*Nurse Lydia's POV*
Halos mag-iisang buwan ng nakaratay si Ms. Rika dito sa ospital. She's in coma that's what has been the findings. Lahat kami ay nalungkot sa balita pero patuloy na umaasa na magising na siya agad.
Alam naman naming lumalaban siya sa kabila ng nangyayari. Kita sa mukha niya na gusto din niyang makabalik. Hindi pa lang niya kaya.
Sa loob ng isang buwan ay ni minsan hindi pumalya sa pagdalaw ang binatilyo niyang asawa, si Sir Corona. Araw araw binibisita niya si Ms. Rika at dinadalhan ng kung ano anong palagay ko ay paborito niya. Rosas, tulips, chocolates at iba pa. Hindi ko alam bakit siya nagdadala ng chocolates kahit wala namang kakain nun. Pero kahit pa ganon, nauunawaan ko ang nararamdaman niyang gusto niyang imotivate si Ms. Rika na bumalik kaya ginagawa niya makakaya niya para sa kaniya.
Hindi ko alam kung anong buong detalye ng nangyari sa kanila bago ang insidente. Pero ang tanging alam ko ay naaksidente si Ms. Rika at isinugod dito dahil sa miscarriage. Hindi marahil naging madali ang nangyari sa kaniya kaya nagkatrauma siya sa nangyari at nacomatose. Yun ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung tama ba ang hinuha ko kasi di naman ako pala tanong sa mga bagay bagay. Wala din naman akong makausap dito sa ospital tungkol sa nangyari sa kaniya.
Kaya hanggang obserba lang ako ngayon at alaga lang kay Ms. Rika. At nagrereport din ako kapag nagtatanong ang mga magulang niya. Kasi sa susunod na buwan pa sila makakabalik mula sa kanilang business trip. Sobrang alala nila kay Ms. Rika at halos araw araw ding nangangamusta. Kahit makita lang nila ang mukha ng anak na mahimbing na natutulog ay sapat na sa kanila. Nauunawaan ko naman sila sitwasyon nila. Kung ako man ang nasa pwesto nila, kung kakayanin ko bang umuwi at bantayan na lang ang anak ko, bakit hindi.
Sa ngayon, heto tamang upo at obserba lang ulit sa ngayon kay Ms. Rika since tapos na ako sa pag-aayos sa kaniya. Katulad ng dating gawi, nagbabasa lang ako ng mga magazine na dinadala ni Sir Corona para daw mayroon akong pagkaabalahan dahil bawal ang phone dito sa loob. Nasa bag naman yung phone ko pero di ko pwede gamitin dahil nasa trabaho. Mostly about sa kotse, mga artista at lifestyle yung mga nandito. May mga books din siyang dala minsan na mostly classic.
Napakagenerous nga ni Sir Corona. Bigay na daw niya sakin ang lahat ng mga babasahing ito. Wala naman daw kasing katumbas yung naitutulong ko sa kanila sa pagbabantay ko kay Ms. Rika. Napakabait nilang mga amo, hindi ba? Kaya I wonder bakit sinusubok ang kanilang pamilya ngayong mababait naman silang tao. Kung sa bagay, sabi nga nila kung sinong mabubuti ay siyang sinusubok ang tatag.
"Corona,"
Nung marinig ko yun ay tila tumaas ang balahibo ko sa katawan. Kung may nakakakita man sakin ngayon ay paniguradong sasabihing di maipinta ang aking mukha sa halong saya, lungkot at pagkabigla sa aking narinig at ngayon ay nasasaksihan.
"Mrs. Vista," impit kong sabi dahil naluluha na talaga ko ng pakawalan ang aking mga salita.
Hindi ko alam kung bakit ako'y naluluha sa pagkakakita ko sa kaniyang nakamulat na ngayon at nakatitig sa akin. Di ko talaga alam bakit ganito ngayong hindi naman ako parte ng pamilya nila na labis labis ang pag-aalala sa kaniya. Pero sadyang masaya siguro talaga ako dahil sa may isang pasyente akong nagawang paglabanan ang buhay niyang nasa bingit ng bangin. Maihahalintulad ko yung saya ng naramdaman ko sa isang proud na ina sa kaniyang anak. Alam ko di pa ako isang ina, pero ganun ang nararamdan kong galak sa paggising niya.
Agad ko siyang inalalayan at ibinigay ang mga pangangailangan niya. Tahimik lang siya ng ibangon ko siya at inasikaso. Marahil siya ay naninibago pa matapos ang matagal niyang pagkakahimbing.
"Ms. Rika, masaya po akong gising ka na. Ako po si Nurse Lydia ang tagapag alaga niyo sa nagdaan na mga araw. Ano pong kailangan niyo? Sabihin niyo lang po." pangunguna ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/182869031-288-k834097.jpg)
BINABASA MO ANG
My Husband is a 7th Grader
Romansa[COMPLETED 2022] HIGHEST RANK ACHIEVED: #2 - TEEN STORIES Fixed marriage with a grade 7 student? Anong magiging buhay ko sa kamay ng 11 years old na yan?! "Hoy aso ko, pwede ba? Don't look at me na parang nalugi ka pa sakin. You're lucky because you...