Nagising ako na sa isang hindi pamilyar na kwarto ako. Pilit kong minulat ang mga mata ko para makita kung nasaan ako.
Bahagya akong nagulat ng makitang katabi ko si Lavi na mahimbing na natutulog samantalanga ako naman ay heto at walang saplot.
Nakaramdam ako ng kirot sa aking kaselanan. Awwww. Ang hapdi. Aaahhh.
Nakalimutan kong may nangyari nga pala samin ni Lavi.
Napabaling ako ng tingin sa mahimbing na natutulog na si Lavi. Napakagwapo pa din niya katulad ng dati. Wala pa din siyang pinagbago. Siya pa din yung Lavi na madalas kong pagmasdan pag nakakatulog agad sa classroom. Siya pa din yung lalaking handa akong intayin. Pero hindi na siya yung lalaking duwag na hindi kayang lumaban sa parents niya para ipaglaban ako.
Pinaalis ng sapilitan si Lavi kaya naman nagkahiwalay kami. Ngayon na lang ulit kami nagkita. Yes, crush ko si Rage pero ang mahal ko talaga ay si Lavi. Ibinaling ko na lamang ang pagtingin ko kay Rage para naman makalimutan ko na siya. Nagawa ko namang hindi na siya isipin at ipagpatuloy ang aking buhay hanggang sa dumating si Corona sa buhay ko.
Hindi ko mapigilang mapaluha kapag naiisip ko ang mukha ni Corona na umiiyak ng dahil sakin. Ayaw ko siyang masaktan. Hindi ko naman sinasadya ang paasahin siya. Inaamin ko, nahulog na din ang loob ko sa kanya. Pero kasi, marahil ay naramdaman ko lamang na mahal ko siya dahil nga sa nangungulila din ako kay Lavi at dahil sa gusto kong makalimot.
Mali bang magmahal? Siguro nga mali. Nagiging mali ang pagmamahal kapag may nasasaktan. Pero hindi naman maiiwasan yung makasakit ka. Oo alam ko, nasaktan ko siya. Aminado ko. Alam kong kasalanan ko. Ibuhos niyo na ang sisi sakin. Pero sa palagay niyo ba hindi ako nasasaktan? Nasasaktan ako higit sa kanino man dahil minahal ko na din siya. Minahal ko siya. Mahal ko siya. At mas nasasaktan ako dahil kailangang umabot sa ganito na kailangan kong mamili. At mas masasaktan pa ko dahil alam kong mas masasaktan siya kapag inamin ko na ang totoo na hindi ko na itutuloy ang kasal since hindi naman talaga kami legal na kasal dito sa Pilipinas.
Mahal ko si Corona. At dahil mahal ko siya, sasabihin ko ang totoo na sasama na ko kay Lavi. Ipaglalaban na namin ang naudlot naming pagmamahalan.
Tumayo na ako't nagbihis. Hindi na ko magpapaalam pa kay Lavi since tulog pa siya. Mag-iiwan na lang muna ako ng note. Kailangan ko ng makauwi muna para makapaghanda sa pakikipag-usap kay Corona.
Nagmadali akong makauwi at inabutan ko naman si Corona na nandun sa sofa natutulog at hindi na nakapagpalit pa ng damit.
Lumapit ako sa kanya at akmang hahawakan siya sa mukha pero hindi ko na itinuloy.
'Nakakadiri ako. Isa kong manloloko.'
Yan ang mga salitang namumutawi saking isipan. Manloloko ako. Manloloko. Papaano ko nagawang saktan ang isang taong ang ginusto lang naman ay ang mahalin akong tapat? Hindi pa man din kami legal na mag-asawa ay niloko ko na siya. Nakakahiya ako. Wala akong karapatang manatili kasama siya.
"Rika, bakit ka naiyak?"
Nabigla naman ako sa salita niyang yun. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ko.
Naaawa ako kay Corona habang tinitignan ko siya. Sa totoo lang, parang ayaw ko na din siyang titigan sa mata. Hindi ko na ata siya kayang harapin ng direkta na hindi iniisip yung pakiramdam niya kapag nalaman niyang niloloko ko siya.
Pinahid niya ang mga luha ko na ikinailang ko pero hindi ko muna ipinahalata dahil ayaw kong makita siyang masaktan.
"Please don't cry, my beautiful wife."
Bakit kahit gusto ko ng umamin ay hindi ko magawa? Bakit tila umurong ang aking dila? Bakit?
Marahil sa paraan ng pagkakasabi niyang yun. Damang dama ko dun ang pagmamahal. Pero ang sakit lang kasi hindi ko masuklian yung pagmamahal niya. Bakit nga ba kasi si Lavi pa din? Oo may puwang ka sa puso ko pero hindi katulad ng kay Lavi.
BINABASA MO ANG
My Husband is a 7th Grader
Romance[COMPLETED 2022] HIGHEST RANK ACHIEVED: #2 - TEEN STORIES Fixed marriage with a grade 7 student? Anong magiging buhay ko sa kamay ng 11 years old na yan?! "Hoy aso ko, pwede ba? Don't look at me na parang nalugi ka pa sakin. You're lucky because you...