Chapter 1

31.1K 325 31
                                    

Dedicated po sa taong nagpadugo ng ilong ko dahil sa pagmessage niya ng 'Jeje' sakin! >.< Hi Kuya Ceru =)))) 

*** 

Hello guys! 

Sorry po talaga kung sobrang bagal ng update, pero hopefully sana maging maayos na yung sched ko at mabawasan na yung mga paper works ko. Ang dami talaga nila! :3 Sorry po talaga *bows* 

Tsaka salamat din po sa lahat ng sumusuporta at willing mag-antay sa story na to, kung wala po kayo wala akong motivation para ipagpatuloy ito. Kaya salamat po talaga guys! Labyu all po :))) 

--- Hyunji 

FB Page: https://www.facebook.com/MarryingMyMortalEnemy?ref=hl (Click niyo yung external Link)

FB Group: https://www.facebook.com/groups/netambayers/

***

Chapter 1

Natalie’s POV

 

Yung tipong magigising ka tuwing umaga tapos yung mukha ng gwapo mong asawa yung bubungad sayo, ang saya pala talaga sa pakiramdam no? Yung taong una mong makikita ay yung taong mahal na mahal mo, kaya may motivation at inspiration ka sa bawat araw. Ngayon ko na naeenjoy yung buhay may asawa.

Kanina pa kasi ako nakatitig sa pagmumukha niya, grabe talaga no? Kapag mahal mo yung isang tao hindi ka magsasawang titigan yung pagmumukha niya, para sa akin kapag nakikita ko pakiramdam ko kompleto na ako.

.

.

.

.

.

.

Achuchuchu! Ano ba yan, masyadong makeso yung mga thoughts na nasa isip ko! Ang drama masyado~! Umagang-umaga mga pinagsasabi ko. Sa totoo lang kanina ko pa gustong tumayo pero hindi ko magawa kasi grabe kung makayakap tong Bebe ko, akala mo wala ng bukas! Mga sampung minuto na ata akong nakatitig lang sa kanya and at the same time nag-iisip kung paano ako makakaalis sa pagkakayakap niya ng hindi siya nagigising. Mamaya kasi magising siya bigla ng wala sa oras, nakakaawa naman kasi siya, sobrang busy niya na nitong mga nakaraan dahil nsa ang dami niyang inaasikaso’t ginagawa simula nung bumalik kami ditto two weeks ago. Pero duh, kasalanan niya naman kung bakit niya to ginagawa no! Sino ba nagsabi na iwan niya lahat ng Gawain niya dito? Ginusto niya to, and now he’s facing the consequences, hayan tuloy lagi siyang nagpupuyat. Kawawang nilalang~

At sa totoo lang di ko naman talaga ugaling gumising ng maaga, pero simula nung magkatabi kami ewan ko ba pero naging habit ko na ang gumising ng maaga.

“Di ka pa ba tapos titigan ako?”

Nagbalik ako sa ulirat ng marinig ko yung boses niyang bagong gising pero hindi nakadilat yung mata niya.

“Gising ka na pala?!”

Dinilat niya yung mata niya at tumingin sa akin saglit tapos pumikit ulit tsaka ako lalong hinatak palapit sa kanya at tsaka niyakap.

“Uy?”

Grabe di man lang niya nasagot yung tanong ko. Okay alam ko naman na gising na siya, pero wala lang. May matanong lang… xD

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon