi mo?" tanong ko rito.

"Nothing, but i'm warning you... Beware!" saad nito sabay talikod.

Nagkatinginan naman kami ni Adam at ni Tita, may alam kaya siya?

Dahil sa mga pangyayari ay inaya ko ng umuwi si Adam, baka kasi kapag nagtagal pa kami roon eh magkabukingan na. Kung tungkol kay Brint ang sinasabi ni Lucsian, hindi ko rin siya hahayaan na malaman ang katotohanan. Wala silang alam kung anong hirap ang hinarap ko noon, kaya gagawin ko ang lahat huwag lang mabunyag ang katotohanan.

Brian's POV

"Wala ka talagang kupas Margaux," saad ko habang nakatitig sa hubad nitong katawan.

"Ako pa ba? Basta ikaw Brian, gagawin ko lahat." sagot naman nito sabay suot ng aking damit.

Napangisi na lang ako habang nakatitig sa kan'ya, maliit itong babae kaya nagmukhang dress ang aking damit sa kan'ya.

"I love you baby," saad nito sabay hinalikan ako sa labi.

Isang ngiti lang ang aking tinugon dito, ilang taon na kaming ganito ni Margaux pero hindi ko pa rin siya nililigawan. Sa totoo lang, wala naman akong nararamdaman para sa kan'ya, siya rin naman ang kusang nagpapa-ubaya ng katawan niya sa akin.

"You've never changed, hindi mo pa rin ako mahal." nakangiti nitong saad pero pansin sa mata nito ang pait.

"Malay mo balang araw, mahalin na kita." walang emosyon na sagot ko rito.

"Okay lang, kuntento naman na ako kung anong meron tayo. Huwag mo lang ako iwan dahil hindi ko 'yon kakayanin." sagot naman nito.

Tinanguan ko na lang ito para matapos na, gamitin ko kaya siya para buwesitin si Trinity? Hmm, good idea.

"Why are you smiling?" tanong nito.

"Can I court you?"

Turner's Series 3: Marrying You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon