Kabanata13-Gulat

102 4 0
                                    

Lilinawin ko lang ang mga isipan nyo, nothing happened okay? Walang nangyari, muntik lang! Sayang nga eh, Damn Gel, what are you thinking? Marupok ka talaga eh?
Well as usual, I woke up with a gorgeous face of course, nothing changed. Last night, we slept together. With his broad arms on my small waist, I slept peacefully. Once in a while, nakatulog ako ng walang inaalala, walang dinaramdam. Actually, most nights are hell for me. Kung hindi ako binibisita ng mga bangungot, ng mga karanasan sa loob ng tagong selda, ay natutulog naman akong akap ang sarili ko, pinapahiwatig na ang sarili ko lamang ang aking karamay. Somehow, the warmth of his touch comforted me. Parang ang sarap sa pakiramdam na kung noon, natutulog akong mag-isa habang may luha sa mata, ngayon, natutulog ako ng may mga brasong handang sumagip kung mahulog man ako, subalit alam kong, it's just a temporary feeling. It's not forever but I have to enjoy the feeling while it lasts.

Kasalukuyan akong naliligo. Ang sabi kase ni Del Fuego, may pupuntahan kami. Tapos narin kaming kumain kasabay ang mga relatives nya kanina. Everyone greeted me a good morning including Tita Emilia and Tito Lester. Anyway, about sa pupuntahan namin, I don't know where but knowing we'll be out of this mansion excites me. Not that ayoko sa atmosphere dito, pero iba kase kapag gumalaw na tila may mga matang nagbabantay sayo. I understand that they just want the best for Drei, and so do I.

Pagkatapos maligo, lumabas naman agad ako sa bathroom. Bumungad sa akin si Del Fuego na umiinom ng kape. He is holding a mug on his right hand while reading a newspaper. I can't help but stare the way he moved his arms sensually.

Huli na ng mapagtanto ko na nakatuwalya pala ako ngayon. Sinamahan pa ng nakakailang na nangyari kagabi. Biglang namula ang aking pisngi. Sakto namang iniangat nya ang tingin sa direksyon ko. Mas pumula ata ang aking pisngi ng kinagat nya ang ibabang labi habang tinitingnan ako from head to toe! This jerk!

" Trying to seduce me again, huh." he said smirking. Langya,

Inirapan ko sya, "Masyado kang assuming, hindi ko naman alam na nandyan ka, lol." katwiran ko, bagay na ikinatawa nya.

"Hmm? You really don't know?", bakas parin ang pang-aasar.

I rolled my eyes. "Yeah! At bakit naman ako lalabas ng nakatapis lang kung alam kong nandyan ka? I'm not that perv, you manwhore." maldita kong sabi.

Ngumisi sya. "Masyado kang hot, umagang umaga pa." aniya

"Ewan ko sayo!" Saad ko, bago ako kumuha ng damit sa bag ko. Good thing nadala nya pala ang mga gamit ko, all along I thought naiwan to sa hotel sa baguio.
Isang maroon fitted dress ang nakuha ko. It's a sexy dress above the knee. Bukas ang sa bandang tyan, revealing my sexy stomach. Agad naman akong pumasok sa kanyang walk in closet. Good thing, tinted yun.

Pagkatapos kong magbihis, agad naman akong lumabas. I blow dried my hair in front of a big mirror in his room. Sya naman ay nakatingin sa Akin, kitang kita ko iyon sa salamin. I raised my brow at him in the mirror, he just smirked, reprimanding me from talking.

"Tinitingin tingin mo?" masungit kong tanong sa kanya.

"Ang sungit mo, are you in your period?" he hesitated. Look at this man, so intimidating!

Agad naman akong umiling. " Of  course not!" sabi ko kaagad. Bakit ba ganyan ang mga tao, kapag nagminaldita ka, may dalaw ka agad! Darn.

He just made a half smirk as he sexily sipped on his coffee, with his eyes still looking at me. Agad ko namang iniwas ang tingin, at bumalik sa pag-aayos. Nilagyan ko ng kunting kolorete ang mukha, paired with a dark lipstick to make me more intimidating.
After my rituals, sinuot ko lang ang aking white sneakers shoes. Bagay kase ito kapag pinares ko sa suot ko ngayon. Si Del Fuego naman ay nanatili parin sa pagtingin sakin, nakakailang na! I faced him, with a glaring eyes.

Unshed TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon