Chapter 14 - Longingness

395 10 0
                                    

It's my usual day at OU. Haays. Gusto ko na kagad umuwi kaso wala naman akong dadatnan sa bahay. Wala dun si Corona. Mga 1 week na. Another three days pa. Huhu. Miss ko na siya though nagvivideo call naman kami pag may time siya.

He travelled to South Korea gawa ng business. Haays. Buti pa siya. Gusto ko sana sumama kaso Midterms week namin. Huhuhu. Di niya ko pinayagan kasi nakita niya yung grades ko last sem, puro 2.5 at tres. Hehe. Ayaw daw niya ng ganun. Perfectionist talaga! Pasang awa na nga yun. Haha.

Sa ngayon, nandito ko sa school kasama ang mga kaklase ko na nagrereview para sa mga upcoming exams namin.

"Rika, recently parang ang aga mo na umuuwi? Parang last term hindi ka naman ganyan?" tanong ni Jenny.
"Oo nga? You seldom hang out with us. What happened na ate girl?" tanong ni Karl. Karl kasi umaga. Haha. Pero Karly talaga siya sa gabi.
"Busy lang sa bahay. *yawns* Bilisan na natin. Inaantok ako." walang gana kong sagot.
"Inaantok ka? Ano ka baby? Haha." biro ni Serra.
"Baby o buntis? Hahaha." biro ni Karl.

Nasamid naman at naalarma ako sa nasabi niyang yun.

"Okay ka lang ba? Nasamid ka naman ngayon." pag aalala ni Jenny.
"Okay lang ako. Salamat Jenny."
"Ate girl, tumataba ka. Ang sarap siguro sa inyo no? Hiyang? Haha. Dun na nga din ako titira! Haha." pagbibiro muli ni Karl.
"Baliw. Di na nga ko dun nakatira."
"Ha? Eh saan?" tanong nila.

Oo nga pala. Hindi nila alam na di na ko dun nakatira. Di ko naman pwedeng sabihing nakatira ko sa bahay ng asawa ko. Yikes. Di pa namin pwede ipaalam yun kahit kanino.

"Ah. Hehe. Kay na Tita! May problema kasi sa bahay. Hehe." pagsisinungaling ko.
"Okay. Hiyang pala kay na Tita. Hahaha." biro pa ni Karl.
"Mag aral na nga tayo! Ang alam ko World Lit subject natin hindi Rika Vista! Haha." biro ko.
"Rika Vista?" takang tanong nila.
"Ha? Bakit? May nasabi ba kong mali?"
"Sabi mo Rika Vista." paglilinaw ni Serra.
"Baka mali kayo ng dinig. Hehe." pagtatakip ko.
"Tatlo kaming nakarinig." saad ni Jenny.
"Apelyido yun ng crush ko! Nagsasanay lang ako. Hehe." pagtatakip ko pa.
"Grabehan naman ate girl! Inaangkin agad si crush! Apelyido agad? Pawerette! Gusto ko yang confidence mo. Ambunan mo ko dali!" pagbibiro ni Karl.
"Haha. Ikaw talaga Karl!"
"Hindi naman Vista si Rage. Alam kong matagal mo ng gusto si Rage kaya naman imposibleng may bago ka." saad ni Jenny.

Lagot! Mahuhuli na ba ko? Huhu. Bakit ba kasi nakalimutan kong Garcia pa ko?!

"May iba na kong nagugustuhan." seryoso kong sabi. Acting lang to para maniwala sila. Sana kumagat sila.

"Weh? Habol na habol ka kaya kay Rage! Ano na ang nangyari?" tanong ni Serra.

Huminga ko ng malalim at saka nag iwas ng tingin at saka nagsalita.

"I'm in love with someone else. Rage is just my crush."

Habang sinasabi ko yun, proud ako. Proud ako na mahal ko ngang talaga ang taong tinutukoy ko. Mahal na mahal ko si Corona. I won't trade him for anyone nor anything this time.

"Napapangiti ka ate girl. Halata ngang may nagpapaganda ng araw mo." masayang sabi ni Karl.
"Nakakainggit naman! Haha." biro ni Serra.
"Masaya kami para sayo kung ganon." nakangiting sabi ni Jenny.
"Napakasupportive niyo talaga, guys. Thank you." pasasalamat ko.
"Basta nandito kami para sayo, Rika. Just tell us your stories, we'll be happy to listen." paalala ni Serra.

Nagyakapan kami after at nagkwentuhan pa ng ibang bagay. It's as if we bond once again despite this midterm exams cramming.

Matapos ang whole day review namin ay naghiwa hiwalay na kami. May part time job ba pa kasi Jenny. May hang out naman si Karl at si Serra naman ay ka-date ang boyfriend niya. Lahat sila ay may mga kani-kaniyang lakad samantalang ako ay wala. Bahay lang ako ngayon. Huhu. Gusto ko sana makasama si Corona sa South Korea eh. Baka nandun si Jungkookie! Huhu.

My Husband is a 7th GraderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon