Kabanata17-Unloved

174 3 1
                                    

Hindi ko maibsan ang kaba habang palapit kami ng palapit sa mansion namin dito sa Tagaytay. Si Andrei ay nanatiling seryoso ang mukha. Hindi naman ata sya kinakabahan. Mukhang ako pa nga ang mas kinakabahan sa aming dalawa. Sumulyap lang sya sakin sandali bago nya ibinalik ang tingin sa daan. Sinipat ko muna sya ng tingin. He looks fabulous in his black V-neck shirt na pinaresan nya ng blue denim jacket at black maong pants. Ang cool nya tingnan ngayon. Parang nag iba na nga ang tingin ko sa kanya mula kahapon. The way he express himself now draws circles in my mind but I did not mind it for now, mas inaalala ko kung pano sasabihin sa pamilya ko.

"Are you nervous?" I heard him asked without even glancing at me.

Umiling ako. "Not really, medyo lang. Alam mo namang hindi kami in good terms ng family ko." salaysay ko.

"Don't be nervous, pamilya mo naman yun. Dapat nga at ako ang kinakabahan, diba?" he has a point.
Natahimik na lamang ako. Hindi ko alam ang sasabihin.

We arrived in a short time. He parked his car at sabay kaming lumabas ng kotse. Napatingin ako sa terasa kung saan nakatayo ang aking ama. Mataman lang syang nakatingin sa akin bago sya bumaba para salubungin kami. Alam kong narito ang lahat ng kamag-anak ko ngayon. I just hope everything is going to be fine.

Sinalubong kami ni Papa' at mama'.
Don Alfonso Espinosa is just wearing his normal attire at home while Donya Margaret Revamonte Espinosa looks stunning in her red floral dress. Ang sama ng tingin sa akin ni mama' pero nagbago yun ng makita kung sino ang kasama ko. Ngumiti silang dalawa ni papa', hindi ko alam kung bakit.

Nagmano muna ako sa kanila.

"Dr. Del Fuego! I'm glad to see you here!" nagulat pa ako ng batiin ng aking ama si Drei. Nakipagkamay lang si Drei kay papa at ngumisi sya sakin. Putrages na Andrei Del Fuego.

"I'm glad to see you again, Tito and of course, Tita Margaret." bineso nya ang aking ina na napakalaki pa rin ng ngiti.

Halos masamid ako sa sariling laway.Kaya pala! Kaya pala ni walang bakas ng kaba ang pagmumukha ng damuhong to habang papunta kami dito!

"Bakit mo nga pala kami binisita dito, Andrei?" tanong ni mama'. "Magkasama pa kayo nitong anak ko. Kilala nyo ba ang isa't isa?" dagdag nya.

"Opo, Tita. Kaya nga po nandito ako ngayon para opisyal na mamanhikan. I want to marry your daughter, Tita, tito." Aniya. Halos malaglag ang panga ng mga magulang ko sa sinabe ni Del Fuego.

"W-what?! a... anong ibig mong sabihin Drei?" - gulat na tanong ng aking ina. Shocked was evident in their eyes.

"Tita, I want to marry your daughter."ulit nya.

Nakita ko ang pag-angat ng labi ng aking ina. Magsasalita pa sana sya ng biglang lumabas si Erika at naglakad patungo sa amin. She is smiling. Napairap nalang ako.

" Andrei! it's been a long time!" aniya at yumakap kay Drei na ikinabigla ko. I was shocked the whole time. I don't even know why my family knows Andrei without even telling me, pero sabagay, sino ba ako? I'm just the worthless daughter after all.

" You want to marry Erika? That's good to hear!" mas nagulat ako sa anunsyo ni mama'. Biglang nanikip ang dibdib ko. Kitang kita ko pa ang pagkamangha ni Erika sa narinig. Fvcking bitch.

"T-talaga mama'? He's here to marry me? Oh my God," Erika is smiling widely. Ang feeling ng babaeng to, sarap hambalusin ng takong nitong sapatos ko.

"Ah Tita, hindi po si Erika. I want to marry Angel, she's after all my girlfriend." umalma na si Drei, buti naman. Gulat na gulat si Erika sa narinig. Natawa ako ng mahina. Asa pa more. Humawak naman ako sa braso ni Del Fuego.

Unshed TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon