Hello! :) Sorry po sa super late na update. Sobrang naging busy po kasi sa school ang author na itech. Thank you po sa support at sa mga nag-antay :)
Enjoy Reading!
***
Chapter 26
Love is when you’re willing to forgive a person wholeheartedly without expecting something in return.
-Natalie’s POV-
“Hin--hindi ako galit, hindi ako magagalit. Mahal kita eh, mahal na mahal kita Lyle” sabi ko at tsaka siya niyakap ng mahigpit.
Kahit gusto kong magalit sa kanya, hindi ko magawa. I have my reasons to hate him, he hurt me so much. Siya ang may dahilan kung bakit ako nandito pero hindi man lang ako nakakaramdam ni konting galit sa kanya. Even though my mind keeps on telling me to be mad at him but my heart opposed to it. My heart keeps on telling me that “you love this guy, hindi mo magagawang magalit sa kanya, kahit gaano kasama yan, mahal mo yan”.
Ganun pala talaga kapag nagmahal ka na. Kahit na gaano man kasama ang nagawa sa’yo ng isang tao, kahit na gaano ka man niya nasaktan, kahit gaano man kalaki ang kasalanang nagawa niya sa’yo, handa mo siyang patawarin dahil sa pagmamahal. Dahil mahal mo siya. Ayos lang sa’yo ang masaktan dahil alam mong kakayanin mo para sa kanya. Dahil mahalaga siya sa’yo at hindi mo kayang mawala siya. Dahil mas mangingibabaw ang pagmamahal at pagpapahalaga mo sa kanya.
At yun ang dahilan kung bakit hindi ko magawang magalit sa asawa ko. Sabi nga nila “The strong emotion that you’re feeling will dominate the others”. At heto nga yun my love for him dominates the other feelings that I should feel right now. Nangingibabaw sa akin yung nararamdaman ko para sa kanya, na I already told myself that when I fall in love, I’ll give everything. Na papatunayan kong mahal ko siya.
Ilang sandali din kaming nanatili sa ganoong posisyon, ni wala man lang sa amin ang nagsalita. Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya. Huminga ako ng malalim para mapigilan ang muli pang pagtulo ng mga luha ko na kanina pa lumalabas. I managed to look at him kahit na ang labo niya pa rin sa paningin ko dahil sa mga luha.
And again I saw his tears. Mga luhang nagiging dahilan para manghina ako, mga luhang nagiging dahilan para hindi ako tuluyang magalit sa kanya. Yung mga luhang naghihikayat sa aking maniwala sa kanya.
Because I know that a devil’s cry will always be sincere.
“Nat…” mahinang sabi niya at parang nabigla pa siya sa ginawa ko.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya gamitang dalawa kong kamay at pinunasan ang mga luha sa mata niya at mahinang ngumiti sa kanya. Napatingin ako sa mga pasa at sugat sa mukha niya.
“Ano ba kasing nangyari sa’yo? Bakit naman ganyan ang itsura mo? Sino na naman ang nakaaway mo ha?” tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa mga pasa at sugat niya sa mukha “Gamutin mo yan--“ hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nung ilagay niya yung hintuturo niya sa bibig ko para mapatahimik ako.
“Shhh,” sabi niya at tsaka tinanggal yung kamay kong nakahawak sa mukha niya at tsaka ito ibinaba. Inangat naman niya ang parehong kamay at tsaka nilagay iyon sa magkabilang pisngi ko at pinunasan yung luhang natira sa mukha ko gaya nung ginawa ko sa kanya kanina.
“Wag kang mag-alala sa akin okay?” sabi niya at yung isa niyang kamay ay hinahawi na ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko at ikinukublit sa tainga ko. “I deserve this Nat. Kung anuman ang nangyari sa akin, dapat lang ito sa’kin. Ikaw ang dapat magpahinga diyan, magpalakas ka at magpagaling, okay? At wag ka na ulit iiyak, makakasama sa’yo yan pati sa baby” seryosong saad niya sa akin.