92
Chapter 26 - What Love is
Hanggang ngayon gulat pa din ako sa nangyari. Di kasi ako makapaniwalang napakabata pa ng asawa ni Ms. Rika.
Kung sa bagay, si Freddie Aguilar nga ay nag-asawa ng dalagita. Di na nga din ito nakakagulat. Pero nakakapanibago kasi na ang babae ang mas matanda kumpara sa lalaki.
Ngunit ngayon, bukod sa pagkagulat ko ay may iba akong inaalala. Ano na kayang nangyari kay Lavi at Corona? Sino si Elizabeth? May gusto siya kay Corona yun ang nasisiguro ko sa paraan ng pagtingin niya dito at yung Lavi naman ay ganun din kay Rika. Marahil sila ang mga ka-love triangle? Ewan. Bahala sila. Buhay nila yan. Ayaw kong madamay sa gulo nila. Tagapanood lang ako ng kwento nila at tagapag-alaga ni Ms. Rika. Yun lang at wala ng iba.
Pero kahit ganon, di ko maiwasang di isipin kung ano nang nangyayari ngayon? Sa totoo lang, wala pa ngang limang minuto nang lumabas sila sa silid na 'to pero kinukutuban na ako. Nawa'y wala naman sanang mangyaring masama.
Binaling ko na lamang ang tingin ko kay Ms. Rika na payapang natutulog. Nababakas ko sa mukha niya ngayon na maayos ang lagay niya at malayo sa problema. Tila ba nakawala siya sa isang hawla na kumukulong sa kaniya. Napakabata pa niya, at ng kaniyang asawa para dumanas ng mabigat na problema.
"How is she?"
Muntik na ko mahulog sa kinauupuan ko sa gulat ng may biglang magsalita mula sa likuran ko. Napamura pa nga ko sa gulat ko. Jusko.
"Ay p***ng**a!"
"Are you cursing me?" tanong ni Corona este Mr. Vista pala dapat.
"Hindi po sir. Nabigla lang po ako. Pasensya na kayo sakin." paghingi ko ng paumanhin.
"Sorry po talaga sir! Patawarin po niyo ko!" dagdag ko pang pagpapaumanhin.
Cold siyang tumingin kaya nagsorry talaga ko. Nakakatakot kasi ang presensya niya at ang way niyang tumingin. Hindi siya normal na binatilyo. The more na tinitignan ko ang kaniyang mata na masama tumitig ay lalo akong natatakot. Ghad. Bata lang naman siya pero bakit ganon?
Baka ang first day ko ay maging last day ko kaya labis ako humingi ng paumanhin. Jusko!
Di naman niya pinansin ang paghingi ko ng paumanhin at lumapit kay Ms. Rika.
Ang kanina'y masamang tumingin na lobo ay naging maamo at malungkot na tupa sa harap ng kaniyang minamahal.
Habang pinagmamasdan niya ang kaniyang minamahal ay hinawi niya ang hibla ng buhok na nasa mukha nito at saka hinagkan sa noo.
Namangha ako sa kaniya sa di ko malamang dahilan. Simpleng bagay lang naman ang ginawa niya pero sa simpleng bagay na yon ay naramdaman ko yung pagkalinga, pagpapahalaga at pagmamahal niya dito. At kaakibat non ay nabanaag ko din ang mabigat na kalungkutang nararamdaman niya ngayon.
"Can you leave us for a moment, Nurse?" maamong pakiusap niya.
Ang kanina'y nakakatakot na maningin na binatilyo ay maamong nakiusap na panandalian akong lumisan.
"Sige po sir." tugon ko sa kaniya. Tumayo ako sa aking kinauupuan at iniabot sa kaniya ang silya bago ako tuluyang lumabas ng silid.
Ilang hakbang bago ko tuluyang makalabas ay may narinig akong impit na paghikbi.
Gusto kong lumapit at abutan siya ng panyo at sabihing magiging maayos ang lahat pero hindi ko na lamang ginawa dahil alam kong ang tanging makakapagtahan lamang sa kaniya ay ang dalagang nasa harapan niya.
Nang makalabas akong pinto ay nakita kong nag-iintay sa labas si Lavi at Elizabeth.
Ano nga palang nangyari? Hindi ba't parang kanina lang ay may mataas na tensyon? Bakit parang wala na yon? Hindi ko naman sinasabing dapat magtalo sila ngayon. Nakakapagtaka lang na walang sakitang naganap. Tahimik lang silang dalawang nag-iintay sa paglabas ni Mr. Vista.
![](https://img.wattpad.com/cover/182869031-288-k834097.jpg)
BINABASA MO ANG
My Husband is a 7th Grader
Romance[COMPLETED 2022] HIGHEST RANK ACHIEVED: #2 - TEEN STORIES Fixed marriage with a grade 7 student? Anong magiging buhay ko sa kamay ng 11 years old na yan?! "Hoy aso ko, pwede ba? Don't look at me na parang nalugi ka pa sakin. You're lucky because you...