100 Votes para sa next Chapter ah? Chos! Hahaha. Thank you!
***
Chapter 24
-Lyle’s POV-
“Ijo, umuwi ka na muna kami na lang muna ang magbabantay dito, magpahinga ka na” sabi ni Mama at umupo sa tabi ko. Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko.
Umiling ako habang nakatingin sa kawalan. I feel so weak, I can’t even move myself. I don’t want to leave this place. I don’t want to leave my wife even for a while.
“Ayoko po, dito lang ako. Hindi ako aalis, I’ll wait for my wife to wake up. Baka po magising siya at wala ako dito sa tabi niya. I’ll stay here” halos pabulong na sambit ko sa isang basag na boses.
“Ijo, isang linggo ka na halos nandito, hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo. Hindi rin matutuwa ang anak ko kapag nalaman niyang ganito ang ginagawa mo habang wala siyang malay” malumanay na sabi niya sa akin.
Naramdaman ko na naman ang sakit na nararamdaman ko sa loob ng halos isang linggo, yung sakit na pilit kong nilalabanan pero hindi ko kaya. Yung sakit na ako rin naman ang nagdulot sa sarili ko. Durog na durog na ang puso ko nung malaman ko ang nagawa ko sa asawa ko noong nakaraang linggo, at mas nadurog pa dahil hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon. Pakiramdam ko unti-unti na akong namamatay, ang bigat-bigat na ng nararamdaman ko. Bawat araw na lumilipas na hindi pa rin nagkakamalay si Nat, pakiramdam ko sinasaksak ako.
“I deserve this Mama,” tuluyan ng nabasag ang boses ko. Hindi ko na namang hindi mapaluha “Dapat lang sakin ‘to eh, dapat lang na nasasaktan ako, dapat lang ‘to eh, pero hindi naman dapat damay yung asawa ko, dapat ako na lang, sana ako na lang yung nasa pwesto niya ngayon” tuluyan na akong napahagulgol at naramdaman ko na lang na niyakap niya ako.
“Shhhh,” pag-aalo niya sa akin.
Ang sakit talaga tngna! Ang sakit-sakit makita yung babaeng mahal mo, na nasa ganitong kalagayan. Putcha! Masakit talaga eh! Pero ako may kasalanan nito, wala sana kami dito kung hindi dahil sa katarantaduhan ko. Bakit ba kasi hindi na lang ako?! Sana naaksidente na lang ulit ako at ako na lang ang nandito!
“Kung ikaw ang nasa kalagayan ng anak ko, iiyak din siya gaya ng ginagawa mo ngayon. Mahal ka ng anak ko, kaya magiging matatag siya para sa’yo at sa anak niyo. Kaya maging matatag ka rin okay? Magigising din ang anak ko, magiging maayos ulit kayo”
Umiling ako, pakiramdam ko hindi na ako deserving na tao para sa pagmamahal ni Natalie. Sinira ko na yung pagmamahal na binigay niya sa akin. Sinaktan ko na siya. I deserve every pain that I’m receiving right now, kulang pa nga ‘to. Kulang pa ‘to kumpara sa sakit na naidulot ko sa kanya mula pa noon, kulang pa!
“Sinaktan ko siya, she won’t cry for me” I said between my sobs.
Napatingin ako sa kama kung saan, hanggang ngayon, mahimbing pa ring natutulog ang babaeng mahal ko. Kung pwede lang talagang makipagpalit ng pwesto sa kanya ngayon ay makikipagpalit talaga ako. I really hate myself for doing this to her. Kung pwede lang talaga na ako na lang, ako na lang sana ang comatose ngayon.
“Tama na,” Mama said to me, sa mga nagdaang araw siya lang ang nanatili sa tabi ko. I don’t deserve the treatment that she’s giving to me, sinaktan ko si Natalie and I broke their trust. Lahat ng tao sa paligid ko kinamumuhian o galit sa akin even my own parents dahil sa nagawa ko kay Nat. Pero siya she stayed by my side. Siya lang ang kakampi ko sa mga nakalipas na araw, she gave me encouragement to be strong. Naiintindihan niya ako sa kabila ng nagawa ko.