Baka may magtanong kung bakit naulit yung Chapter 31-32. Hindi po 'to mauulit. POV naman po ito ni Fafa Lyle :)
***
Chapter 36
-Lyle’s POV-
Nailagay ko yung dalawang palad ko sa mukha ko at doon huminga ng malalim bago ko hinampas ng malakas yung manibela. Tangina! Hindi ko talaga kaya, isipin ko pa lang na hihiwalayan at sasaktan ko ang asawa ko para na akong pinapatay. Tangina talaga!
Pero kung hindi ko ito gagawin sigurado akong papatayin ni Shin si Natalie at hindi pwede yun. Kilala ko si Shin at panigurado akong gagawin niya nga ang sinabi niya dahil wala yung sinasanto, sht! Kung wala siyang sinasanto, wala rin akong sasantohin kapag ako na ang papatay sa kanya. Pagbabayaran din niya ‘tong gagawin ko I’ll make sure of it.
Bumuntong hininga ako at bumaba na mula sa sasakyan ko. Napapikit ako at sinubukang itago lahat ng emosyong meron ako para magawa ko ang plano ko. Nagsimula na akong maglakad papunta sa bahay ng mga magulang ni Natalie, I make sure na ang asawa ko lang ang nandyan para masagawa ko ang plano ko. This plan is killing me right now, pero kailangan ko munang magpakamanhid sa nararamdaman ko.
I need to face the fact that I’m going to hurt my wife, but I’m going to hurt myself more. Naiinis ako sa sarili ko kapag iniisip kong masasaktan ko na naman siya, na papaiyakin ko na naman siya. Parang pinapamukha sa akin kung gaano ako katarantado at ka-walang kwentang asawa sa kanya. I guess heto ang revenge na gusto ni Shin, ang pagmukhain kung gaano ako kawalang kwentang tao.
Tangina talaga nung hayop na yun! Fck!
“Ahh, Sir?” bigla akong nagbalik sa katinuan nung marinig ko yung nagsalita. Andito na pala ako sa may gate nila. Tinignan ko yung guard na kilala ako ng walang emosyon. “Sir pinagbabawal po kasi ni Sir na magpapasok ngayon ng kahit sino sa bahay--“ hindi ko na siya pinatapos at nilagpasan na siya pero hinarangan niya ako, matalim ko siyang tinignan.
“Sir--wa--wala po si Ma’am Natalie di--to” nauutal na sabi niya, ngumisi ako sa kanya at bigla siyang sinuntok dahilan para bumagsak siya sa semento.
“I know that she’s here” matipid kong sabi at tumuloy na sa loob. Sinalubong naman ako ng iba pang guard ng bahay. Tss. Fck! Bakit ba hindi na lang nila ako patuluyin ng hindi na ako mapilitang kalabanin sila?
“Sir umalis ka na lang po muna dito,” sabi nung isang matandang guard dito. Nagtangis ang panga ko sa mga sandaling iyon at bigla kong sinuntok yung dalawa pang guard na malapit sa akin. Bago pa sila tuluyang makatayo ay kinuha ko na yung baril na nakalagay sa gilid nung isang guard at tsaka iyon itinutok sa kanya. Natigilan naman silang lahat sa ginawa ko.
“Papapasukin niyo ako sa loob ng bahay na ‘to o kailangan ko pang paputukin ‘to?” matalim na tanong ko sa kanila.
“Ano bang nangyayari dito-- Jusmiyo!” ani nung isang katulong nila ng makita niya kami sa ganitong posisyon. Nilingon naman siya nung matandang guard at tsaka siya sumigaw.
“Miding si senyorita dalian mo!” sigaw niya sa kanya. Napatingin ako sa kanya at doon sa katulong nila at nakita ko na nagmamadali itong umalis, siguro ay pupuntahan na niya si Nat. Fck! Fck!
Hahakbang na rin sana ako para sundan sila ng harangin ako nung matandang guard. Mariin akong napapikit ng mata at huminga ng malalim, naikuyom ko na yung kamao ko at lalong humigpit yung hawak ko sa baril.