Chapter 10: The encounter

5.2K 110 4
                                    

Trinity's POV

"Want some dinner?" aya sa akin ni Adam.

"You sure?" nakangiti kong tanong dito.

"Yes, para naman sumaya 'yong reyna ko." sagot nito sabay halik sa aking noo.

"Sure, pero hindi pa ako nakapag-bihis eh." sagot ko naman dito.

"Natutulog pa naman si Brint eh, ako na muna magbabantay tapos mag-ayos ka na." sagot naman nito.

"Thanks Hon" saad ko rito sabay tayo at ginawaran ng halik ang kan'yang labi.

I just wear above the knee red fitted dress na v-neck sleeveless, bumagay naman ito sa color complexion aking katawan. Isang kulay itim na two inches pointed sandal na open naman ang aking sinuot, para hindi ako gaanong mahirapan. Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking buhok na hanggang balikat lang. I just put some light make-up, I chose the light red na lipstick then I saw my reflection on the mirror.

"Hon, okay lang ba?" tanong ko nang matapos na akong magbihis.

"You're so pretty," nakangiti nitong saad.

"Bolero!" natatawang saad ko rito.

"Hindi kaya, ang ganda mo talaga." seryosong saad nito sabay lumapit sa akin at inayos ang aking buhok.

"Saan nga pala tayo kakain hon?" tanong ko rito.

"I asked my friend who also visited Philippines, may nakainan daw sila rito dati. Sabi niya masarap daw ang mga luto roon,that's why I also wanted to try there." sagot naman nito.

"Go on, bihisan ko lang si Brint." sagot ko naman sabay nilapitan ang aking anak.

"Baby, baby Brint wake up. Kakain tayo sa labas anak," pag-gising ko rito.

Nang magising ito ay bigla naman itong umiyak kaya kinarga ko agad ito. Ganito talaga si Brint kapag bagong gising, laging umiiyak kaya hinihele ko muna ito.

"Hon magbihis ka na rin, bibihisan ko lang 'tong si Brint." saad ko kay Adam.

"Sige, just call me if you need help 'kay?" bilin nito.

"Sure thing," sagot ko naman.

Nang tumahan na si Brint sa kakaiyak ay binihisan ko na 'to.

"Are you excited?" tanong ko kay Baby.

"Where are we going mom?" tanong nito na nabubulol pa.

"We will be having a dinner sa labas, gusto mo ng cake?" nakangiti kong tanong dito.

"Ice cream also," sagot naman nito.

"Basta behave lang mamaya okay?" bilin ko rito.

"Yes po Mommy," sagot nito sabay halik sa aking pisngi.

"Ang sweet naman ng baby ko," nakangiti kong saad dito.

"Mommy, away ka noong bad guy?" tanong nito na nagpakunot ng aking noo.

"Sinong bad guy ba baby?" tanong ko.

"Bad guy, shout." sagot nito habang nakatingin sa kisame.

"Daddy Adam will help Mommy Trinity so don't worry okay? That bad guy can't hurt mommy." biglang sulpot ni Adam.

"Daddy Adam, a superhero!" saad nito sabay umakto ng lumilipad.

"Huwag na magalala baby ha?" paninigurado ko rito.

"Okay po," sagot nito.

"Halika na," saad ko sabay kakargahin na sana si Brint nang bigla itong kargahin ni Adam.

Turner's Series 3: Marrying You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon