Kabanata26- Kill him with kindness

196 8 2
                                    

"Thanks. Nabusog ako dahil sa niluto mo."

Napangisi ako sa narinig. I'm currently washing the dishes at si Jet naman ay nakapangalumbaba sa barandilya ng lababo.
Umuwi na si Manang Lusing dahil gabi na at kailangan nya pang pakainin ang apo nya.

"You're welcome." I smiled at him.

He chuckled a bit that made me looks at him.

"Why?" tanong ko

He shrugged but his smiles say otherwise.

"Hindi ka naman pala masungit." he said that made me laughed so hard.

"Mabait ako, Jet." natatawa kong saad at ipinagpatuloy ang paghuhugas ng plato.

"Sino ba ang lalaking yun kanina?" napatigil ako sa biglaan nyang tanong.

"Ewan ko. I've met him in some bar. Hindi ko naman pinapansin pero matigas ang ulo. Hindi ko inaasahang magkikita kami dito. Gago yun, tingnan lang nya at ipapakulong ko sya." nagtagis ang mga bagang ko ng maalala ang Aaron na yun. Oo nga pala, parehas lang na gago ang mga lalaki.

"Dapat talaga syang ipakulong. Mukhang addict naman ang lalaking 'yon." aniya habang seryosong nakatingin sakin.

I just rolled my eyes saka ko mabilisang tinapos ang gawain.

After doing the dishes, saka lang nagpaalam si Jet para umalis. He even asked for my number at binigay ko naman yun sa kanya ng walang pag-aalinlangan. Hindi nya pa rin pinirmahan ang kontrata dahil ang rason nya ay gusto nyang mag stay muna ako dito. Natawa lang ako dahil saka ko lang napagtanto na mabuti nga 'yon. At least in a short time, makakalimutan ko muna ang mga pasakit ni Drei sakin. The nerve of that man to use me. Hindi ako makapaniwalang naloko nya ako.

Pagkatapos umalis ni Jet, mahina akong umakyat sa kwarto ko. Still, With all the doubts, hindi na ata mawawala yun. This is my 2 days stay in Cebu, pero ni hindi sya pumunta dito. He should've at least ask his secretary to check if I'm fine here.

I spent too much time on blaming Drei but later on, natauhan ako.
Oo nga naman, ginamit nya lang pala ako. Bakit ba ako nag-expect sa sinungaling na Del Fuego'ng yun? Ang galing pa magpanggap. Biruin nyo, naloko nya ang manloloko. That simply means na mas magaling talaga sya sakin!

"I HATE YOU ANDREI DEL FUEGO!" buong lakas kong sigaw na kung iisipin ay naririnig nya ang sama ng loob ko sa kanya. Hindi na ako umiyak. Pagod na ako kakaiyak.

Sadly, he's the one who used to wipe away my unshed tears. Causing it to drain and leave nothing but the heartaches.

Tama na ang isang beses na iniyakan ko sya. Wait, I can't totally remember if isang beses lang yun pero... ewan ko! Hindi ko muna sya iisipin. I still need to plan what would I do kapag nakabalik na ako sa Manila.

Of course, I'll confront him!

Before I can get a grip of myself, biglang bumaliktad ang sikmura ko.
I abruptly run to the comfort room to vomit.

My stomach is aching so bad.
Parang may nakain akong sira.
Darn, kahapon nahihilo ako tapos ngayon naman biglang sumama ang pakiramdam? Ano ba kase ang sakit ko. I think I need to visit a doctor. Baka may sakit pala ako at mamamatay na! Pero sana hindi naman mangyari.

Agad kong pinunasan ang bibig ko matapos akong sumuka. I vomited all the food I ate!

Humarap ako sa malaking salamat at nanghilamos. Saka ko lang napagtanto na sobrang sama ng mukha ko. Nangangayat na ang mga braso ko at sobrang haggard ko na. The dark circles under my eyes are very translucent! Damn it! Once I get back to Manila, mag papaspa muna ako bago humarap kay Drei. I need to show him that I'm not affected with his thorny attitude.

Unshed TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon