Chapter 11

5K 123 3
                                    

Habang nag-uusap kami ni Margaux, mayamaya noon ay dumating na rin si Adam.

"Hon?" takang tanong nito habang karga-karga si Brint.

"Hon ito lang daw 'yong available na seat which is good for five people," saad ko rito.

"Pero nakapagpa-reserved na ako ahead of the time hon. Hindi puwedeng-"

"Hon, I know. Hayaan mo na lang, tsaka gusto natin kumain dito 'di ba? Kumalma ka na, okay lang sa akin." putol ko sa iba pa nitong sasabihin.

"Wait," saad nito nang mapansin na pareho kami ng suot ni Margaux.

"Who is she?" tanong nito sa akin.

"She is Margaux, nagpa-reserved din sila rito pero hindi rin na-cater kaya kinausap ako ng crewna kung puwede ba raw sumalo sila sa atin. Pumayag naman ako, dalawa lang daw sila eh. Okay lang ba sa 'yo Hon?" nagaalangan kong tanong dito.

"It's okay, let's have a seat." sagot na lang nito at tinulungan akong maka-upo.

"Pasensya na talaga ha? Wala na kasing ibang upuan eh." paghingi ng pasensya ni Margaux.

"It's okay," maikling sagot ni Adam.

"By the way, your baby is so cute. Anak mo ba?" tanong sa akin ni Margaux.

"Oo, he's my son." sagot ko naman.

"He reminds me of someone," nakangiti nitong saad.

"Waiter," tawag ni Adam.

"Mag-oorder ka na rin ba?" tanong ni Adam kay Margaux.

"Sige, malapit na rin daw 'yong date ko eh. Para sakto pagdating niya, nakahanda na at kakain na lang kami." sagot naman nito.

Nang makalapit na sa amin ang waiter ay inabot niya tig-iisa sa amin ang menu.

"What do you want to eat hon?" tanong sa akin ni Adam.

"Beef steak and calamares Hon, ikaw what do you want?" balik ko ng tanong sa kan'ya.

"I want beef steak too, red wine you want?" tanong nito.

"Sure thing, 'yong baby namin ano ang gusto?" tanong ko kay Brint.

"Blueberry cake Mommy and ice cream," sagot nito

"Is it available?" tanong ko sa waiter.

"Yes ma'am," sagot naman ng waiter.

"They also have cheese with bacon pizza, your favorite my love." saad sa akin ni Adam.

"Sige let's order that too," nakangiti kong sagot dito.

"Ikaw, may napili ka na ba?" tanong ko kay Margaux.

"Beef stew and beef steak," saad ni Margaux sa waiter.

Nang makapag-order na kami, ay umalis na ang waiter.

"Margaux this is my boyfriend and my son, and Hon this is Margaux na nakilala ko kanina." pagpapakilala ko sa kan'ya sa kanila.

"Nice meeting you," saad ni Margaux kay Adam.

"Nice meeting you too," sagot naman ni Adam.

"Oh, he's here!" nakangiting saad ni Margaux.

"Brian!" tawag nito sabay tayo.

Bigla akong kinabahan, napaawang ang aking bibig nang makita ang tinatawag ni Margaux. Nagkatinginan kami ni Adam, bakit siya pa?

Brian Nell Turner

"Hey i'm late, kanina ka pa?" narinig kong saad ni Brian kay Margaux.

"Oo pero nakapag-order na ako, have a seat. May kasama tayo sa mesa Bri, naubusan kasi tayo ng upuan eh." saad nito at inaya itong umupo.

Turner's Series 3: Marrying You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon