Special Chapter #3

10.5K 144 16
                                    

JTF Special Chapter #3: Seducing Lyle Mikael Forhel

-Natalie’s POV-

 

Bago ako bumaba ng sasakyan ay huminga muna ako ng malalim at napapikit sandali tsaka tumingin sa labas. Grabe! Wala pa nga akong ginagawa, iniisip ko palang kinikilabutan na ang buong pagkatao ko. Hindi ko talaga kaya yung gustong mangyari ni Mae. Bakit ba kasi ako pumayag dun sa plano niya?

“Ma’am!” rinig kong sigaw ni Arnold, yung isang taon ng secretary ni Lyle. Napatingin ako sa kanya at nakita ko na namumutla yung mukha niya.

Paniguradong dala ni Lyle yung pagka-badtrip niya hanggang dito. Nakakatakot pa naman yung lalaking yun kapag galit, frustrated o di kaya badtrip kaya mahirap i-approach tapos maninigaw pa!

“Buti dumating ka,” hingal na sabi niya. Tinext ko kasi siya kanina na pupunta ako, so sa kanya ako nagpapa-update sa kung anong ginagawa ni Lyle ngayon para timing yung punta ko. Pero parang gusto ko nalang umuwi at mag-back out hindi ko na kayang gawin yung ‘seduce-seduce’ na yan, baka mauwi sa suicide ‘to.

“Sobrang galit si Sir kanina,” pagsusumbong niya sa akin habang naglalakad kami papasok ng building. “Sinigawan niya halos kaming lahat kanina, tapos pinagalitan niya yung ibang department. Ingat na ingat nga kami ngayon eh. May problema po ba kayo ni Sir?” tanong sabay baling niya sa akin.

Nakasakay na kami ng elevator ngayon at yung mga kasama namin ay parang tinitignan na ako ng nagmamakaawa. Pakiramdam ko tuloy kargo ko silang lahat. Kinakabahan tuloy ako sa gagawin ko.

What if I fail? Wala pa naman akong kwenta pagdating sa ganito.

“Uhm, ano… hindi ko masabi eh” mahinang sabi ko at napayuko na lang.

Hindi ko maintindihan talaga! Ang babaw naman ng rason niya kung magagalit siya ng ganito ngayon kasi nabitin siya. Kapag ako nabanas ibibitin ko talaga siya sa kisame. Makikita ng lalaking yun!

“Okay lang po Ma’am kung hindi niyo masabi,” he sighed. “Pero sana magkaayos kayo kasi alam niyo naman si Sir, nakakatakot yun kapag galit” pagkasabi niya nun ay tumunog yung elevator. Lalong lumakas yung tibok ng puso ko. Shemay! Pwede bang huwag na lang?

“Tara na Ma’am?” sabi niya at pinauna akong lumabas ng elevator at kahit labag sa loob ko ay lumabas na ako. Narinig ko pa yung iba na nagsabi ng ‘Good luck’ at nag-aja pose pa.

Habang naglalakad kami papunta sa office ni Lyle ay may sinasabi pa na kung ano si Arnold pero hindi ko na yun naintindihan. Abala kasi ako sa pag-iisip kung err… paano lumandi at mang-akit? Grabe! Iniisip ko palang kinikilabutan na ako. Hindi ko po talaga keriboomboom!

“Ma’am okay lang po ba kayo?” napakurap ako nung marinig ko si Arnold. Nasa tapat na pala kami ng opisina ni Lyle, napatingin ako sa kanya at marahang tumango.

“Ahhh, o-oo”

“Sigurado po ba kayo?” he asked. I just nodded again. Kinakabahan kasi talaga ako!

“Uhm, ano… ayos lang ako”

“So bubuksan ko na po yung pinto?” tanong niya ulit sa akin.

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon