Kabanata22- Lovelife ng iba

140 4 0
                                    

We can never totally hid in someone's shadow. We have to distance ourselves and make our own name. We have to build walls so we can never be a hindrance to someone's success.

Tama nga naman. Not all the times, kailangan nating itago ang sarili sa likod ng iba. We also have to be brave and stand alone. Dahil lahat ng bagay sa mundo ay naglalaho. Even love.
No, scratch that. Especially love, rather.

Pero nasa punto na ako ng buhay ko na pakiramdam ko hindi na ako makakabangon pa. Na hindi na ako makakaahon pa.
Kase, walang silbi ang harang para makamit ang talagang gusto.

Ang sakit ng katawan ko ngayon. I feel sore all over my body. Especially in between my thighs. Darn, you already gave yourself to him, girl. You gave yourself to the person you only love.

Nakahiga ako ngayon sa aming kama. Nakatingin lang ako sa asawa kong mahimbing pa ring natutulog sa tabi ko ngayon.

Hinawakan ko ng dahan dahan ang kanyang mukha. And in a blink, I just found myself staring at his perfection.

Hindi ko masasabing wala na akong mahihiling sa aking buhay dahil hindi naging perpekto ang buhay ko. Well, wala naman talagang perpekto sa mundo, hindi ba? There's only better, or best! Nothing relies on perfection.

Nanawa ako sa pagtitig sa kanya.

Kahit sa buong buhay ko, maraming bagay akong ninais, kinalimutan ko na yun. Kung noon, nais ko lamang maramdaman ang pagmamahal ng pamilya ko, iba na ngayon.

All I wished now, is to ask God to please let this man beside me, be my lifetime partner. And for his love, kahit hindi na ang lahat, para sa akin.

Ang selfish ko ba masyado?

"Ang lalim ng iniisip mo, hmm."

Ibinalik ko ang tingin sa kanya na kasalukuyang nakangiti ngayon sa akin. Oh God, how I wish I can witness that smile for the rest of my life.

Ngumiti ako pabalik at umiling.

"Wala 'to. Iniisip ko lang, ang gwapo mo pala." sabi ko sa kanya.

He chuckled and pinched my nose. Saka sya nanggigigil na pinisil ang pisngi ko.

"A-aray Drei! Ang sakit kaya!" tinampal ko ang kamay nya na nasa mukha ko ngayon. Natawa lang sya at binitawan na ang ang pisngi kong bahagyang namula dahil sa pisil nya.

"Alin ang masakit, baby?" tunog nang-aasar ang boses nya. Hindi ko tuloy mapigilang hampasin sya ng unan sa tabi ko.

"H-hey! Bakit mo ba ako hinampas?"
tanong nya at napahawak sa ulo nya na hinampas ko. Ayan, manyak kase.

"Perv ka kase. Buti nga sayo." sabi ko at inirapan sya saka ako tumalikod sa kanya para makatulog ulit. Tiningnan ko ang wall clock sa tabi ng kama, alas sais pa pala ng umaga.

Ipipikit ko na sana ang mata ko ng maramdaman ko ang mga braso nyang nakapulupot sa baywang ko ngayon at naramdaman ko ang hininga nya sa aking leeg. Kinilabutan tuloy ako dahil dun.

"Ang sarap ng ungol mo kagabi, hmm" bulong nya na nagpatindig balahibo sakin. Wlangya! Ano ba ang pinagsasabe nito?!

Imbis na sumagot sa kanya, nagkunwari akong natutulog. Bahala sya dyan, ang manyak eh.

Mga ilang sandali syang tumahimik saka sya nagsalita.

"Don't pretend to be asleep, baby..." Aniya habang hinahalik halikan ang leeg ko. Bwiset naman! Babangungutin pa ako nito!

Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sa akin at humarap sa kanya.

Tiningnan ko sya ng masama.

"Inaantok ako, matulog ka na nga lang ulit. " masungit kong utos sa kanya saka ako tumalikod ulit para makatulog na ng tuluyan.

Unshed TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon