Dumaan ang mga araw at linggo. Hindi ko na namalayan na higit isang buwan na simula ng pinakilala ako ni Del Fuego sa parents nya. Pagkatapos kase nun ay dumiretso kami kaagad pauwi ng Manila dahil may aasikasuhin sya dun. Pinagpatuloy ko naman ang trabaho ko sa loob ng isang buwan. Maraming nangyari actually. Akala ko nga pagbalik dun, babalik ako sa suite ko pero dun nya ako pinatira sa kanya. He even introduced me to everyone! As his wife, putcha halos mabingi pa nga sila sa narinig. Lalong lalo na si Erick. Parang bigla ngang nagbago ang pakikitungo nya sakin. Hindi lang sya, kundi lahat ng staffs na nakakaalam na 'asawa' ako ni Del Fuego. Parang hindi rin sila makapaniwala. Eh hanggang ngayon hindi pa kami kasal. Para lang kaming magkalive in na wala namang mutual understanding. Aaminin ko, ang gulo ng set up namin.
Atsaka, bukas na kami tutungo sa Tagaytay para mameet ang pamilya ko. Tinawagan rin ako ni papa' noong nakaraan, kinukumusta ako. Tinanong din nya sakin kung kailan ako uuwi, sinabe ko lang na uuwi ako sa makalawa. Medyo natagalan kase kami dahil naging busy si Del Fuego sa hospital at sa pamamahala dito. Pumunta rin si Dreya last week, binisita ako.
Kasalukuyan akong nandito sa office ko, wala naman akong masyadong ginagawa. Puro inventory lang at pagpirma ang ginawa ko buong araw. Bawat sandali, may dadating dito at Nagpaparirma sakin. Medyo busy talaga dahil parami ng parami ang mga tao sa resort. Huling linggo na kase ng bakasyon at balik skwela na rin.
Nung mag 12 ay tinapos ko na muna ang lahat ng kailangang tapusin dahil mag ha-half day ako ngayon. Nagtext kase sakin si Jade, ang pinsan ko. Sabi nya ay nandito daw sya sa casino ng resort. Ang babaeng yun, ano kaya ang ginagawa dito.Nag-out nalang ako pagkatapos.
" T*ngina couz' buhay ka pa palang animal ka." bungad nya sakin saka kami nag fist bump. Darn, ang bibig ng babaeng to.
Natawa nalang ako. " G*go, hindi ako madaling mamatay oy!" Saad ko naman. Naiimpluwensyahan kase ako ng babaeng to.
Nagkita lang kami sa isang restobar dito sa resort.
" Haha p*nyeta ka. Matagal kaseng mamatay ang masasamang damo, g*go." aniya. Natawa nalang ulit ako. Actually, ka close ko lahat ng pinsan ko, tanging ang kapatid ko lang ang hindi ko magawang makasundo.
Nag order si Jade ng dalawang baso ng whiskey. Tanghaling tanghali pa iinom na naman.
Binigay nya sakin ang isa.
" Ano ba kase ang ginagawa mo dito, couz?" tanong ko pagkatapos naming magtoast.Nginisian nya lang ako. " Dad gave me a mission sa Casino. Hinuli ko lang yung motherfvcker na businessman na nag iinvest ng coccaine dito sa Pilipinas. Tinalo ko lang naman sa pustahan tapos Hinuli ko na ang g*go" aniya. Napabuntong hininga na lang ako. Naalala ko tuloy ang misyon nya sa mga Del Fuego. I wonder kung nag simula na ba sya?
"Anyway, Jade." pag-iiba ko. "Kumusta yung misyon mo kay Prince Del Fuego? Nag simula ka na ba?" tanong ko.
Biglang nagbago ang mood nya. Mukhang galit eh. " T*ngina, ang p*nyetang yun! Ang sama ng ugali ng g*go. Sabi nya hindi daw nya kailangan ng babaeng bantay. Fvck that arrogant man, mamatay na kamo syang g*go sya. " mura nya. Natawa nalang ako. Hindi ko akalaing magiging ganyan si Prince eh ang bait bait naman nun. Haha.
" Seryoso?! Haha, mabait naman sya sakin. " agap ko na ikinakunot ng noo nya.
" Nagkakilala na kayo?" she asked. Oops, wrong move. Wala na akong choice but to tell her the truth.
" Ah, oo! Pinsan sya ng.... b-boyfriend ko!" Saad ko. Fvck.
" Boyfriend mo? May jowa ka na palang animal ka, haha! Akalain mong may pumatol sayo h*nayupak." pagmumura nya. Hays, tong babaeng to'. Hindi magawang magsalita ng walang mura eh.
BINABASA MO ANG
Unshed Tears
RomanceAngeliana Espinosa, the real definition of Desperate. Obsessed. Dramatic. She's the antagonist and the blacksheep of the family. The definition of The Prodigal Daughter. Hindi biniyayaan ng masayang pamilya. Laging kinukumpara. Laging Mali.. Every t...