Chapter 6 - The Wei Brothers and Rage

773 21 0
                                        

*Rika's POV*

Nakakatamad talagang pumasok. Buti pa si Corona ngayon pa lang.

June kasi umpisa ng pasok namin samantalang si Corona, ngayong August lang. Actually nagstart na ang klase nila last week pero di muna siya pumasok since adjustment week pa lang daw ang unang linggo.

"Kahit naman tamad ako, pumapasok pa din talaga ako sa umpisa ng pasukan. Para naman may good impression sakin ang mga teachers." sabi ko sa kanya ng marinig ko ang reason niya. Adjustment your face.
"Rika, that's the sole reason why people think you're an air head. You pay attention to unimportant things."
"Grabe maka-airhead tong virus na to! Sapakin kita dyan!" pagsusungit ko.

I saw him sighed before he spoke,

"Good impression never lasts. It depends on your performance. Kagay ngayon, absent ka na naman. Sa palagay mo, same pa din impression nila sayo simula nung umpisa? I doubt. One week ka ng di napasok then adding the fact that you often skip classes before."
"Pano mo nalaman yon? Stalker ka!" Bakit niya alam na nag-i-skip ako ng klase? Stalker to.
"Umayos ka nga. Admirer ako not a stalker."
"Huh? Ano namang pinagkaiba non?"
"Admirers are good people while stalkers aren't. They are just some sort of obsessive shits."
"Bibig mo. Maka-mura naman to wagas." puna ko.
"Di kami pinagbabawalang mag-mura dito. That's our academic freedom." sabi niya habang mabilis na naglakad at iniwan ako.
"Academic freedom? Parang narinig ko na yun sa prof namin kaso hindi ata ako nakikinig. Haha. Explain mo nga sakin. Haha."

Di niya ko pinansin at nagpatuloy na lang sa paglakad. Kaloka talaga to. Sungit!

Habang patuloy kami sa paglalakad ay palinga linga ako. Paano ba namang hindi? Ang ganda ganda dito.

Yung grass area nila alagang alaga. Ang gaganda din nung mga damo na shine-shape nila sa iba ibang figure. May pa-heart na swan, may pabilog lang, may parang King chess piece. Galing. Ang husay naman ng nagme-maintain nun.

Bukod pa dun may mga iba ibang bulaklak gaya ng hibiscus at rose na iba iba yung kulay. Ang ganda nung mga malalaking gumamela! Sarap pumitas. Haha. Kaso bawal. May sensor daw yun, babala ni Corona. Pagtapak ko pa lang daw sa damuhan, may recorded voice na sisigaw ng "Keep off the grass." And pag nagpatuloy pa din daw sa paglalakad dun at nalagpasan yung restricted perimeter ay lalabas daw yung mga sprinkler. Haha. Kaloka naman yun. Yayamanin talaga tong Middleton British University (MBU) may pag ganun. Haha. Oa masyado. Para damo lang eh. Di naman kami kambing para nakawin yung damo. Hahaha. Parang nung sa high school naman namin walang ganun. Well, prestigious private school din naman pinasukan ko, yung Trestin College. Pero di sila kasing oa nito. Pag kinumpara kasi, mas mahal din naman dito. Exclusive for rich kids talaga kaya no doubt na dito si Corona.

"Corona, ano bang gagawin mo sa Admin building at hindi mo na lang tinawagan? Nakakapagod na maglakad." reklamo ko.

Ang oa kasi sa haba ng hallway. May forever talaga sa hallway nila, swear. Natry niyo na ba lakarin ang Rizal Park ng balikan? Doble nun. Di ako oa. I'm just stating the truth.

"It's better if I talk to them personally."
"Ganun? Bilisan mo ah. Gutom na din ako. Naubos na yung calories ng mg kinain ko dahil sa lakad natin yung."
"Ayaw mo nun? Na-exercise ka. It's a good thing to have a walk every morning."
"Di to ordinaryong walk. Alay lakad to." Oa kong sabi. Nahawa na ko sa MBU sa ka-oa-yan. Hahaha.

Di na lang ako pinansin ni Corona at patuloy na naglakad ng mabilis. Ano to si Flash? Ang bilis kasi niya talaga maglakad.

"Bilisan mo dyan, lola." pang-iinis niya pa.
"Corona virus ka talaga! Aww-"
"Ouch!"

Napansin ko na lang na napaupo na ko sa sahig dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo ko.

Bakit ganun? Ako lang napaupo. Bato ba yung tinamaan ko?

My Husband is a 7th GraderMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon