Chapter 38

8.4K 155 24
                                    

Chapter 38

-Lyle’s POV-

 

I know that right at this moment, I’m blinded with so much pain and anger. I want to hurt someone so bad. Hindi ko alam kung bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat, bakit kailangang madamay ang mga hindi dapat madamay. Natalie shouldn’t be involved here, but she’s the one who suffered so much. She needs to experience sufferings that are not meant for her. Maybe this is my karma. Lahat ng mga ginawa ko noon, pinagbabayaran ko na ngayon. I’m willing to face the consequences. Pero kung malalaman ko lang na kagagawan lang ng isang tao ang nangyayari sa amin ngayon, hindi ko siya kailanman mapapatawad. Hindi ako papayag na ganito lang, sinaktan niya ako pero mas sinaktan niya ang asawa ko.

Hininto ko ang sasakyan ko sa tapat ng condominium na tinitirhan ni Yneh. Hindi ko talaga alam kung anong magagawa ko kapag nakaharap ko na siya pero sinisigurado ko na hindi ko mapapalagpas ang ginawa niya. Sa tuwing naaalala ko yung sinapit ni Nat dahil sa nagawa ko ay para akong mababaliw. Na-comatose ang asawa ko nun, fck! Hindi ko yun magagawa sa babaeng mahal ko kung hindi dahil sa kanya!

Mabigat ang paa kong naglakad papunta sa unit nila. As much as possible, I really don’t want to hurt her. I know it’s also my fault why she did that, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya ako magawang makalimutan, it’s been years since our relationship ended. Siya ang unang nang-iwan, anuman ang rason niya, siya pa rin ang unang tumalikod, and I’m glad that it happened. Kung hindi dahil doon ay hindi ko makikilala si Natalie. And meeting her was one of the greatest things happened to my life.

“Nagawa ko na yung gusto mo, hiwalay na sila ng asawa niya. Now give me the money” bigla akong natigilan ng marinig ko yung boses ni Shin. Nagtangis ang panga ko at naikuyom ko bigla ang dalawa kong kamay.

What the heck is that guy doing here?

Matalim akong napatingin sa pinto ng unit ni Yneh, nanatili lang akong nakatayo habang pinapakinggan ko ang pinag-uusapan nila. It seems like, I’m meant to hear these things. Mas lalo akong kinukutuban sa mga sandaling ito.

“I’ve done enough, hindi na dapat ako bumalik dito kung hindi dahil sa’yo Yneh. Ginawa ko na ang pinapagawa niyo sa akin, nadamay pa ako sa mga kasinungalingan niyo. I’m done with this sht, I’ll go back… kailangan ako ng pamilya ko” dugtong pa niya dahilan para mapaawang ang bibig ko.

Tangina?

“Hindi pa rin ako binabalikan ni Lyle” uminit ang dugo ko ng marinig ko ang boses na iyon ni Yneh.

“Wala na akong pakialam dun! I did my part, kahit labag sa kalooban ko yun ay ginawa ko ang gusto niyo. Fcking sht! Buntis pa yung asawa ni Lyle! Fckng sht!” rinig kong sabi ni Shin.

“Shut up! Hindi pa kami tapos at mas lalong wala akong pakialam sa kanya!” rinig kong singhal ni Yneh dahilan para lalong uminit ang ulo ko.

“Ibigay niyo na sa akin ang pera, our company badly need it” mariing pagkakasabi ni Shin. “May malaki kaming utang sa hotel, kailangan na naming bayaran yun, now if you don’t give me the money right now, I’ll make sure na makakarating kay Lyle ang mga ginawa mo” may halong pananakot ang boses na iyon ni Shin.

“No!” sigaw naman ni Yneh.

“Sinet-up mo yung nangyari sa parking lot, sinadya mong iparinig sa asawa ni Lyle ang tungkol sa’yo at sa anak niyo. Sinabi mong kami ang may kagagawan kung bakit nawala ang anak niyo, where in fact it’s really your fault! Naging pabaya ka kaya nagkaroon ng komplikasyon ang anak niyo! Ikaw din ang nagpadala ng note na yun kay Lyle noong nasa ospital ang asawa niya, ikaw din ang nagpadala ng itim na box para takutin ang asawa niya. Ikaw ang nag-utos sa amin na dukutin sila at takutin para mapaghiwalay mo silang dalawa. Ikaw talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito!” rinig kong sabi ni Shin. Bumigat ang pakiramdam ko at parang anumang oras ay makakapatay na ako ng tao. Humigpit ang pagkakakuyom ko sa dalawang kamay ko.

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon