Chapter 7 - I'll Protect You

727 16 0
                                    

"Rika, what took you so long? Nadaganan ka na ba ng mga damit mo?" iritable niyang sabi habang busy na nanonood ng movie.
"Di ko alam na mahilig ka sa sci-fi movies." puna ko. Pinapanood niya kasi yung The Space Between Us.
"You didn't answer me." diretsong tingin pa din niya sa pinapanood.
"Big deal? Tumawag kasi si Mau, yung classmate ko. She's asking kung bakit ang tagal kong wala sa school. Maddrop na daw ako if di ako papasok."
"Okay lang naman yun. Just as what you said, lilipat ka na naman sa MBU."

Oo nga pala. Pinangako ko sa kanya na lilipat akong MBU dahil sa Wei brothers. I don't want to fail him pero something is really bothering me now. And I can't help but to be perturbed.

"Sure ka bang lilipat ka sa MBU?"

This time, nakaharap na siyang nakatingin sakin.

Damn. Di ko siya matignan ng diretso. Paano kasi... Shit. Bakit ngayon ko lang naramdaman ang pag-aalinlangan?

"Hindi naman kita pinipilit na lumipat sa MBU. It's your idea, remember? Kaya ko naman yung magkapatid na yun if that thing is bothering you." he said looking away.

Nakakaguilty naman. Ako ang nagpresenta nung idea ng paglipat tapos ako tong magbaback out bigla.

Tumabi na lamang ako sa kanya at napabuntong hininga. Haay. Ang lalim nun ah.

Hindi ko kasi alam ang dapat kong gawin. Kasalanan ko kasi. I can't stand for my own words.

Nabigla ako ng humiga sa lap ko si Corona na nakatingin pa din sa t.v. at patuloy na nanood nung movie. Haay. Pinanood ko na lang din yung pinapanood niya pero di ko iniintindi.

"What's your favorite thing on Earth?" tanong nung bidang lalaki na crush ko. Si Asa Butterfield. Ang gwapo niya. Siya din yung bida dun sa Miss Peregrine's Home of Peculiar Children ata yun. Basta may peculiar yun na yun.

"Ikaw." wala sa sarili kong sabi sabay baling ko kay Corona na nakakunot ang noo at masama ang tingin sakin. May nasabi ba kong mali? Crush ko naman talaga si Asa eh. Kaso wala ko sa mood kiligin kasi may problema ko.

"Bakit? May nasabi ba kong mali?" tanong ko.
"Anong 'ikaw'? Dapat ang sagot mo ay 'ako' or 'si Corona'." may awtoridad niyang sabi.
"Huh? Ganun? Crush ko kasi yang si Asa Butterfield. May mali ba don?" Yung totoo, nagseselos ba siya sa artista? He's being unreasonable.
"Tch. Mas pogi pa ko dyan! Dyan ka na nga!" inis niyang sabi.

Nagulat ako ng biglang siya bumangon at nanakbo ng padabog papunta sa kwarto namin. Ang init ng ulo ah.

"Madam, eto na po yung juice na inutos ni young master." pag-aabot nung isa sa mga katulong.
"Salamat po. Pakilagay niyo na lang po dito sa lamesa. Umalis na kasi si Corona."
"Sige po."

Ano bang problema nun? Si Asa Butterfield? Kaloka naman ang lolo Corona mo oh. Pati ba naman artista.

Nagtungo na ko sa kwarto namin para tignan at alamin kung maayos ba siya at kung wala na siyang topak. Akmang bubuksan ko na ang pinto kaso nakakandado. Pinihit ko ulit ng dalawang beses pero wala talaga. Naglock nga siya.

"Corona, buksan mo to." mahinahon kong sigaw na sapat para marinig niya.

Nag-intay ako ng sagot niya ng mga ilang segundo pero walang sumagot. Ano bang problema niya?

"Corona, please? Let's talk." I tried again and this time, he answered.

"About what?"
"E-everything on my mind." I honestly answered.

Nahirapan akong sumagot dahil hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya to in such way na hindi siya masasaktan or mapapaasa. Pero kasi, kahit saang anggulo ko tignan, I'd still end up hurting him. And that's what bothers me. I don't want to see him hurt.

My Husband is a 7th GraderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon