Para sa mga interesado sa Journey to Forever. Annyeong! :)
***
Questions:
1. Ate, may special chapter pa po ba?
Di ko po sure, depende na lang po yung mga special chapters. Pero baka maglagay ako ng marami sa book version in case na mapublish ang JTF :) Pero dito sa wattpad, depende sa isip ko, walang kasiguraduhan. Chos! Pero thank you guys kasi nag-aabang kayo ng mga special chapters!
2. May Book 3 po ba?
Wala na, kung mapilit kayo at bigla akong nagpasyang magka-book 3 ihanda niyo na ang tissue dahil siguradong may mamamatay na dito. Kaya wag na lang mag-book 3 :)
3. May Story po ba si Nathan?
Meron, ka-love team niya si Goku, #GoThan! Joke! Pero seryoso, meron talaga… plano ko siyang simulan after ng mga side stories ng MMME. Ibang feels na kasi yung kanya. Kayo ba aabangan niyo ba ‘tong si Yingdingdong?
4. Mapupublish din po ba ‘to tulad ng first book?
Hindi ko po alam. :) Hahahaha. Di ko pa nga tapos yung Book 1, Book 2 agad? xD Pero depende po talaga. Pero kayo ba? Bibili ba kayo in case?
5. May story po ba si Dominic? Bakit walang gusto si Dominic kay Nat, eh mukhang gusto naman niya po si Nat sa story?
May story po si Dominic at Camille, You Are Mine po yung title, nandun din po ang kasagutan sa mga tanong niyo. Sana basahin niyo rin!
6. Sinu-sinong characters po ba ang may side story?
Mika and Nicole, Renzel and Lyka, Ella and Kyle, Yneh and Tristan, Dominic and Camille and etc, basta po nasa 10 yung total ng side stories ng MMME.
7. Ano pong gender nung sunod na anak nila Nat at Lyle at ano pong name?
Uhm, babae po yung gender at yung name? Wala pa akong naiisip talaga. You’ll know it on Nathan’s story maybe? Or another special chapter maybe?
8. May FB po ba ang mga characters niyo Ate?
Yes, may FB sina Natalie at Lyle pero yung kay Natalie lang ang medyo active at yung kay Lyle hayun nabubulok na. Chos! Pero wala pong twitter accounts ang mga characters ko or any other social network accounts.
9. Bakit naging happy ending bigla ang JTF?
Because I love you guys! <3 Yieeee. Pero oo, kayo ang may dahilan kung bakit naging happy ending ang JTF at siempre si Lyle at si Natalie din. Feeling ko konektado na ang buhay ko sa kanilang dalawa kaya baka kapag naging tragic yung ending, baka di na ako magka-love life. Joke! xD
10. Bakit hindi niyo po pinatay si Lyle?
Matagal kasing mamatay ang masamang damo. Joke!
11. ATE! Nasaan na ang BS ng Lylie?
Nasa imagination niyo :)
JTF Trivia:
1. Pinost ko yung Prologue last year, December 3, 2013 tapos napost ko yung Epilogue ng December 3, 2014. Eksaktong isang taon ang itinagal ng Journey to Forever.
2. Plano ko talagang patayin si Lyle sa JTF nung una, pero di ko alam kung bakit biglang nagbago ang isip ko. Hahaha. Plano ko talaga magiging single mother si Natalie tapos may mamemeet siyang guy na Lyle din ang pangalan. Hahaha~
3. Walang gusto si Dominic kay Natalie. Gaya nga ng sabi ko, malalaman niyo ang dahilan sa story niya.
4. Buhay si Yneh. She’ll have her own story.
5. Lyle will play a very important role on one of the side stories of MMME. Konektado kasi siya sa past nung dalawa. Ehem.
6. Hindi lang dalawa ang anak nila ni Natalie kundi tatlo. Siempre ano pa bang aasahan natin si Lyle yan eh.
7. Sobrang ang layo ng narating ng mga nangyari sa JTF sa original plot. Pero masasabi ko na mas bet ko yung nangyari kesa sa nauna kong naisip since ang cliché nun. And besides, marami rin akong natutunan sa JTF along the journey.
8. Yung idea about sa sakit issue ni Natalie ay nakuha ko sa naging isyu ng group ko dati (first MMME Group), ang pinagkaiba nga lang doon… yung guy yung may sakit :)
9. Yung ‘Dreams Come True’ na ginamit ko sa Epilogue, yun talaga yung gusto kong wedding song eh in case.
10. Ilang beses kong iniyakan ang JTF, kapag nasasaktan si Natalie umiiyak na rin ako. Grabe ang feels ko.
11. Marami akong natutunan sa JTF! Kayo ba?
Yun! Just in case na may mga gusto pa kayong itanong. Comment lang po :)
Thank you ulit sa inyong lahat guys! Sana support niyo rin yung mga side stories na darating!
Up Next:
JTF Special Chapter #2 (Soon)