Pansin ko lang, kapag madrama yung mga scenes grabe yung comments pero kapag sweet ang konti hahaha. xD
***
Chapter 28
-Natalie’s POV-
Unti- unti kong minulat yung mga mata ko nung matapat pa sa mata ko ang sikat ng araw. Naman! Inaantok pa ako eh! Ang bigat-bigat pa ng pakiramdam ko! Isinubsob ko yung mukha ko sa may unan at nagtalukbong ng kumot. Nakakatamad talagang kumilos, ayokong tumayo. Katamad talaga!
Pero bigla akong natigilan at napasinghot, parang may naamoy kasi ako na matapang na amoy na nagiging dahilan para makaramdam ako ng pagsusuka. Amoy bulaklak?
“Ano yun?” sabi ko at tsaka unti-unting tinanggal yung kumot na nakataklob sa akin. Napakamot ako ng ulo ko at napakunot-noo naman ako nung may makita akong isang petal ng isang puting rose sa may ulunan ko.
Paanong may petal dito sa kama?
Kahit tamad na tamad akong tumayo ay pinilit ko na dahil pakiramdam ko anytime aatake na naman yung pagsusuka ko. Grabe, nakakaloka talaga! Nakakatamad!
Pagkaupo ko sa may kama ay napakusot pa ako ng mata at humikab pa. Bigla akong natigilan nung may mapansin ako.
“Te--teka? Ano ‘to?” puno ng pagtatakang tanong ko sabay kuha sa mga petals na may iba’t ibang kulay sa kama ko.
Ano ‘to? Doon ko lang narealize na napapalibutan pala ang kwarto ko ng mga petals. Mula sa kama, sa sahig at kahit saan! Tapos iba’t iba ang kulay, may pink, red, white, orange at blue.
“Bakit may mga bulaklak dito? Umulan ba ng petals nung natutulog ako?” takang tanong ko sa sarili at nagsimula na akong tumayo sa kama. Grabe pati sahig ang daming petals. Nakakapanghinayang silang tapakan.
“Pero saan galing ‘tong mga ‘to?” tanong at dahan-dahang naglakad sa mga iyon. Napanguso na lang ako habang pinagmamasdan ang mga iyon.
Uhh bakit parang bigla akong nakaramdam ng kilig? Bakit pakiramdam ko pakulo ‘to nung lalaking yun?
“Good morning my wife”
Bigla akong natigilan nung marinig ko ang boses na iyon. Parang bigla bang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko at naghumarentado na naman ang puso ko. Shemay? Alam na kung sino ‘to! Sabi na eh!
Hinarap ko siya at halos mapaurong ako dahil sa lakas ng impact ng aura niya sa akin. Seryoso bakit ganyan kagwapo ang aura niya ngayon? I mean oo, gwapo na siya pero iba yung impact niya ngayon? Napalunok ako at nakita ko ang malapad niyang ngiti habang may bitbit siyang tray na paniguradong pagkain ang laman dahil naamoy ko at nakakaramdam ako ng gutom. Napalunok na naman tuloy ako.
Ahhhh! So siya ang nagpauso netong bulaklak-bulaklak thingy na ‘to? Wahhhhhhh! Bakit kinikilig ako?
“Uhh, ano-- ano--“ hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nung humakbang na siya palapit sa akin. Ipinatong niya yung tray sa table at tsaka siya lumapit sa akin.
“Nakatulog ka ba ng maayos?” marahang tanong niya at tsaka hinawakan ang magkabilang balikat ko at inilapit sa kanya. Naramdaman ko na lang yung labi niya sa may noo ko.
Ehhh? Bakit parang pakiramdam ko bumabaliktad yung sikmura ko? Grabe! Napakagat ako ng labi at marahang tinignan si Lyle na sobrang gwapo talaga sa paningin ko ngayon sa hindi malamang dahilan.