Kabanata23-Doubts

127 3 0
                                    

Time passed by.
I didn't know if it's been weeks, or a month since I lived together with my husband.
Hindi ko masasabing palagi kaming masaya dahil wala namang perpektong relasyon sa mundo.

Mag-aaway kayo, magkakatampuhan, tapos magkakabati. Ganyan talaga ang cycle ng buhay. But the most important thing is that, we learned from any situations, no matter if its good or bad.

"Ma'am, pinadala ko na po ang mga stocks sa market. Ang sabi po ng Head ay mayroon po kayong kailangang e-close na deal sa mga Del Valle tungkol sa franchising ng resort sa Cebu. Ikaw daw po ang ipapadala dun sabi ni Ma'am Emiliana Del Fuego."

Napamaang ako sa sinabe ni Erick.
Si Tita? I-I mean, mommy?
Bakit naman ako ang ipapadala nya sa resort dun? At ang layo ng Cebu!

" Sigurado ka bang ako, Erick? Pwede naman siguro na sa Hotel branch sila kumuha ng representative diba?"

Umiling sya.

" Ang sabi po ni Ma'am, ikaw daw po ang representative ng resort para sa deal of franchising." aniya saka lumabas na sa office ko.

Napahilamos ako ng mukha. Darn, hindi ko maintindihan si Tita. Tinetest nya ba ang katapatan ko sa pagpapakasal sa anak nya? Alam kong marami akong history about boys. Palagi nga akong laman ng mga cheap sites noon.
Pero, nagbago na ako! I'm not that kind of girl who jumps from one man to another now!

I need to talk to Tita Emilia.
Agad kong tinapos ang mga gawain ko sa araw na'to at dumiretso na ako sa office ni Tita na nasa bandang left wing ng resort. Lalakarin ko pa yun!

Habang naglalakad, naisipan kong tawagan muna si Del Fuego. Baka alam nya ang planong ito ng nanay nya!

"The number you're calling is temporarily unattended and out of coverage area. Please try again later."

Bwiset,hindi sumasagot ang loko. Ano ba ang pinagkakaabalahan nya? Ah, baka busy lang sya sa hospital.

Hindi ko nalang sya tinawagan ulit. Huli kaming nagkita kagabi sa penthouse. Kaninang umaga, hindi ko na rin sya naabutan dahil maaga syang umalis. Well, hindi ko na muna sya iisipin ngayon dahil busy pa ako at super stressed ako dahil sa mga nangyayari ngayon!

"Good morning, Tita." bati ko kay Tita Emilia na kasalukuyang nakaupo sa kanyang swivel chair at nakaharap sa kanyang laptop. Ng marinig nya ako, agad nyang iniangat ang tingin sa akin at ngumiti. I smiled back at her saka ako lumapit sa table nya.

"Mama dapat, Angel." nakangiti nyang saad na ikinagulat ko.

"Anyway," pag-iiba nya. "Anong pinunta mo dito?" she asked without looking at me. Nanatili ang kanyang tingin sa kanyang laptop.

I seated on the chair in front of her table.

"M-mama," nauutal kong sabi. Damn, I'm not really comfortable with it. Hindi pa ako sanay.

Iniangat nya ang tingin sa akin. Her smile grow wider.

"Good to hear. Hmm, what is it? "she asked curiously.

Napapikit ako at malakas na napabuntong hininga.

" Ahm... I heard po kase na may franchising sa resort nyo sa Cebu... " panimula ko. I saw her raised her brow. I think she already knew why I came here.

" At narinig ko rin po na ako daw ang pinili ninyong representative para e-close ang deal..." I continued.

She made a half smirk." Anak, I know what you're thinking. Iniisip mo siguro na I'm measuring your loyalty or your faithfulness towards my son, but that's not my real motive." mama said confidently.

Unshed TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon