Chapter 12
Natalie’s POV
Unti-unti kong minulat yung mga mata ko nung maaninag ko yung sikat ng araw. Shocks, ang sakit lang ng mga mata ko. Tatayo na sana ako ng may maramdaman akong mabigat na nakapatong sa may tiyan ko, napapikit na lang ako kasi parang feeling ko sumisikip ata yung dibdib ko at gusto ko na namang umiyak. Siyempre kilala ko naman kung sino tong katabi ko di ba?
Feeling ko ayoko muna siyang makausap ngayon, ayokong magconclude ng kung ano pero wala eh, masakit pa rin sa feeling. Paano kung narealize niya na si Yneh pa pala yung mahal niya? Ouch. Natatakot akong mangyari sakin yung mga napapanood kong mga teleserye ngayon eh. Nasapo ko na lang yung noo ko at agad na pinunasan yung luha na tumulo sa mga mata ko. Dahan-dahan kong tinanggal yung pagkakayakap niya sa akin para hindi siya magising at nagtagumpay naman ako. Tinignan ko siya at nakita ko yung nahihimbing niyang mukha habang natutulog. Hahawakan ko sana yung mukha niya pero pinigilan ko agad bago pa makalapit yung kamay ko sa kanya. Bumuntong hininga na lang ako at tsaka tumayo, inayos ko naman yung pagkakakumot sa kanya.
May tiwala naman ako sa kanya eh, pero hindi ko pa rin talaga maiwasang hindi masaktan. Nung narealize ko na mamaya magkikita kami ni Yneh bigla akong nakaramdam ng takot at kaba… ewan. Feeling ko mas mabuting tumahimik na lang muna ako.
***
At dahil nga sa nakapagdecide ako na umiwas muna sa kanila para hindi mangibabaw yung emotions ko, umalis ako ng maaga sa bahay at dumiretso dito sa café nila Ella, kasama ko sila ngayon ni Lyka. Buti medyo naging maayos na ulit itong si Ella simula nung issue nila ni Kyle, kung sabagay isang buwan mahigit na rin iyon.
“Ano ba kasing nangyari? Bakit ganyan yung mata mo ha Sis? Nag-away ba kayo ni Lyle?” nag-aalalang tanong sa akin ni Lyka.
Tumingin naman ako sa kanya tsaka pilit na ngumiti at umiling. Hinawakan ko gamit yung dalawang kamay ko yung baso ng gatas na binigay ni Ella.
“May problema ka Sis right?”
Singit ni Ella sabay patong ng tatlong platito na naglalaman ng cake sa table namin. Ibinigay niya dun sa babae yung tray at tsaka umupo sa harapan ko. Tumango nalang ako, siguro dapat sabihin ko sa kanila tong problema ko.
“Ano yun?” tanong ni Ella.
Tumingin ako sa kanilang dalawa at nakita ko yung nag-aalalang mga tingin nila.
“Kasi… kasi nagkita kahapon si Lyle at Yneh” mahina kong sambit.
“ANO?!”
Napatingin naman ako sa kanilang dalawa kasi sabay pa silang nagsabi nun, buti na lang at walang tao dito dahil kung hindi baka pinagtitinginan na kami.
“Bakit sila nagkita?”
“May pag-uusapan daw sila na importante eh”
“Wait, don’t tell me na yan na yung problema mo? Na you’re just jealous?”
Napatingin ako kay Ella, at umiling, kung yun lang sana yung problema ko okay pa eh, eh kaso yung mga sinend sakin na picture. Masakit talaga eh, hindi niyo naman ako masisisi di ba? Asawa ko na yun eh.
“Sis magsalita ka naman, ano ba talagang problema?”
Nilabas ko yung cellphone ko at hinanap yung message na naglalaman nung pictures, agad ko naman ito pinakita sa kanila.
“Hala ka?! Anong ibig sabihin niyan?!”
“Gosh Sis!”
Sabay nilang sigaw habang nanlalaki yung mata at napatakip pa sila sa bibig nila at nagkatinginan pa sila tapos tumingin ulit sa akin.