Chapter 2

24.2K 267 23
                                    

So far dedicated po ito para sa 'Fan Page' ng MMME na One Year na! Yehet~! <3 And of course dedicated din po ito sa inyong mga MMME Readers na willing to wait para sa Book na ito. :)) 

Sorry po sa sobrang late at panget na update. Sisikapin ko po na maayos yung schedule ko. 

Kung may tanong po kayo guys, PM niyo lang po ako 'Hyunjiwon Seganian' sa FB @Curisulalabear sa Twitter. Di po ako isnob guys, kung sakali mang hindi ko kayo mareplyan busy ako nun. 

MMME Group (Netambaylalu) 

https://www.facebook.com/groups/netambayers/

MMME Page 

https://www.facebook.com/MarryingMyMortalEnemy?ref=hl (Click the External Link)

Thank you po ulit sa inyong lahat! See you next Update guys <3 

*** 

Chapter 2

Natalie’s POV

Pagkatapos kong magprepare at ayusin ang sarili ko, pumunta ako sa kama at tinignan si Lyle na kasalukuyan pa ring natutulog. Habang tinitignan ko siya lalo ko lang pinaparealize sa sarili ko kung gaano ako kaswerte dahil sa dinami ng lalaki sa mundo siya yung napunta sa akin. Natatakot ako na di ko alam, natatakot ako kapag nawala siya. Sa totoo lang di ko talaga alam yung gagawin ko, ano ba naman kasing alam ko sa ganito, kung paano ba maging ‘responsible wife’ sa kanya. Wala naman kasi akong alam, never naman akong nagkaboyfriend, mamaya kasi baka magfail ako tapos masulot na siya ng iba o di kaya maghanap na siya ng iba.

Ganun kasi yung mga scenario na nakikita ko sa kung saan-saan eh. Tapos idagdag mo pa na ang gwapo ng lalaking to…

Napabuntong hininga na lang ako, kahit gaano pa ako kinakabahan para sa mga bagay na kinababahala ko ang importante yung magawa ko yung best ko di ba?

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sa mga ganitong sitwasyon, wala pa naman si Manang para tulungan ako. Dapat kasi kumukuha ng madaming katulong tong lalaking to eh, ang yaman yaman naman niya hindi yung ganito, ang laki ng bahay niya tapos kaming dalawa lang yung tao. Pero yun nga, wala akong mahihingan ng tulong, pagkababa ko dumiretso agad ako sa kusina para tignan kung may pwedeng makain o kung ano yung pwede kong magawa. Pagbukas ko ng ref puro hilaw na karne, gulay at kung anu-ano pa yung nandun. Ang saklap, wala pa naman akong tiwala sa cooking skills ko tapos ganito pa yung sitwasyon ko yung mapipilitan kang gawin yung mga bagay na ayaw mo. I feel so hopeless.

Naalala ko yung nagtry ako dating magluto ng adobo tapos naging adobong sinigang siya. Nakakatakot. Hmmmm, ano bang pwede kong magawa? Yung hindi ako mapapahamak and at the same time hindi rin magpapahamak. Baka kasi mamaya mapaso ako at malison yung Bebe ko.

Ano kaya kung bigyan ko na lang siya ng cupnoodles Yung bulalo flavor? Kaya lang walang effort kapag ganun. Napaisip tuloy ako, ano ba yung pwede kong gawin? Ano kaya kung sopas na lang? Tutal tinuruan naman kami magluto nung highschool, mga eight years ago, feeling ko naman may natatandaan pa ako dun.

Tama yun na lang! Yun na lang yung gagawin ko, mukha namang laya ko yun, tsaka andito na rin naman yung mga kailangan e. Ako lang talaga yung kulang…

Chineck ko ulit kung ano pa yung mga kailangan ko at narealize ko na wala rin palang gamot dito, hayyyy ang fail naman kailangan ko pa rin palang lumabas ng bahay. After kong iconfirm yung mga kailangan kong gawin at mg dapat bilhin. Tumayo na ako at halos takbuhin ko na mula bahay hanggang sa pinakamalapit na convenience store dito. Ang layo-layo pa naman nito sa mga bilihan ng kung ano. Sayang yung effort ko sa pag-aayos kanina magugulo lang din pala.

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon