Chapter 17
Lyle’s POV
Matapos kong icheck ang lahat ng files para sa board meeting bukas, ipinasa ko na ito kay Yneh para maaral niya na. I don’t know exactly what happened pero sinabi ni Ma na safe na raw ang company namin sa posibilidad ng pagkalugi at yun ang ipinasasalamat ko. At ngayon ang dapat na lang naming gawin is to prove to that person that we will not fail, na magiging maayos na ulit ang takbo ng company.
“Uuwi ka na?” napalingon ako at nakita ko si Yneh na naglalakad towards my direction, I faced her and nodded. “Yes, ikaw din umuwi ka na” I said at tsaka ulit tumalikod sa kanya at nagsimulang maglakad.
“Wait,” I stopped and looked at her again “What?” I asked irritatingly, wala akong panahon para magtagal pa rito, I badly want to go home already.
“Uhm, good luck…” then she smiled, tumango na lang ako at naglakad na. I’m not in the mood to talk to her, naiinis pa rin ako sa ginawa niya last week.
Habang naglalakad ako biglang nagring ang phone ko, kinuha ko ito mula sa bulsa at sinagot ito.
“Hello Ma?”
[Okay na anak, nagawa ko na yung favor na hiningi mo. Naschedule ko na kayo bukas ng hapon]
Bigla akong napangiti ng marinig ko yung sinabi ni Ma, malalaman ko na rin kung tama ang hula ko sa nangyayari ngayon sa asawa ko. Although alam ko naman na heto na nga yun, that she’s already pregnant, gusto ko lang makasiguro.
“Okay, sige po. Thank you Ma”
[Sure, hahahaha]
Lalong lumawak yung ngiti ko nung marinig ko yung halakhak ni Ma sa kabilang linya, she knows that I’m waiting for this at kung tama nga ang hinala namin then this is a great news for us.
“Ibababa ko na po to Ma, thanks again”
“Okay, good luck bukas”
“Thank you” matapos nun ay ibinaba ko na ang phone ko at ibinalik ito sa bulsa.
***
Nang makarating ako sa bahay ay tahimik na ito, maybe tulog na silang lahat. Sabagay malapit na rin namang maghatinggabi, I was about to go upstairs nang matanaw ko si Natalie na nakaupo sa may veranda. Napakunot-noo ako at naglakad papunta roon, dapat tulog na siya ngayon ah?
Malapit na ako sa kanya nang makita ko kung ano ang ginagawa niya, she’s writing something in her notebook while browsing something in her phone. The heck? Dapat nagpapahinga na siya ngayon right? Paano kapag may nangyari sa kanya at sa baby namin?
Tumikhim ako ng ilang beses to caught her attention, halatang nagulat siya nung makita ako at dali-daling napatayo at humarap sa akin.
“Bakit ka nandito, you should be sleeping right now. Bakit gising ka pa? Hindi ka dapat nagpupuyat ah?” dire-diretsong sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanya ng seryoso, napayuko naman siya at nilaro yung ballpen na hawak niya.
“Uhm, ano—“
“Ano ba yang ginagawa mo?” I asked, naglakad lalo ako palapit sa kanya. Nagtaka naman ako nung bigla siyang nagpanic na isara yung notebook niya pati na rin yung phone niya.
“Wala wala” napatingin siya sa akin pero napayuko din siya agad.
Nung nakarating ako sa harapan niya ay tumingin siya sa akin at napabuntong hininga siya, hinatak ko siya palapit sa akin at tsaka niyakap.
“Hindi ka dapat lumalabas mag-isa dito, malamig baka mahamugan ka,” I said smiling, ang saya-saya ko talaga ngayon, mula nung kinutuban ako na possible na buntis siya parang ang gaan ng mood sa paligid ko. Ang gusto ko na nga lang atang gawin sa mga sandaling ito ay bantayan ang Bebe ko, kung pwede nga lang iwanan na lang tong trabaho ko ay ginawa ko na. But then I realized na mas kailangan ko pa palang magsumikap ngayon.