Chapter 16 - Gwaenchanha

355 13 0
                                    

Chapter 16 - Gwaenchanha

Kasalukuyan ako ngayong nandito sa isang di kilalang dagat dito. Presko ang hangin dito at kaunti lamang ang tao kaya naman madalas ako dito noon. Ngayon na lang ako bihirang napapabisita dahil sa dami ng mga ginagawa ko sa school at ngayon ay dahil busy ako sa pagiging housewife ni Corona.

Naupo ako dun sa malaking bato at inalis ang aking sandals. Baka mabasa kasi. Hehe.

Hindi pa din nagbabago ang lugar na to. Maganda pa din ito at masarap tamabayan. Masarap ding pampalipas oras. Gustong gusto ko dito kasi, tanging dito lang ako nakakaramdam ng kapayapaan kapag sobrang dami na ng problema ko at tila di ko na kinakaya. Pag nandito ko, payapa lamang ang lahat.

Isang tao pa lamang ang nadadala ko dito, si Lavi. Madalas ay siya ang kasama ko, siya yung pinagkukwentuhan ko ng problema ko sa bahay at sa school. Minsan din ay problema kay Rage. Gustong gusto ko kasi si Rage talaga noon. Hanggang sa narealize ko na, si Lavi ang nagpapangiti sakin.

Mabait naman si Lavi. Napakaover protective niya sakin. Sakin lang siya ganun. Kung minsan nga'y may nagsabi na bagay kaming dalawa. At bakit hindi na lang daw siya ang gustuhin ko kumpara kay Rage? Perfect na nga daw si Lavi. Gwapo, matalino at mabait. Bukod dun ay palagi pang nasa tabi ko. Gusto ko naman din si Lavi pero ayaw kong masira ang friendship namin kasi pakiramdam ko, he just sees me as his little sister. Ewan ko ba, ganun yung feeling ko. At bukod pa dun, di din naman nanligaw sakin si Lavi. Kasi kung gusto niya talaga ko, matagal na niya kong niligawan. Hehe. Pero pwede din kasing parehas lang kami na, ayaw naming masira yung pagkakaibigan namin. Pareho siguro kaming takot na balang araw, pag nagkaproblema kami, wala na kaming mapagsasabihan. Kaya nanatili kaming magkaibigan.

Pero nung nagcollege na kami at parehong naging busy, nag-iba na isya. Ganun talaga siguro, guys always look for guy companions. Iba pa din kasi yung man to man talks. So then, that's the time I realized that we grew apart.

He has his new circle of friends and same as I. Narealize ko na din nung time na yun na if can move on and live a new life, I should the same too. Ayaw ko namang maiwan. Pero kahit ganun, frienda pa din kami. Gusto pa din namin ang isa't isa. Or baka ako lang nakakaramdam non? Hindi ko alam. Basta during those times, Lavi is more than a friend to me. I loved him. And I know he knows it through my acts but never did he took advantage of me. He respects me more than anyone else. And I'm genuinely happy about it.

And so the time came na nagmigrate siya sa ibang bansa. Dun na naputol ang communication namin. As in, no more calls neither chats and letters. Our communication was totally cut off. Then that's the time na sinabi ko sa sarili ko, magmumoved on na ko. Baka kasi pagbalik niya, hindi na niya ko gusto. Ayaw ko ng ganung feeling. So yeah, pinangunahan ko ang lahat. Ayaw ko kasi sa lahat ay yung naiiwan ako. Ayaw ko ng ganung pakiramdam. And so with his absence, I reverted back my huge crush and feelings for Rage. Si Rage na ni minsan ay di ako pinansin.

Yung mga classmates ko, grabe ako ma-i-ship kay Rage. Kahit wala na naman talaga akong nararamdaman, pinilit ko na lang ang sarili kong gustuhin siya para makalimutan na si Lavi until such time na ayun na nga, bumalik na feelings ko para kay Rage but not totally warding off my love for Lavi.

Kaya naman nung makita ko siyang muli, ganun ko na lang siya namiss, na ibinigay ko ang sarili ko sa kanya. Kasi alam ko sa puso ko na, mahal ko pa siya. Mahal ko pa kaya hindi na ko nagdalawang isip. Alam kong mali na gawin yun kasama siya lalo't may asawa na ko pero yung puso ko kasi, matagal siyang hinanap kung kaya naman, nung nakita ko siyang muli, ginusto kong ibigay sa kanya lahat. Kasi alam ko, matapos ang gabing yun, may posibilidad na hindi na ulit kami magkikita. Na maaaring, wala ng ibang pagkakataon pa. Na sa oras na lamang na yun siya magiging akin. Hindi ko naman sukat akalain na, mabubuntis ako.

My Husband is a 7th GraderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon