Thank you po sa mga patuloy na nagbabasa ng MMME mula Book 1 hanggang ngayon, thank you po talaga mula sa pinakailalim na parte ng puso ko. Sana suportahan niyo rin po yung Libro ng MMME <3 Thank you! :)) God Bless
***
At dahil Birthday ko bukas! xD Heto po ang Update! Salamat po <3 Enjoy Reading!
***
Chapter 4
Natalie’s POV
*Sigh*
Ang boring na talaga super, tapos ang lamig-lamig pa dito sa kwartong to masyado. Wala na kasi talaga akong magawa tapos feeling ko parang nanghihigop pa ng energy tong kwartong to kasi nakakaramdam din ako ng antok. Mamaya niyang makatulog na ako dito eh, kung bakit kasi ang tagal ng meeting nila eh. At bakit ba naman kasi hindi ako pinayagang gumala dito eh mall naman to, wala naman na kasi akong magawa dito tapos nakaka-antok pa yung ambiance ng room.
“Grabe nagugutom na lang ako dito, wala pa rin siya”
*Sigh*
Feeling ko one hour and thirty minutes na akong nag-aantay dito, ano kayang pinag-uusapan nila dun at masyadong matagal?
Bahala na nga siya diyan, gagala na lang muna ako at kakain, di naman siguro siya magagalit no? Kinuha ko na yung bag ko at tumayo pero bago ako lumabas sa nakakaantok na kwartong ito ay tinext ko muna si Lyle na umalis na ako. Pagkalabas ko naghanap agad ako ng makakainan dahil nakakaramdam na talaga ako ng gutom at napagdesisyunan kong sa KFC na lang pumunta since mas konti yung nakikita kong tao. Naglakad na ako papunta doon habang nagtetext kay Lyle kung nasaan ako.
“Natalie!”
Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin dun sa lugar kung saan may tumawag sa akin. Napangiti ako nung makilala ko kung sino sila at tsaka napatakbo papunta sa kanila.
“Kyaaahhhhhh! Alex! Coleen!”
“Lokaret ka Coleen, bakit ka sumigaw, paano kung may makakilala diyan at kidnapin bigla?! Yari tayo sa asawa niyan pagnagkataon!” sabi ni Alex kay Coleen nung makalapit ako sa kanila.
Nakita ko rin na kasama nila si Jake at Kurt.
“Huy marami naming Natalie diyan no, di naman siguro siya makikilala”
Inakbayan ko silang dalawa, nakakamiss din tong mga to. Mga college friends ko kasi silang apat, at ngayon ko lang ulit sila nakita.
“Bakit ka naman kasi gumagala mag-isa diyan? Asan yung asawa mo? May kasama ka ba?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Alex.
“Meron, kaya lang nasa meeting pa siya kaya hayun gumala muna ako”
“Sana hinintay mo na lang siya”
“Hep, ang importante walang nangyaring masama sa kanya tama ba Mrs. Forhel?”