Chapter 34
-Natalie’s POV-
Natigilan ako sa sinabing iyon ni Yneh. I looked at her, and I saw her looking at me patiently. Para bang gustong-gusto niya talaga akong makausap. I sighed and managed to smile at her. I don’t really know her reason why she wants to talk to me but I think I’m going to tell her something. Bumabalik sa isipan ko yung araw na una kong nakilala si Yneh. Naalala ko yung mga sinabi ko sa kanya. Ngayon, narealize ko kung gaano siya katapang.
Halos mapangisi ako sa isip ko dahil sa sinabi ni Dominic sa akin kanina, we’re already tied together bago pa man sila tuluyang dumating sa buhay ko. Sobrang liit nga lang talaga ng mundo. Yung batang iniligtas ko noon, anak ni Lyle yun sa kanya, sa lalaking asawa ko ngayon—oo nga pala, hindi na pala kami mag-asawa.
“I’m sorry, Yneh. But we have to go somewhere, hindi ito ang tamang oras para--“ hindi natuloy ni Dominic ang sasabihin niya nung hawakan ko siya sa balikat. Napatingin siya sa akin, tumango ako sa kanya.
“Okay lang, sandali lang naman siguro kami” mahinang sabi ko sa kanya. Sumama ang tingin niya sa akin saglit pero bumuntong hininga na lang siya.
“Okay, I’ll wait for you” aniya. I smiled at him before I faced Yneh.
“Can we talk alone?” tanong niya ulit sa akin. Huminga ako ng malalim at marahang tumango.
“Sige, ikaw na ang bahala kung saan” sabi ko sa kanya. She nodded then she started walking. Tumingin naman ako sandali kay Dominic at nakaiwas na siya ng tingin sa akin. Napayuko na lang ako at sumunod na rin kay Yneh.
Tahimik lang kaming naglalakad na dalawa, para bang may malaking pader na nasa pagitan naming ngayon. Napatingin ako sa kanya at diretso lang tingin niya, mukha siyang maraming iniisip. Pakiramdam ko habang tumatagal kami sa paglakad ay bumibigat ang paa ko, ang pakiramdam ko.
Nakarating kami sa isang bakanteng kwarto. Nauna siyang pumasok sa loob habang kasunod naman niya ako. Narating namin ang kwartong ito na hindi man lang nagkikibuan. Nang maramdaman ko ang lamig ng kwarto ay parang nawala na lang bigla ang mga iniisip kong sabihin sa kanya. Lahat ng salitang binuo ko habang naglalakad kami ay nawala na lang bigla, lalo na ng marinig ko ang mga salitang binitawan niya.
“Mahal ko si Lyle, Natalie” tumigil siya sandali “At hindi na ako magpapakaplastic pa, pero masaya ako’t naghiwalay na kayo” mariing sabi niya sa akin.
Napayuko ako ng sabihin niya iyon at marahang napapikit, huminga ako ng malalim para maitago lahat ng sakit na ayokong ipakita sa kanya. Nahampas na naman ang puso ko ng katotohanang pilit kong iniiwasan. Napangisi ako ng maramdaman ko yung sakit na ang tagal ko ng pilit na iniinda.
Basag na ang puso ko pero kailangan lalo pa nilang basagin? Hindi ba nila alam na sobrang hirap ng buuin ang isang bagay na sobrang basag na? Hindi mo na alam kung paano mo ito muling bubuuin o kung mabubuo pa ba ito. It’s hard to fix a broken thing, especially a broken heart.
Hindi na ako nakapagsalita, inangat ko ang tingin ko sa kanya at nagkasalubong kami ng tingin. She looked so broken too, parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya ngayon. We’re both broken, it’s like we’re reflecting each other’s pain but I know there’s a difference between the both of us.
“Pero bakit ganun?” she sounded so bitter and frustrated “Bakit kahit wala na kayo pakiramdam ko wala na akong lugar sa buhay niya? Bakit parang kapag nakakasama ko siya pakiramdam ko wala akong karapatan sa kanya? Bakit sa tuwing binabanggit niya ang pangalan mo pakiramdam ko imposible na akong magkaroon ng puwang ulit sa puso niya?” ramdam ko ang bahid ng hinanakit at paghihinagpis sa tono niyang iyon.