Special Chapter #2

8.6K 134 13
                                    

Sinubukan ko po talaga. Pero fail yung kinalabasan. Hehehe. Sana ma-enjoy niyo pa rin :) Merry Christmas! :) 

JTF Special Chapter #2: Nagalit

-Natalie’s POV-

 

Napangiti ako ng makita ko na ang daming bituin na kumikinang mula sa madilim na kalangitan. These past few days, I’m really enjoying looking at the sky every night and look for shining stars. Bumuntong hininga ako at tsaka marahang hinaplos ang tiyan ko. Pakiramdam ko ay interesado sa mga stars ang anak ko na ‘to.

“Anong ginagawa mo dito? Baka mahamugan ka…” malumanay na bulong ni Lyle sa may tainga ko. Naramdaman ko rin na niyakap niya ako mula sa likod. Napairap na lang ako sa kawalan habang nakangiti.

“Tumitingin sa mga bituin, ang ganda kaya nilang pagmasdan. Alam mo feeling ko interesado sa mga stars ‘tong kapatid ni Nathan” sabi ko sabay tingin sa langit.

“Talaga?” aniya at naramdaman ko ang baba niya sa may kanang balikat ko habang nakayakap pa rin siya sa akin.

“Oo,” sabi ko at marahang tumango.

“When I was young, I’m also interested about stars. Gusto ko silang maabot pero hindi ko nagawa dahil imposible. Akala mo ang lapit lang nila pero ang totoo malayo sila sa’yo. They’re unreachable” mahinang sabi niya at napapikit na lang ako ng maramdaman ko yung labi niya sa may leeg ko. Malandi talaga ‘tong lalaking ‘to. Kahit lagi niya ‘tong ginagawa hindi pa rin ako sanay. 

“Pero pwede mo naman silang tignan, ang ganda kaya nilang pagmasdan mula dito sa puwesto natin. Tignan mo o!” sabi ko at sinubukang ilayo siya sa akin. Lumayo naman siya at marahan akong hinarap sa kanya. Bahagya siyang ngumiti at hinawi ang buhok kong humarang sa mukha ko.

“Bakit ko pa titignan yun eh nandito ka naman na sa harapan ko?” he softly said as he touched my face. Kinilabutan naman ako dahil doon, hindi pa rin talaga ako sanay sa mga ganito ni Lyle. Pero kinikilig talaga ako eh!  

“Ang korni mo!” sabi ko at napanguso para pigilang mapangiti.

“Nagsasabi lang ako ng totoo di ba anak?” baling niya sa may tiyan ko sabay haplos dito sandali at tsaka niya ako muling tinignan pero this time parang namumungay na yung mga mata niya.

“I love you…” malambing na sabi niya sabay hakbang palapit sa akin di naman ako maka-atras dahil nakasandal na ako sa railings ng balcony. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko.

“Teka si Nathan? Di ba ikaw ang nagbabantay sa kanya kanina?” pag-iiba ko ng usapan. Alam ko na kasi kung saan ‘to pupunta.

“Tulog na siya sa kwarto niya, tsaka pinabantayan ko na siya sa yaya niya” sabi ni Lyle at tsaka ngumisi. Palihim na lang akong napalunok at tumingin sa kanya ng diretso.

“I told you, I’ll have my revenge Nat” yun na lang ang sinabi niya at tsaka ako marahang hinalikan, hindi naman na ako nakapalag pa ang napapikit na lang rin at tumugon. Napahawak ako sa magkabilang balikat niya at niyakap naman niya ako.

Pagkatapos ng ilang minuto ay humiwalay na kami sa isa’t isa at agad akong napayuko. Grabe feeling ko sobrang namumula na yung mukha ko ngayon.

“Pasok na tayo? Malamig dito eh” sabi ni Lyle. Tumango na lang ako at nauna ng maglakad pabalik ng kwarto namin. Naramdaman ko naman yung pagsunod niya at yung pagsara niya ng double glass door. Bigla ko kasing naramdaman yung lamig ng kwarto.

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon