Chapter 18 - My King's Day

479 21 2
                                    

Chapter 18 - My King's Day

Kasalukuyan kami ngayong nandito sa isang hotel, sa may pinakalast floor ang event area nito. Ang daming floors medyo nahilo nga ko eh. Hahaha. Di kasi talaga ko sanay sa elevator. Hindi naman kasi ko madalas sumasama kay Mom at Dad pag pupunta sila sa work nila neither kay Corona.

As soon as I reached the last floor, nagsimula na magroam ang mata ko. Hehe. Habang iginagala ko ang aking mata sa paligid ay halos mga private person yung mga nakikita ko. Nakakamangha. Never pa kong nakaattend sa ganitong kasosyal na event. I mean nakakaattend naman ako sa mga social gatherings pero not this prestigious and classy. So this is news to me. Sobrang namangha ako sa sobrang dami ng malalaking chandeliers na nakasabit sa ceiling, sa sobrang ganda ng carpet na ginamit, even yung fine dining atmosphere. Sobrang classy. Sobrang elegant.

"Corona, so nagstay na sila rito para umattend lang sa birthday mo?" Usisa kong tanong.
"Partly. But not all of them do. Most of them are here for business and not the celebration itself."

Paliwanag pa ni Corona, yung iba ay kahapon pa nandito at tumuloy na lamang sa mga high class suites ng hotel.

Magtatanong pa sana ko kay Corona ng may lumapit na samin as soon as we entered the venue.

"Happiest birthday to you, Corona." yakap nung babaeng nasa 40s at saka nagbeso kay Corona. Nakipagkamay naman yung asawa ata nung ginang. Samantalang yung anak nitong babae na mukhang nasa 16 na ata ay yumakap kay Corona. Di naman ako nagselos kasi friendly na yakap naman.

"Thank you Madam Angelie. It's a pleasure to have you at my party as well as with your family." bati naman ni Corona. Namamangha ako sa pagiging bachelor type ni Corona na nakikipag converse sa mga taong lumalapit pa sa kaniya. Sobrang nakakamangha talaga kasi ang bata niya pa lang kasi pero para bang ang matured na niya talagang maghandle ng mga bagay bagay. Daig na daig niya ko. Ang galing galing ng asawa ko. Nakakaproud.

Mas marami pa ang lumapit kay Corona at bumati at nagdiscuss ng mga bagay bagay. Sumenyas na lang ako sa kaniya na sa tabi tabi lang ako at maglilibot since hindi ako pwedeng tumabi ng matagal sa kaniya gaya ng bilin ni Tito Denver. Kailangang si Lizzy ang nasa tabi niya para pag-usapan sila ng mga tao at makipagpartner sa kanila. In short, it's all about business. I thought ang essence ng birthday party ay mapasaya yung may kaarawan at hindi kung ano mang other agenda ang iniinvolve.

Anyway, ayos lang naman sakin na medyo mapahiwalay sa ngayon kasi ihahanda ko na yung surprise ko. Sana magustuhan niya yung ihahanda ko.

Para ma-maximize ko yung time ko, naglibot libot na lang ako dito sa Grand Ballroom. Kahit saan ako magpunta ay puro kakaiba at kamangha mangha mga nakikita kong tao kasi yung mga fashion statement nung mga attendees sobrang elegante mapa-babae man o lalaki.

Nung nabored na akong usisain yung mga taong dumadalo ay tumikim na lang ako ng mga pagkain at saka tumawag kay na Mom at Dad para ikwento yung experience ko. Hindi sila nakapunta kasi nasa ibang bansa sila ngayong dalawa. Work related matters. Sayang nga eh. Ang ganda pa man din dito. Mas maeenjoy ko tong party kung nandito sila.

Lumipas ang ilan pang oras at nagsimula na ang programang inihanda ni Tito Denver. May mga nagtoast speech at nagsimula na ang big event, ang bigayan ng regalo. Napakadaming mamahaling regalo ang ibinigay kay Corona. All for the sake of business matters. Well, that's what I feel. Iilan lang ang out of sincerity talaga like yung mga close friends and family talaga ni Corona.

As soon as nakita kong halos nasa kalahati na ang programa ay nagpahatid na ko sa driver para umuwi. Kailangan ko pang magpatulong sa mga kasambahay na ayusin yung regalo ko kay Corona.

Medyo natagalan nga bago ako naihatid dahil pinapaharang ng security ni Corona yung sasakyan ko. Ayaw niya ko umuwi. Buti na lang nandun si Lizzy. Salamat na din at nandun siya at nagmamaldita.

My Husband is a 7th GraderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon