Hindi parin ako makamove on sa sinabe ni Drei kanina. Talagang nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
Tuwang tuwa naman si Dreya sa reaksyon ko. Actually, kanina pa kami nakapag-usap usap habang kumakain.
Napag-usapan namin ni Del Fuego na civil wedding lang ang gaganapin. Syempre, kahit naman may malaking galit ako sa aking pamilya ay may karapatan din naman silang makialam sa buhay ko. Nakakapanghina lang dahil ilang taon kong nilagyan ng limitasyon at harang ang sarili ko sa kanila pero babalik parin ako.Gabi na, halos tulog na ang lahat sa mansyon pero gising pa din kami ni Drei, Prince, Dreya at ang mga pinsan nilang sina Dianne, ka edad ko lang, Mia na matanda sakin ng dalawang taon at tatlong lalaking kasing edad ata ni Prince at Drei. Nag-iinuman silang mga lalaki malapit sa pool at kami namang mga babae ay nag uusap at nagtatawanan. Mayroon ring vodka sa table namin, at isang baso palang ang nainom ko.
Tiningnan ko sila habang nagke kwentuhan. Agad akong napalapit sa kanila dahil mababait sila at masayang kasama."Grabe ka, Gel. Nawala lang ako saglit sa resort, tapos malalaman ko na lang na kayo na pala ng kapatid kong yun! iba ka talaga, girl." hindi makapaniwalang saad ni Andrea.
"Sa ganda kong to, Andrea, nagduda ka pa! haha," sabi ko na ikinatawa nilang lahat.
"I never expected Prince would come! As far as I'm concerned, target sya ngayon ng isang malaking mafia, his life is dangerous!" Nanlaki ang mata ko sa sinabe ni Dianne. Si Prince? target ng isang mafia? at bakit naman? He's kind! impossibleng may makaaway sya!
" Actually, nakipagtulungan na si Dad kay General Revamonte tungkol dyan, sa lalong madaling panahon ay ipapadala na ang personal body guard ni kuya," Si Mia na kapatid ni Prince Del Fuego sa nag-aalalang mukha.
Napatigil ako. I remember Jade, tito Alfred's only daughter, my cousin. Nabigla kase ako ng malaman kong Lieutenant na sya ngayon. She is a girl tapos sumunod pa sya sa yapak ng ama nya! Tapos itong si tito Alfred naman, hinayaan pa ang anak na pumasok sa military! Naaalala ko noong mga bata pa kami. Jade is a strong woman. She was just 10 years old when Tito Alfred trained her all the tactics. Tinuruan sya ni tito na humawak ng baril at makipaglaban. Kung kami ay naghahabulan at naglalaro, si Jade naman ay walang social life! Focus na focus sya sa gusto ng ama nya! Kung buhay pa sana si Tita Janice, she would never let her daughter experience this kind of situation. Sadly, she died when she gave birth to Jade. And if you're curious about Phoenix, well. He's Tita Michelle's son, kapatid ng aking ina at ni Tito Alfred. Tatlo silang magkakapatid, actually.
"Sino sa tingin mo ang ipapadala ng Tito mo, Angel?" tanong sa akin ni Andrea.I shrugged, "I don't know, baka isa sa mga team nya," sagot ko.
"I heard from Dad na mukhang ang anak ni General ang ipapadala, I don't know pero sa pagkakaalam ko, isa lang naman ang anak ni Gen. at babae yun!" wika ni Mia, bagay na ikinagulat ko! Fvck, what's happening to Tito? He's risking his daughter's life! Why would he risk Jade for that mission? Babae ang pinsan ko! Dapat ay isa sa mga tauhan nya ang ipadala!
" Tangina. " I muttered to myself. Napatingin sila sa akin, kunot ang noo.
"Why? totoo ba yun, Gel?" si Dianne.
I sighed heavily. "I guess so. Tito Alfred has only one child, at si Jade yun. She's a lieutenant. Pero hindi ako makakapayag na I-risk nya ang buhay nya dahil sa ibang tao. My tito is crazy," iiling iling na saad ko.
" You mean, si Jade talaga? Darn, nakakatawa. Babae pa talaga ang magbabantay kay kuya Prince?" natatawang sabi ni Dianne. Hindi, hindi pwede. I need to call tito! He's really out of his mind!
I excused myself first, kailangan ko na talagang tawagan si Tito! I can't afford to lose my cousin! that mission is dangerous, mafia ang kalaban ni Prince.
Dumiretso ako sa tahimik na parte ng mansion, malapit sa garahe.
I dialled Tito Alfred's number. Mga ilang ring pa bago nya ito sinagot.
BINABASA MO ANG
Unshed Tears
RomanceAngeliana Espinosa, the real definition of Desperate. Obsessed. Dramatic. She's the antagonist and the blacksheep of the family. The definition of The Prodigal Daughter. Hindi biniyayaan ng masayang pamilya. Laging kinukumpara. Laging Mali.. Every t...