Chapter 32

9.1K 141 39
                                    

Wahhhhh! Sorry guys. Sorry talaga. Huhuhu. :'( 

***

Chapter 32

-Natalie’s POV-

 

Buong byahe akong tahimik na umiiyak. Hindi ko na ma-organisa pa yung mga iniisip at nararamdaman ko, parang pakiramdam ko anytime susuko na ako, magpapadala na ako sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ni hindi ko nga matignan yung katabi ko eh, kahit na gustong mangibabaw ng pagmamahal ko, hindi kaya eh. Nangingibabaw yung sakit, yung sakit na ginagawa niya sa akin ngayon.

I bit my lower lip to stop myself from crying. Ibinaling ko na lang yung atensyon ko sa labas, sinubukan kong mag-isip ng mga happy thoughts para mapagaan ang nararamdaman ko. Bigla kong naalala ang usapan namin ni Kurt, he said that I made this guy beside me change. I smiled bitterly.

“I guess I’m not an effective angel after all…” mahina kong bulong sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim at yumuko, nagsisimula na namang mamuo yung mga luha sa mata ko. Ang bigat-bigat na talaga ng pakiramdam ko, parang anytime sasabog na yung puso ko. Bumuntong hininga ako at pilit na ngumiti.

“Sa--saan mo ba ako dadalhin?” namamaos na tanong ko sa kanya. Hindi ako tumingin sa kanya, nakadiretso lang ang tingin ko sa daan.

Ilang segundo din akong natahimik para antayin ang sagot niya pero hindi siya nagsalita. Huminga ulit ako ng malalim at naikuyom ko yung dalawang kamay ko na nakapatong sa hita. Tumingin ako sa kanya at nakita kong diretso lang ang tingin niya sa daan.

“Sasaktan mo ulit ako?” mahinang tanong ko sa kanya.

Nakita kong biglang humigpit yung hawak niya sa manibela at nagtangis ang panga niya. Pero hindi niya pa rin ako matignan, diretso lang ang tingin niya at alam ko na nakakatakot ang tingin niyang iyon. Inalis ko na lang ang tingin ko sa kanya at ibinalik sa daan.

“Si--siguro, oo yung sagot mo. Silence means yes nga daw di ba?” sabi ko at pilit na tumawa. Kahit na halos madurog na ang puso ko sa mga sandaling ito. Ang sakit talaga eh!

“Pe--pero okay lang, at least buhay at ligtas ka…” sabi ko at pilit na ngumiti.

“Shut up” bigla akong natigilan ng marinig ko ang malamig na boses niyang iyon. Napayuko na lang ako at pakiramdam ko ang nahirapan akong huminga bigla. He’s cold voice scares me.

“So--sorry” nauutal kong sabi sa kanya pero nakayuko pa rin.

Hindi na ako nagsalita at tahimik na lang ulit na umiyak. Why do I have to suffer from all of these? At bakit ngayon pa kung kailangang alam kong mahina ako? Why can’t just pain go away from me? At bakit kailangan akong saktan ni Lyle? Hindi na niya ba ako mahal? Did he realize that he still loves Yneh?

Bigla akong natauhan nung huminto na kami, napatingin ako sa paligid at napansin kong nasa isang hotel kami. Bigla na namang bumilis yung tibok ng puso ko, bumalik yung takot na naramdaman ko kanina at pakiramdam ko ay mas dumoble pa.

“Let’s go” aniya sa isang nakakatakot na boses.

“Ayoko, dito lang ako” mariing saad ko sa kanya habang nakayuko pa rin.

“Bumaba ka sabi!” bulyaw niya sa akin pero umiling ulit ako.

Ayokong lumabas dito dahil natatakot ako sa mangyayari. Natatakot ako sa gagawin niya, natatakot ako na baka this time hindi ko na kayanin.

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon