Kabanata16- Arabu ka ba?

119 3 0
                                    

Nakauwi na kami sa resort. Wala pa ring imik tong kasama ko hanggang makarating kami sa suite nya. Galit pa rin ata, mukhang hindi nakuntento sa lambing ko. Sarap sapakin nito. First time kong manglambing sa lalaki, nag-iinarte pa! Napailing nalang ako.

Dumiretso sya kaagad sa kwarto nya, ako naman ay naiwan dito sa sala. Tiningnan ko ang wrist watch ko. Pasado alas dose na pala. Biglang tumunog ang tiyan ko, nagutom ata.Wala pa namang pagkain dito. Nagbihis muna ako ng white spaghetti strapped na damit at maong shorts.

Pumunta ako sa kusina, nagbabakasakaling may maluto. Buti nalang at may kunting laman pa ang fridge. Hotdog at bacon lang naman. Tinatamad ako. Hindi ko na kayang magluto. Bababa na lang siguro ako. Marami pa namang bukas na tindahan dito.

Paglabas ko ng hotel, naghanap agad ako ng pwedeng kainan. Nakita ko naman agad na bukas ang restaurant na kinainan ko nung nakaraan. Napatingin ako dun sa casino malapit sa dagat. Sa pagkakaalam ko ay may malaking club sa loob, kaya pala ang ingay. Big time talaga tong resort nila Del Fuego.

Pumasok nalang ako sa loob ng restaurant at umorder bago ako naghanap ng mauupuan, pinili ko ang pwesto malapit sa dagat. Ramdam ko kase ang kapayapaan dito. Iginiya ko ang tingin sa labas. Kahit hatinggabi na, marami pa din ang naliligo at nag eenjoy, marami ring tao sa tabing dagat, mukhang ang sarap tuloy mag night swimming. Napabuntong hininga lang ako. The last time na nagrelax ako dito ay isang buwan na ang nakakaraan at yung muntik pa akong nalunod. Naalala ko tuloy ang kwentas na binigay ni grandma.

Nagsimula na akong kumain. Mukhang ngayon lang ata ako tinablan ng gutom.
Nasa gitna ako ng kinakain ng biglang tumunog ang phone ko. Nagulat ako, nadala ko pala to? Sabagay, hindi ko naman kase talaga ugaling iwan ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag, si Drei lang naman.
Sinagot ko na.

"Oh?" bungad ko pagkatapos kong ngumuya.

"WHERE THE FVCK ARE YOU?!" agad kong nilayo ang taenga. Ang lakas naman kase ng boses nya.

"Wag ka ngang sumigaw, nasa baba ako, kumakain." kalmado kong sagot sa kanya. Ilang segundo syang tumahimik at biglang binaba ang tawag. Binilisan ko na lang ang pagkain dahil alam kong pupunta yun dito. Nasa huling subo na ako ng may umupo sa upuan sa harap ko. Iniangat ko ang tingin ko kay Drei na ang sama ng tingin sakin.

Kumunot ang noo ko. "Problema mo?" tanong ko. He raised his brows.

"Ang hilig mo talagang umalis at gumala ng hindi nagpapaalam no?" he said full of sarcasm.
I smiled at him, yung ngiting nakakaaasar.

"Ganyan talaga ang ugali naming mga pinagpala ng kagandahan. Pinaghirapan akong gawing dyosa ng mga magulang ko. Kailangan kong irampa to" nakangisi kong saad.

"Ang humble mo talaga," nanunuya nyang sabi. Nginisian ko lang sya.

"I know right. Nga pala, anong ginagawa mo dito? kumain ka na ba?Ayos ka lang ba? May sakit ka ba? Nami miss mo ko?Ano kulay ng brief mo?" sunod sunod kong tanong. Biglang tumawa ang tao sa likod ng upuan ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Del Fuego.

Natawa ako ng malakas. Ang seryoso talaga nito.

" Ano ba yang mga pinagtatanong mo? bastos mo talaga," aniya.

Natawa nalang ako." Anong bastos dun? Nakita ko na naman yan eh, nahiya ka pa." mas nilakasan ko ang boses. Halos takpan naman ni Drei ang bibig ko. Lakas mang-asar eh.

"Hey, tone down your voice! Ano ba yang pinagsasabe mo!" galit na sabi nya. Tinawanan ko lang sya saka ako tumayo. Busog na ako. Iniwanan ko lang sya doon sa loob ng restaurant saka ako lumabas at naglakad lakad sa buhangin. I felt the warmth of the wind touching my skin. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Hinahampas ng hangin ang balat ko. Pinaparamdam nito sakin ang malambot na yakap.

Unshed TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon