Chapter 3

21.2K 211 8
                                    

*** 

A/N: 

Sorry po sa sobrang tagal ng update at salamat din po sa mga readers na patuloy na sumusuporta at willing mag-antay. I LABYU ALL TO THE MOON AND BACK <3 Hehehehe. Lakas maka-SDP at DAP eh. 

Anyways, magpopost po ako ng note regarding sa lahat ng concern niyo pero baka bukas na kasi nagmamadali lang po ako ngayon. 

Sana po magustuhan niyo yung update tsaka kung may tanong kayo comment niyo na lang po o di kaya PM niyo ko. :)) 

#EnjoyReading 

*** 

Chapter 3

Natalie’s POV

“Basta next time talaga mag-aaral na ako magluto, kung kinakailangang umattend ng mga cooking class gagawin ko. Huhuhuhu! Sabi ko nga Sis wala akong talent sa luto-luto na yan ihh! Nakakahiya talaga, huhuhuhu”

Para akong batang nagtatantrums ngayon sa harap ni Lyka, magkasama kasi kami ngayon dahil pupunta kami sa bahay nila Ella, tumawag kasi si Tita sa amin sabi niya hindi pa daw lumalabas ng kwarto si Ella at nag-aalala na siya. Kinuwento kasi sa amin ni Tita yung mga nangyari kay Ella nitong mga nakaraan, lalo na yung problemang kinaharap niya. Nagtampo nga kami sa kanya, kasi hindi man lang niya sinabi yun edi sana nadamayan namin siya akala ko nga si Derrick yung problema eh pero mas malala pa pala.

Pero naalala ko na naman yung nangyari nung pinagluto ko si Lyle nung isang araw, nakakahiya talaga feeling ko wala akong skills pagdating sa kanya eh. Di ko alam kung maniniwala ako sa sinabi niya o sinabi niya lang yun dahil sa asawa niya ako.

Hayyy.

-Flashback-  

Grabe ang lakas ng kabog ng puso sa mga sandaling ito. Kinakain na niya yung niluto ko, baka mamaya mapangitan siya, sana pala bumili na lang ako ng pwedeng makain. Nagpakahirap pa ako eh may choice naman pala akong gawin yun. Pero sana maappreciate niya yung effort ko.

Kanina ko pa siya pinagmamasdan habang kumakain para tignan yung reaksyon niya pero nung marealize ko na may dapat pala akong gawin tumayo na ako. Maglalakad na sana ako paalis nang hawakan niya yung kamay ko at pinaupo sa tabi niya. Napatingin ako sa kanya at nakita kong tumigil siya sa pagkain. Hala hindi niya ba nagustuhan? Pangit kaya yun sa panlasa niya?

“Bakit?”

Tanong ko sa kanya, tumingin naman siya sa akin ng seryoso.

“Sigurado ka bang ikaw ang gumawa nito?”

Napataas yung kilay ko sa tanong niya, nag-effort kaya ako para diyan, tapos kukwestyunin niya lang ako?! Ang sakit sa heart ah!

“Grabe ka naman, ang sama-sama mo grabe! Nag-effort kaya ako dito tapos tatanungin mo lang ako ng ganyan?”

Pero hindi niya pinansin yung reaksyon ko sa halip ay ngumiti siya at hinatak ako palapit sa kanya tsaka niyakap. Nagtaka naman ako sa ginawa niya.

“Tss. Sa pagkakaalam ko kasi you’re not good in cooking, so it’s kind of confusing that you’re able to made a delicious food like this”

Bakit pakiramdam ko he’s currently smiling kahit hindi ko nakikita yung itsura niya? Sa totoo lang napangiti din ako sa sinabi niya, putek kinikilig ako! At least hindi fail yung first dish na ginawa ko para sa kanya. Nakakaproud lalo na sa isang tulad ko na wala namang alam sa pagluluto.

“Siyempre ginawa ko yan with love and effort, kaya dapat lang na maappreciate mo yan kundi hihiwalayan kita, kala mo”

Siyempre joke lang yung hihiwalayan ko siya, hindi ko ata magagawa yung bagay na yun at hindi ko rin kakayanin. Naramdaman ko naman na humigpit yung pagkakayakap niya sa akin pero hindi na rin ako nagreact or umangal pa since medyo sanay na nga ako at aarte pa ba ako eh gusto ko rin naman.

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon