A/N: I highly recommend to play "Say Something" while reading this chapter. Hihi!
---"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" umiiyak na tanong ni Adam.
"Desidido na ako Adam, magsisimula na ulit kami ni Brian." sagot ko naman dito.
"Hindi ko alam kung saan ako nagkulang Tri, I gave my everything to you. Ginawa ko lahat para sa 'yo, lalo na kay Brint. Nagpaka-ama ako dahil mahal kita at mahal ko siya."Umiiyak pa rin na saad nito.
"Tatanungin kita Adam, gugustuhin mo pa rin bang manatili ang isang tao kahit alam mong hindi na siya masaya sa 'yo? Gugustuhin mo pa rin ba siyang manatili kahit alam mong iba na ang gusto niya? Adam hindi ko talaga sinadya na sa ganito tayo mauwi, 'di ba nga pumunta tayo rito para asikasuhin lahat? Siguro hindi lang talaga tayo ang para sa isa't isa." Hmahagulgol ng saad ko rito.
Kahit hindi naging maganda ang nangyari sa amin ni Adam, alam ko sa sarili ko na marami rin siyang ginawa para sa akin.
"Ang sakit lang Tri, ginawa ko naman lahat noon eh para lang mag-stay ka. Ginawa ko lahat maramdaman mo lang kung gaano ka kahalaga. Ginawa ko lahat para maging ideal man mo, pero sa huli pala siya pa rin kahit ilang beses ka na niyang nasaktan." umiiyak na sagot nito.
"I am sorry, hindi ako magsasawang humingi ng patawad sa 'yo. Hindi pala sapat 'yong three years na nagkalayo kami, niloloko ko lang pala ang sarili ko at pinapaniwala na wala na akong nararamdaman pero 'yong totoo takot ako sa katotohanang siya pa rin pala talaga."
"Alam kong hindi ko na mababago ang isip mo, kahit lumuhod ako rito alam kong siya pa rin ang pipiliin mo. Sa 'yo lang ako nabaliw ng ganito, sa 'yo ko lang din kasi naramdaman na mahalaga ako." humihikbing saad nito.
"Daddy thank you for everything, you are always a special space in my heart. Kahit na nasaktan mo si Mommy, mahal pa rin kita." umiiyak na rin na saad ni Brint kay Adam.
"Thank you baby, sobrang hirap sa parte ko na tuluyan kayong mawala pero wala eh ito yata talaga ang nakatadhana." umiiyak na saad nito.
"We are so thankful na nakilala ka namin Adam, thank you for being part of our lives." pagpapasalamat ko rito.
"Paano ba 'yan, habang buhay na ako rito. Siguro ito na rin 'yong kabayaran ko sa mga kasalanan ko sa 'yo. Basta Trinity, tandaan mo lang... Mahal na mahal kita, masakit pero kailangan... Pinapalaya na kita." saad nito sabay sa pagbuhos ng masagana nitong luha.
Tumayo ako habang karga si Brint, lumapit ako sa kan'ya sabay niyakap ito ng mahigpit. Tinugon niya ito at hinalikan ang noo ni Brint.
"Kapag sinaktan ka niya ulit, bumalik kayo sa akin ha? Umiiyak na saad nito habang yakap-yakap kami.
Nang matapos na ang oras para sa dalaw lumapit na ang bantay niya at nilayo na kami sa kan'ya.
"Thank you and I am really sorry," saad ko rito bago siya tuluyang umalis.
Mapait itong ngumiti sabay tumango, lumapit na sa amin si Brian sabay pinunasan ang aking luha at ang luha ni Brint.
"Huwag na kayo umiyak, ganoon talaga eh. At least ngayon, nagkapatawaran na." saad sa amin ni Brian.
Mayamaya pa ay tumahan na rin ako kaya naisipan na naming umuwi. Nang makarating kami ay namilog ang aking mata...
Halos nandoon silang lahat sa sala, may mga ngiti sa labi at kislap sa mata.
"Ang saya niyo yata?" takang tanong ni Brian sa kanila.
"Oo naman, bukod sa magiging abay kami ay kasama kami sa pagpaplano niyo ng kasal niyo." nakangiti namang sagot ni Sychea.
"Kasal?" takang tanong ko kay Brian.
"Oo Trinity, magpapakasal na kayo at napagkasunduan namin na kayo muna ang unang ikasal. Syempre, may baby brint na kayo eh. Samantalang kami ay sa mga susunod na taon." paliwanag naman ni Lucsian.
Hindi ko na napigilang mapangiti, ito na ba talaga 'yon?
"
Kung okay lang sa 'yo Tri, magpapakasal agad tayo." nakangiti namang saad ni Brint.
"Why not?" natatawa kong sagot dito.
"Narinig niyo 'yon hindi ba? Ikakasal na kami!" tuwang-tuwa na saad ni Brian.
Nagsitawanan nama sila at nagpalakpakan.
"Dahil diyan, let's celebrate!" anunsyo ni Zachaos sabay sa pagbukas ng wine ang malakas na putok.
Maybe I meet Adam for a reason, 'yon nga lang hindi pang habang-buhay. But the lesson I've learned while we are together will remain forever.
Minsan kailangan mo rin matumba para matutong bumangon at lumaban. Masaktan para lumakas, at lumaban para makamit ang hinahangad.
Kailangan din malayo sa taong totoong mahal mo para mabigyan ng panahon para mag-isip. Hindi lahat ng tao nabibigyan ng pangalawang pagkakataon, hindi rin lahat ng sumugal sa second chance ay naging masaya. Kung para sa 'yo talaga, kahit ilang beses kayong subukin at ilayo ng panahon. Kayo at kayo pa rin hanggang dulo.
Ilang buwan na rin ang dumaan, sa loob noon ay naging abala ako. Sa pamimigay ng invitation letter, pagpapasukat para sa trahe de boda, at syempre sa mga magiging abay, ninong at ninang pati na rin sa pagpili ng venue at magiging mga pagkain sa araw na 'yon.
Nakapag-usap na kami tungkol sa kasal kasama sina Lucsian at Zachaos kasama ang mga fiancee nila. Napagkasunduan na sa susunod na taon ay kasal nila Zachaos at Sychea, sa susunod naman na taon ay kina Lucsian at Keshelle.
I am so glad that I've meet them too, they are such a lovely ladies, approachable and helpful. Never nila ako pinabayaan habang abala ako sa paparating na kasal namin ni Brian. Hinayaan na muna nila akong huwag muna pumasok sa trabaho ko at ito muna ang asikasuhin.
Guess what? Brint is our ring bearer! I am so happy na magiging witnessed din si Brint sa magiging kasalan namin ni Brian. Habang abala sa pagch-check ng guest book, biglang lumapit sa akin si Sychea na may dalang bouquet of roses.
"Wow naman ang sweet naman yata ni Zachaos sa 'yo," nakangiti kong saad dito.
Bigla naman silang nagtwanan ni Keshelle, "Ano ka ba? Kay Brian 'to galing at pinabibigay sa 'yo." nakangiti nitong sagot sabay inabot sa akin bouquet.
"Naku! Ang lalaki talagang 'yon," natatawa kong sagot sabay binasa ang maliit na letter.
"Baka masyado ka ng busy, ngiti rin okay? Malapit na, excited na akong maging Trinity Collins Turner ang babaeng pinakamamahal ko."
Kahit korni ay hindi ko mapigilang mapangiti...
"Ayie, ganda naman ng ngiti oh." saad sa akin ni Keshelle.
"Ano ba, masaya lang ako." natatawa kong sagot dito.
"Basta ako, sagot ko na ang honeymoon niyo." nakangiting saad sa amin ni Sychea.
"Hala siya, baka masundan agad si Brint!" natatawa ko pang biro rito.
"Okay lang para maging ninang kami," nakangiti naman nitong saad.
"Oo nga!" sang-ayon naman ni Keshelle.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga, panibagong kabanata na naman ito. Pero this time, mas handa na at mas matapang na.
BINABASA MO ANG
Turner's Series 3: Marrying You (Completed)
RomanceOnce upon a time, you have the chance to marry her. But time comes, she found someone... Someone better and someone who can fight her until his last breath. Would you still pursue her? Or stop chasing even though you have your "alas"?