After 2 years
*Icy's Pov*
It's been 2 years, hangang ngayon ay malungkot pa din kami dahil madaming namatay.
Pagkatapos ng laban ay namatay si Madeline, Ashton at si Andrew pati ang magulang nina Aiden.
Napasulyap ako sa langit, kamusta na kaya siya baka kasama na niya mga magulang ko.
"Inaalala mo pa din siya?" Tinignan ko lang siya at tumango.
"Hangang ngayon ay sinisisi ko pa din ang sarili ko dahil kasalan ko kung bakit siya namatay." Umiling siya at niyakap ako ng mahigpit.
"It's not your fault sinalo niya ang bala para sayo dahil mahal ka niya." Parang kahapon lang nangyari ang lahat.
"Pero ang sakit pa din." Naiiyak na ako dahil naaalala ko pa din ang lahat.
"Shhh nandito lang ako hinding hindi kita iiwan." Tumango ako at nilabas ko lang ang mga luha ko. Niyakap ko ng mahigpit si Aiden.
"Sa tingin mo asan na kaya si ate Winter." Pagkatapos kasi ng war ay nawala agad siya nung nakuha na siya nina Aubrey.
Nagiwan siya ng message na babalik siya at wag kaming magalala pero hangang ngayon ay wala pa din siya.
"I'm sure that she's fine tsk siya pa makulit yun eh." Natawa ako sa sinabe niya makulit nga si ate haha. Kahit na hindi ko pa siya masyadong nakakausap ay alam kong magkaparehas kaming isip bata.
"Tara na pupuntahan pa natin sina Abigail." Kumislap bigla yung mata ko sa narinig ko. Nanganak na kasi si Abi tapos ang cute sobra ng baby manang mana sa akin hihi.
"TARA." Hinila ko siya papunta sa sasakyan.
Sana wala nang bagong kalaban dahil tinatamad na talaga kaming makipg away.
End...
BINABASA MO ANG
Revenge of the Childish Mafia Queen (Completed)
Teen FictionShe didn't expect to fall in love and thought that he would love her as much as she loves him.