Everything went smoothly. Kasalukuyan na kaming papunta ngayon sa BGC. It's already 9:50 pm at nakisabay lang ako sa kanila. Medyo natagalan kase ang pag-uusap namin nila Margaux tapos nag shopping pa kami. Naaawa nga ako kay Ced eh, alam ko naman na ayaw ng mga lalaki na sumama sa mga girl's thing pero nagpumilit talaga sya para lang mabantayan ang 'love' nya. Clingy nito pero ang sweet naman.
Nung nakita ko na ang BGC, biglang nabuhay ang dugo ko. The feeling of excitement filled me. Mahigit isang buwan din akong walang night outs. Freedom! woooah!
For a minute, natigilan ako. Hindi pa naman ako nagpaalam kay Del Fuego. Tsk! Wag ko nga munang iisipin ang 'asawa' kong yun. Kailangan ko munang magsaya at kalimutan ang lahat! For the past years, or I must say the whole years of being alive, the world has been hard to me. Kung halos talikuran na ako ng mundo, ngayong gabi, ako muna ang tatalikud dito.Ced parked his car near the entrance. Agad naman syang lumabas para pagbuksan ng pinto ang prinsesa nya. Binuksan ko na rin ang pinto ng backseat kung saan ako nakaupo. Nag retouch muna ako at tiningnan ang sarili bago lumabas. I'm now wearing a white halter fitted dress. It's 3 inches above the knee. Maikli pero comfortable naman.
Sabay na kaming tatlo na pumasok sa loob ng club. Sobrang dami ng tao. May ilang artista rin akong nakita. Mayroon ring bumati at nakipagkwentuhan sa amin. Yung iba ay na meet ko lang sa mga confidential reasons like business meetings kapag ako ang proxy ni papa' if ever Rose is not around.
Nung nakalaya na kami mula sa crowd, naghanap agad kami ng table. This place is very crowded. Ang ingay pa. Alam ko na ang mga taong naririto ay gustong magsaya pero alam ko ring yung iba, naghahanap lang ng makakaflirt. Boys and girls are slaves of their libido.
" NASAN NA SILA JADE?" Sigaw na tanong sakin ni Margaux. Ang lakas kase ng music dito, talagang mapapasayaw ka pero hindi pa kami sasayaw, mamaya pa.
I just shrugged before I took out my phone. Nagtipa agad ako ng message kay Jade.Ako:
Hey Couz! Where the fvck are you?! Nandito na kami!After I sent the message to Jade, Nagpaalam muna si Ced at pumunta sa kabilang table na puno ng mga boys, mukhang mga kaibigan nya ata. Some of them are familiar to me. Si Margaux naman ay umorder ng vodka, tinanong nya kung ano ang sakin, pinili ko lang yung hindi masyadong hard drink. Pupunta pa kase kami sa Tagaytay bukas. Binalik ko ang tingin sa table nina Ced. May isa pa nga doon na kumindat sakin, inirapan ko lang. I'm not here to flirt, just so you know.
Pero mukhang hindi ata tinalaban ng hiya ang g*go, lumapit pa dito sa table namin."Hi miss" aniya, t*ngina ngisi pa ng ngisi akala mo bagay sa kanya.
" Aaron?" biglang sabat ni Margaux. Aaron pala ang pangalan nito, gwapo sya pero hindi ko type.
"Hey, Margaux. Care to introduce me to your friend?" he said seductively.
I just rolled my eyes at him. Back off, motherfvcker.Mukhang nag aalinlangan pa si Margaux na ipakilala ako pero nagbago din ang isip nya. Traydor to.
"Aaron, this is Catherine ." Nanlaki ang mata ko sa pagpapakilala sakin ni M. But on the other side, mabuti na pala yun, I don't want to spread my name that vulgar.
"Nice to meet you, Cathy" malanding sabi nung Aaron saka nya inilahad ang kamay sakin. Ang lagkit pa ng tingin. Sapakin ko to eh.
I didn't accept his hand. I just give him my infamous b*tchy smile. But sad to say, mukhang makapal talaga ang mukha ng animal na to."Hmm, you like playing hard to get huh," aniya. Hindi ko na lang pinansin, baka mapatulan ko to eh. Buti na lang at dumating na si Jade together with Nix. Dumiretso agad sila kung saan kami. Si Aaron naman, natakot ata at biglang umalis. Sabagay, baka natakot kay Jade o di kaya kay Phoenix.
BINABASA MO ANG
Unshed Tears
RomansaAngeliana Espinosa, the real definition of Desperate. Obsessed. Dramatic. She's the antagonist and the blacksheep of the family. The definition of The Prodigal Daughter. Hindi biniyayaan ng masayang pamilya. Laging kinukumpara. Laging Mali.. Every t...