Hello! Namiss niyo ba ang Lylie? Kamusta naman kayo? Hahaha. Anyways, meron ba sa inyong may MMME Book? I-pm niyo po ako para po masulat ko po yung name niyo sa Dedication for the next book. ;) Sorry po kung mahina mag-promote si Hyunji hahaha. Pero sobrang thankful po ako sa lahat ng bumili at sumuporta sa MMME hanggang Book Version :) I love you all! God Bless! <3
***
JTF Special Chapter #4: Hiwalayan?
Three years later…
-Natalie’s POV-
“Ayos ka lang po ba Ate?” tanong ni Mae pagkalabas ko ng banyo.
Tinignan ko siya at tsaka tumango. Muli kasi nung magising ako pakiramdam ko ang sama-sama ng pakiramdam ko at parang gusto kong matulog at humiga na lang maghapon. Tapos ngayon nagsuka pa ako at nahihilo. Siguro dahil ‘to sa dami ng ginagawa ko nitong mga nakaraan at dagdagan mo pa ng inis ko kay Lyle, yung walanghiyang iyon!
Hiwalay na kasi kami ng lalaking iyon ngayon. Bwisit siya! Pakamatay na siya.
“Ayos lang ako, salamat” sabi ko at napatingin ako sa baby girl na karga niya. She’s looking at me with a cute smile on her face. I smiled back at her. Ang cute niya talaga!
“Hi baby!” bati ko sa kanya. Lalong lumawak ang ngiti niya at hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko gamit ng mga maliliit niyang kamay.
“Mama!” masayang sabi niya at tumawa pa dahilan para mawala yung sama ng pakiramdam ko. Dahan-dahan ko siyang kinuha mula kay Mae para kargahin. Napangiti na lang ako nung niyakap niya ako.
“Chu~” napatawa na lang kami pareho ni Mae at nagsimula na kaming maglakad palabas ng kwarto.
“Si Nathan ba nakaalis na?” tanong ko sa kanya. Tumingin sa akin si Mae at tumango.
“O-opo Ate, hinatid na siya ni Mario my loves…” sabi niya at humagikgik pa. Loko talaga ‘to! Landi! Charot!
Nagkatuluyan naman kasi silang dalawa at plano nga nila na magbukod na kapag daw naka-ipon na sila ng pampakasal. Nag-offer naman ako na, ako na lang ang sasagot ng kasal nila since close naman na sila sa akin pero tumanggi sila. Ayaw daw nila ng ganun, gusto daw nila pinaghihirapan nila yung budget para sa kasal nila.
“Ikaw talaga, pakasalan mo na kasi” sabi ko sa kanya. Lumawak naman ang ngiti niya habang nakatingin sa akin.
“Malapit na Ate!” masiglang sabi niya sa akin. Napangiti na rin ako at tumango.
Bigla ring nagbago ang mood ko nung may maalala akong itanong sa kanya.
“Nga pala yung babaero mong amo, buhay pa ba?” malamig na tanong ko sa kanya. I’m referring to Lyle.
Hindi pa naman kami naghiwalay, baka maghihiwalay palang pero pinag-iisipan ko pa para sa mga anak namin. Dahil yung walanghiyang yun! Peste talaga siya! Paano ba naman nung nagkayayaan silang mag-inuman nung mga kaibigan niya last week, tapos ang landi niya talaga! Nakita ko siyang nakikipaghalikan sa malanding babaeng nagtatrabaho ata sa bar na yun. Peste talaga!