Chapter 41
-Natalie’s POV-
“Hello…” nakangiti kong sabi kay Shin pagkaupo niya sa tapat ko. Nakatingin siya sa akin na halatang nahihiya. Napansin ko na ang layo na ng itsura niya mula nung nakita ko siya noon, may bigote na siya at halatang stress na. Hindi na niya naayos ang sarili niya.
“Lyle made you suffer a lot,” sabi ko sa kanya at tsaka ngumiti ulit sa kanya. Nag-iwas naman siya ng tingin sa akin.
“I deserve this, I made you both suffer, nandamay pa ako ng bata” aniya sabay baba ng tingin niya sa may tiyan ko.
Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kanya ng ibalik niya ang tingin niya sa akin.
“Months ago, bago tuluyang pabagsakin ni Lyle ang hotel namin, pinagbubugbog niya ako. Akala ko papatayin na niya ako ng araw na ‘yon pero hindi he let me go. Siguro kung siya pa ang Lyle na kilala ko dati, baka patay na rin ako tulad ni Yneh pero hindi, nagbago na nga talaga siya. Nakita ko kung gaano siya nasaktan at nahirapan nung magkahiwalay kayo. Mahal na mahal ka niya” aniya at napayuko.
Bigla na namang nanikip yung dibdib ko dahil sa sinabi niya. As much as I hate this to happen pero hindi ko maiwasan. Bakit pakiramdam ko pinapahirapan nila ako ngayon? Pakiramdam ko ngayon lalong nagiging mahirap sa aking tanggapin ang lahat. The fact that I’m dying, makes me feel weak. Kahit gusto kong maging matatag hindi ko pa rin talaga kaya eh.
Sa totoo lang, iniipon ko na ang lakas ng loob ko para sabihin sa kanyang, mamamatay na ako, pero paano ko yun magagawang sabihin sa kanya kung ganito? Kung alam kong masasaktan na naman siya? Ang bigat ng pakiramdam ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakakapanghina.
“I know,” yun na lang ang nasabi ko at bumuntong hininga. “Masaya ako kasi hindi niya talaga ako iniwan…” he came back to me… ako rin iiwanan ko rin siya, but the difference is that, hindi na ako babalik.
I smiled bitterly. Kinuha ko yung baso ng tubig na nakapatong sa mesa at tsaka ininom para mapigilan ang sarili kong umiyak. Pagkatapos ay inilapag ko iyon sa mesa at tumingin ulit sa kanya. Ilang segundo rin kaming natahimik bago siya magsalita.
“Thank you for lending us a great amount for our hotel to start again,” malumanay na sabi niya at tsaka ulit tumingin sa akin. Nginitian ko lang siya. “I don’t understand why you did this. Asawa mo ang may kasalanan kung bakit kami nalugi, now he’s wife is helping us to start again” aniya at uminom rin siya ng tubig.
“Kasi baka hindi ako mapunta sa langit kapag hindi kita natulungan” medyo pabirong sabi ko at natigilan naman siyang tumingin sa akin.
“I hate your tone, para kang seryoso” kunot noong sabi niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. Bumuntong hininga lang siya at tumingin ulit sa akin, seryoso na siya ngayon. “You know what, sobrang swerte ni Lyle na ikaw ang naging asawa niya. Paano nangyaring ang isang tulad niya ay nakatagpo ng babaeng tulad mo, kung tutuusin he doesn’t deserve you, masyado kang mabait para sa tulad niya” sabi niya.
“Maybe because it’s his destiny to meet me and it’s also my destiny to meet him” nangiting sabi ko at inangat ko yung dalawa kong kamay at nagform ng kalahating shape ng heart sa parehong kamay. “Alam mo parang ganito lang yan, opposite attracts, ako yung kanan, siya yung kaliwa kaya kapag pinagsama, makakabuo ka ng heart” sabi ko at pinagdikit ko yung dalawa kong kamay at nagform ng heart.
Narinig ko si Shin na mahinang tumawa.
“You’re weird,” he paused for a while and smiled at me “You reminds me of my wife” aniya at nakita kong ngumiti siya ng malungkot. Nakatahimik lang ako habang nag-aantay ng sasabihin niya. “I miss her and our kids” sabi niya pa at ramdam ko yung pangungulila sa tono niya.