Epilogue

11.1K 196 43
                                    

Epilogue

Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang ‘Forever’?

Kailan nga ba natin masasabi na ‘Happy Ending’ ang isang kwento?

Paano mo nga ba maiipapakita at mapapatunayan sa taong mahal mo ang pagmamahal mo para sa kanya? Ano nga ba ang kaya mong isugal para sa taong pinakamamahal mo? Ano ba ang kayang gawin ng ‘love’ sa buhay ng isang tao?

 

Can love make miracles?

 

 I never thought that I’ll be wearing an elegant while gown again. I never thought of myself walking down the aisle again together with my parents on my both sides. I never thought that I can able to feel this kind of happiness again, this overwhelming joy that I’m currently feeling right now. I never thought that this day will never come. I never thought that I’ll be marrying Lyle Mikael Forhel, my mortal enemy… again.

This day brings back a lot of memories to me, mga alaalang naging dahilan kung bakit muling dumating ang araw na ‘to. I remember how our relationship started from being enemies to lovers. I remember how we met, how he stole my first kiss, how he ruined my days, how he irritated me, how he made me fall for him hard without me knowing it, how our journey as lovers started and how we overcome different struggles and problems that we encountered. Sobrang saya ko kasi hindi ko ako makapaniwala na andito pa rin kaming dalawa at magkasama.

My heart skipped a beat when I heard the song started to play. Ang lahat ng atensyon ng mga tao ngayon ay nasa amin, the feeling was so memorable, kinakabahan ako at the same time sobra akong na-eexcite. Parang pakiramdam ko heto ang unang beses kong magpakasal. Humigpit ang pagkakapit ko sa braso ni Nanay at Tatay. Huminga ako ng malalim at idineretso ang tingin ko sa taong nag-aantay sa akin sa dulo. Pinigilan kong maiyak nung magsimula na kaming maglakad. Sa sobrang saya ko, parang hindi ko na kayang pigilan ang luha ko.

“Come with me

And we will fly together

To a place

Where we can love forever”

Hindi ko na mapigilang maluha nung magtapat yung tingin naming dalawa ni Lyle, kahit na malayo pa ang distansya namin sa isa’t isa pakiramdam ko ay konektado na kaming dalawa. Maraming taong nakatingin sa akin sa mga sandaling ‘to pero wala akong ibang makita kundi ang lalaking mahal ko.

“Take my hand

And we will see tomorrow

Only joy

And no more tears or sorrow”

Napangiti ako ng marealize ko kung gaano karaming pagsubok ang pinagdaanan namin sa journey namin bilang mag-asawa. Aaminin ko, sobrang nasaktan ako sa mga iyon, dumating din ang punto na nakaramdam ako ng pagod at gusto ng sumuko. Pero in the end hinayaan kong mangibabaw ang pag-ibig ko para kay Lyle. I let that love overcome all pains and sorrows that I felt. And I know everything worth it. I never regretted the decision I made that’s to love Lyle unconditionally. Kung hinayaan ko ba noong mangibabaw ang galit at yung sakit na nararamdaman ko, may maganda bang maidudulot ang mga iyon sa akin? Darating ba ang araw na ‘to? Mararamdaman ko ba ulit ang ganitong kasayahan na alam kong mararamdaman ko lang kung kasama ko ang lalaking mahal ko?

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon