Kabanata4- Like

157 3 0
                                    

Hindi pa din ako makamove-on sa nangyari. Kinikilig parin ako, ewan ko ba. Tinamaan ata talaga ako.
Kanina ko pa kinukwento kay Dreya ang nangyari, noong una nag-alala sya ng sinabe kong nalunod ako pero kalaunan hinampas hampas na nya ako, Kinikilig ata dahil sa ginawang pagligtas sakin ng kuya nya.
Nagtanong tanong ako ng ibang detalye tungkol kay Drei. Bukod kase sa Andrei Walter Del Fuego ang name nya ay wala na akong alam tungkol sa kanya.

He is already 27. Kaka 27 nya lang last October 21. Pinanganak sya sa California, USA at dun pinag-aral ng primary education. Dito sya sa Pilipinas nag high-school at bumalik naman sya sa States para mag college. May-ari na sya ng isang sikat na hospital sa Manila. Basic lang ang tinanong ko kay Andrea.
Naghapunan muna kami at dumiretso na ako dito. Siya naman ay nagpaalam na bibisitahin lang daw ang ibang departments. Maaga daw dapat akong matulog ngayon dahil bukas na ako magsisimula but I can't just sleep and forget about what happened.
Drei saved me. If ever na wala sya, wala na ako ngayon. I need to do something for him, hindi sapat ang thank you lang.

Kinabukasan ay sobrang aga kong nagising. Wala si Dreya, mukhang hindi sya dito natulog kagabi.
Hinanap ko muna ang phone ko at may message si Dreya sakin.

From: Bitch_Andrea

Girl, umuwi na ako sa Tagaytay. May aasikasuhin kase ako dito dahil nagkaproblema. Ingat ka dyan, Good luck sa pagpapacute kay kuya! haha.

loko ang babaeng to ah.

Bahala sila dyan. Basta mag-iisip ako ng pwede kong ibigay kay Drei kapalit ng pagliligtas nya sakin kahapon. Nasan kaya sya? Tulog pa kaya? Maaga pa naman, alas sais pa. Sana naman bukas na ang tindahan.

Saktong pagdating ko ay kabubukas lang din ng isa sa mga bilihan dito sa resort. Nagulat pa sila dahil may tao na agad kahit kakabukas palang nila.
Pumasok agad ako sa loob at nilibot ang paningin. Maraming damit ang narito. Ano kaya ang ibibigay ko sa kanya? hmmm.

Tama! wala naman sigurong masama kung ipagluluto ko na lang sya.
At dahil dun, naghanap ako ng bukas na supermarket at buti nalang may bukas na. Pumasok agad ako at naghanap ng ingredients sa lulutuin ko. I'm going to cook adobo for him. Marunong naman akong magluto kahit papano dahil simula 16 ako ay namuhay na ako ng mag-isa sa Spain. After the tragedy ay iniwan ako ng pamilya ko sa Spain at umuwi sila sa Pilipinas. They left me alone in that big damn mansion.
Pagkatapos kong bumili ng kakailanganin ay agad akong bumalik sa suite para magluto. Mabuti nalang at iba sa mga Hotel ang Hotel nila Drei. Ang suite nila ay parang condo, may kitchen, may malaking bathroom at sala.
Inihanda ko na ang mga kailangan ko at inumpisahan na ang pagluluto.
Hays sana naman magustuhan nya to.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng biglang nag vibrate ang phone ko from my pocket. Tiningnan ko ito, unknown number.

From: 0936........

Don't be late. We'll start at 9 am.
- Mr. Del Fuego

O_O

Oh my gosh. Tinext nya ako?! aaaaaaaaaaaah! kalma gel, kalma!
Sinave ko muna ang number nya saka ako kinikilig na nireplyan siya.

To: Babe_Del Fuego

Ok boss...

sent.

Lalagyan ko pa sana ng heart heart emoji kaya lang baka magalit. Boss ko pa naman sya.
Pinagpatuloy ko ang pagluluto habang naghihintay sa reply nya.
Mga ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin syang reply.
Tiningnan ko ang message ko sa kanya.

OK boss...

Sabagay, ano ba ang irereply sa sagot na yan? Pero sandali, pwede naman syang magreply ng " see you later" diba?

Unshed TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon