Guys! I love you all! Joke lang talaga yung Epilogue! Pero malapit na tayong matapos. :) Hehehe! ^_^v
***
Chapter 31
-Lyle’s POV-
“Saan niyo dinala ang asawa ko?” seryoso kong tanong kay Shin na nakangisi sa akin ngayon. He’s still holding a gun right now, and I know that he’ll kill me anytime.
“You’re wife? So far, she’s safe, nakadepende naman kasi sa’yo ang magiging kapalaran ng mag-ina mo, Lyle” sagot niya sa akin sabay tutok ng baril na hawak niya.
Mahina akong bumuntong hininga at matalim siyang tinignan, nakangisi lang ito sa akin. Tangina niya! Sa oras lang na may mangyaring masama sa asawa ko at sa anak namin, papatayin ko siya once na matanggal ko itong pagkakatali nila sa akin. I’m going to kill them one by one.
“Sa oras na may mangyaring masama sa mag-ina ko, papatayin ko talaga kayo” I said and gave him a glare.
“Sabi ko nga sa’yo nakadepende sa’yo ang magiging kapalaran nila” aniya at humalakhak siya, tangina niya, gusto kong dukutin ang lalamunan niya ngayon. “Nakakainggit naman ang buhay mo ngayon Forhel, mayaman, may maganda at mapagmahal na asawa at magkakaanak pa. Such a wonderful life isn’t it?”
“Tangina mo, sabihin mo kung anong kailangan mo!” bulyaw ko sa kanya at napangiwi ako nung maramdaman kong sinuntok niya ang mukha ko dahilan para mapatagilid ang ulo ko. Agad ko rin namang ibinalik ang tingin sa kanila.
“Kailangan kong makitang nagdudusa ka, Forhel. Like what happened to me, years ago, you ruined my life and now it’s time to ruin yours.” Aniya at naramdaman ko yung dulo ng baril na hawak niya sa sentido ko.
“Ahh, is this about what happened years ago? Ako ang sinsisi niyo sa nangyari?” sabi ko sa kanya sa isang mapang-asar na tono. I even grinned at him. “Tss, may kasalanan ba talaga ako doon? Because I don’t really know what happened, and besides I don’t care. Kung nasira ko man ang buhay niyo noon, I don’t care. You all deserve it, your pushing illegal drugs dapat lang naman talagang makulang kayo. And I’m just a concerned citizen that time--“ hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nung bigla niya ulit akong suntukin sa mukha. Napangiwi ulit ako.
“TANGINA MO! KASALANAN MO KUNG BAKIT KAMI NAKULONG! LIMANG TAON DIN KAMING NAGDUSA DAHIL SAYO GAGO KA! GUSTONG-GUSTO NA KITANG PATAYIN KALA MONG LYLE KA!” sigaw niya at tsaka muling itinutok sa sentido ko yung baril na hawak niya.
I’m not really scared to die right now. After all I know I deserve this. Pero ang ikinatatakot ko ay yung mag-ina ko, I’m scared that he might do something bad against my wife and our baby. Fck!
“I hate it when I see you smiling. I hate it when I know you’re happy. I hate it when you’re living in a great life. I hate it when you’re satisfied with your life. Gusto kong mawala yang ngiti sa mukha mo, gusto kong mawala lahat sa’yo. I badly want you to be miserable Lyle, so miserable that it will cause your death… and that’s my revenge” sobrang diin ng pagkakabitaw niya sa mga salitang sinasabi niya. I can feel his wrath through it.
Mariin ko na lang na ipinikit yung mata ko nung lalo niyang idiniin yung baril sa may sentido ko. Huminga ako ng malalim… I waited for him to kill me.
“At hindi ako masasatisfy kung papatayin lang kita ngayon Lyle”
After niyang sabihin iyon ay nakarinig ako ng magkakasunod na putok ng baril.
![](https://img.wattpad.com/cover/10058942-288-k264360.jpg)