Chapter 20 - Wedding Dress

284 11 0
                                    

Wedding Dress

Bukas na ang huling araw ko kasama si Corona. Nakapagdesisyon na akong sundin si Lizzy para sa ikabubuti ni Corona. Tama na yung ako na lang ang magsuffer sa mga consequences ko. Hindi ko na siya gugustuhing idamay pa.

Pag lumaban pa ko, ilalabas lang ni Lizzy yung video at ipapakita kay Corona. Kapag iyon ang nangyari, sigurado akong masasaktan siya. At ayaw ko yung mangyari. Di bali nang masaktan siya sa pagkawala ko kaysa naman sa masaktan siya dahil sa nalaman niyang niloko ko siya.

Sa totoo lang labag ang lahat nang mga desisyon ko sa nararamdaman ko. Pero ito ang makakabuti para sa lahat, para sa mga magulang ko, at para kay Corona. Ayaw ko silang madamay sa kahihiyan ko.

I have to face my problems alone. Nagawa kong lokohin ang asawa ko kaya naman dapat magawa ko ding harapin ang mga problema ko nang mag-isa. Wala nang dapat pang madamay pa.

"Rika, today is my off at work. But I still have classes." saad ni Corona na kagagaling lang sa pool.

"Corona,"

"Why Rika? Is there something wrong?" alalang tanong niya.

"Wala naman." I faked smile and hugged him.

"You sure?"

"Oo."

As much as possible, I don't want him to sense how I'm really feeling. Yun nga lang, hindi ko talaga maitago ang maaga kong pangungulila kaya naman ganito na lang ako makalapit sa kaniya.

Nakapagdesisyon na ko. I'll spend the rest of this day with him. Naihanda ko na naman yung pera at ilang gamit ko para sa pag-alis ko kahapon kaya naman wala na akong aasikasuhin ngayon. I can't believe I managed to fix things just in a day. Maybe because of the adrenaline rush. I did all of it without Corona's knowledge, of course.

This day will be my last with my husband. Kung pwede lang bang palaging masaya. Pero hindi. Pag may kasalanan ka, dapat mo iyong pagbayaran. Hinaharap ko na to ngayon dahil alam kong ganoon din naman ang mangyayari. Sooner or later haharapin ko din ang problemang ito. Baka kaya nga nagkaganito ay dahil ginusto na nang tadhana na magbayad na ko sa kasalanan ko. Kung pagtatagalin ko pa ang problema, mas mahihirapan lang kami pareho. At ayaw ko siyang pahirapan pa.

"Rika, you want to go out today?" tanong niya sakin.

"Okay na ko dito sa bahay. Can we just do movie marathon?" suggest ko.

"Sure. What do you want for snacks?"

"Ice cream? Chips? And fruits."

"Okay. I'll ask them to prepare some." he said smiling then left to call the maids.

Seeing his back makes me cry. Ganito ba talaga magtatapos ang kwento namin? Bakit kailangan pa kitang makilala kung ganito lang ang kahahantungan nang lahat?

Kasalanan ko kasi.

Ayaw ko mang aminin, kasalanan ko. Kung marunong lang akong magdesisyon nang tama hindi aabot sa ganito.

I can't believe na ito na yung huling araw na makikita ko ang mukha nang asawa ko. Ang gwapo at masiyahin niyang mukha. Di ko na makikita yung asawa ko na walang ibang ginawa kundi intindihin ako. Yung asawa kong mature at napakaseryoso kahit sa napakamurang edad. Yung asawa kong almost perfect na hindi ko man abot ay siyang lumalapit sakin para maging pantay kami. Corona, mahal ko. Patawad.

"Rika, bakit? Parang naluluha ka?" puna niya.

"Ah wala naman to. Napuwing lang." pagsisinungaling ko.

Pati ba naman sa simpleng bagay nagagawa kong magsinungaling. Napakapathetic ko. Wala na ba talaga kong ibang gagawin kundi magsinungaling sa kaniya?

My Husband is a 7th GraderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon