Chapter 40
-Natalie’s POV-
Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa may garden ng bahay namin, parang pinipakiramdaman namin ang isa’t isa sa mga sandaling ito. Napatingin ako sa kanya at diretso lang siyang nakatingin habang nakapamulsa. Huminga ako ng malalim at ibinalik ang tingin ko sa daan. Right now, I feel scared and at the same time happy, natatakot ako sa magiging epekto niya sa akin pero sobrang saya ko kasi kasama ko siya.
“Upo ka dito” rinig ko kaya bigla akong napatingin sa kanya, andito na kami sa tapat ng table at hinatak niya yung isang upuan. He’s trying to be a gentleman.
“Ako dapat ang nagsasabi niyan sa’yo, bahay namin ‘to” pabiro kong sabi sa kanya. Ngumiti siya sa akin, dahilan para manlambot ako. I really miss him, his smile, his presence everything about him.
In the end, inalalayan niya akong umupo sa upuan na yun at doon naman siya sa katapat na upuan umupo.
“Thank you” sabi ko at mahinang ngumiti. Tumango naman siya sa akin at pilit na ngumiti. Pagkatapos nun ay natahimik ulit kaming dalawa.
Nakatingin lang ako sa kanya, pinagsakop niya yung dalawang kamay niyang nakapatong sa mesa at yumuko. Ngayon, nararamdaman ko pa rin yung barrier sa pagitan namin. Gusto naming abutin ang isa’t isa pero parang hindi namin yung magawa kasi may something sa pagitan namin na humahadlang. Halos ilang minuto ring namayani ang katahimikan sa aming dalawa. We’re supposed to talk but I don’t know how we should start our conversation.
“Lyle--” I called but I stopped when I he started to sing. Napaawang ang bibig ko at parang nawala na sa ere yung mga sasabihin ko dahil sa ginawa niya.
“Hmm, yeah, yeah
Baby, please try to forgive me”
Hindi siya sa akin nakatingin ng mga sandaling iyon, nanatili siyang nakayuko. Basag ang boses niya ng mga sandaling iyon, dahilan para bumigat ang pakiramdam ko. It’s been a while since I heard him sing, para bang sa isang iglap, lahat ng mga ala-alang nabuo ko kasama siya ay bumalik sa isipan ko.
“Stay here don’t put out the glow
Hold me now don’t bother if every minute it makes me weaker
You can save me from the man I’ve become, oh yeah”
Pinagmasdan ko lang siya, at unti-unting namumuo ang mga luha sa mata ko. I bit my lower lip to refrain myself from crying. Nararamdaman ko yung pagiging desperado niya ngayon, he wants me back. Nararamdaman ko. Hiwalay na kami pero alam kong meron pa ring connection sa aming dalawa. Nagulat na lang ako nung bigla siyang nag-angat at nagtama yung tingin namin, may mga luhang tumulo mula sa mata niya.
“Lookin’ back on the things I’ve done
I was tryin’ to be someone
I played my part, kept you in the dark
Now let me show you the shape of my heart”
Biglang bumalik sa isipan ko yung mga pagsubok na pinagdaanan naming dalawa, ngayon ko lang napagtanto na sobrang sakit at nakakapanghina talaga ang mga iyon. Hindi ko alam kung paano ko nagawang malagpagsan ang mga iyon, pero masaya pa ako dahil nagawa kong kayanin lahat ng sakit. I made it through. Habang pinagmamasdan ko si Lyle, narealize ko rin na hindi lang ako ang nagdusa ng mga panahong, hindi lang ako ang nasaktan, maging siya ay nahirapan din.