CHAPTER 5
Grey's POV
Gumising ako ng maaga dahil pupunta sa Batangas sila mama at papa. Tatlong araw sila doon at kami lang ni ate ang maiiwan sa bahay.
Tinulungan ko na silang ayusin ang damit nila at hinatid ko na rin sila hanggang sa terminal ng bus, samantalang si ate naman naiwan sa bahay dahil buntis nga siya at kailangan niya ng matinding pahinga.
"Mag iingat po kayo doon ma! pa!" Pagkatapos ay yinakap ko sila. "Ikaw Grey ikaw muna mag alaga sa ate mo ha? bawal mapagod yun." Sabi ni mama at sumakay na sila sa bus at nagpaalam "Mag iingat kayo anak yung habilin ko ha?" Dagdag naman ni papa.
"Opo na po." Natatawa kong sagot.
Hinintay ko munang umalis ang bus nila papa at saka tuluyan nang umuwi naisip kong tawagan si Sahara dahil mayroon kaming date ngayon. Nakuha ko na kasi number niya kahapon at hindi ako magkandaugaga na tawagan agad ito.
Ring.. Ring.. Ring..
"Ow?" Sagot ni Sahara sa kabilang linya. "Nakaayos ka na ba?" Tanong ko. "Maliligo na ako" maliligo pa lang? Hays "Sige susunduin na lang kita diyan bilisan mo mwa!" At saka binaba ang cellphone.
Sumakay na ako ng jeep pabalik sa subdivision namin. Pagkababa ko ay linakad ko na lang mula front gate hanggang sa bahay ni Sahara 'hashtag tipid feels' HAHAHAHAHA!
Kumatok ako at inayos ang buhok ko. Hehe pogi ko pa rin! 'biro lang' sabi ko sa utak ko. Yung mama ni Sahara ang nagbukas ng pintuan kaya medyo nahiya akong pumasok.
"Pasok ka muna Grey naliligo pa si Sahara hintayin mo na lang." Seryoso niyang sabi pumasok naman ako at umupo sa may sala. Nakakapagtaka talaga kung bakit ganito parang may kakaiba hays. Nevermind. -.-
Nakita kong lumabas si Sahara mula sa kwarto niya. Naka dress siya na color beige at bagay na bagay sa kaniya.
'Ang ganda niya mwaaaa ^_^'
Bigla akong tumayo at akmang yayakapin siya. Kaso pinigilan niya ako! Kahit kailan talaga T.T
"Tara na!" Sabi niya at nagpaalam na kami sa mama niya at lumabas na kami ng bahay. "Sahara? Ang ganda ganda mo!" At saka bigla siyang inakbayan at kinagulat naman niya. Hehe ^_^ nakita kong namula siya sa ginagawa ko hihi.
"Alam mo ba na ikaw lang ang lalaking nanligaw sa akin? O.O? Ako pa lang? Edi maswerte pala ako! haha ako ang una at huli! "So sino first love mo? ako?" Masaya kong tanong
"Kapal talaga ng apog mo Grey!" Natatawa niyang sabi. Sumakay na kami sa jeep papunta sa mall. Hindi naman ako katulad ng ibang lalake na may magarang kotse. Masaya na ako sa ganitong buhay.
Nasa mall na kami at napag isipan naming manood ng sine. Umorder na ako ng ticket at sabay kaming pumasok sa loob. Sa kalagitnaan ng panonood namin nakita kong umiiyak siya haha iyakin talaga! nakakaiyak naman kasi yung palabas na pinapanood namin. "Sabi ko wag ka ng iiyak eh HAHAHAHAHA" Tinignan niya naman ako ng masama haha ang cute talaga!
"Kasalanan mo ito ikaw ang may gusto ng palabas na ito eh hindi ako!" Sigaw niya sa akin at mas lalo akong natawa. Nagulat siya nang halikan ko siya sa noo. ^_^ HAHAHAHA. "Tss. Manood ka na nga!" Sabi niya at humarap ulet sa pinanonood namin.
*Booooooooooogsh!*
Halos mabingi ako sa lakas ng pagsabog na yun! Base sa narinig ko nasa loob ng mall ang malakas na pagsabog. Halos mataranta ang mga tao sa loob ng sinehan napalingon ako kay Sahara na mukhang blangko pa rin ang itsura at nakatingin sa mga taong tumatakbo palabas ng sinehan.
BINABASA MO ANG
Boundless Love
Teen Fiction❝ Your smile takes my breath away. It took my breath away on the day we met, today, and every day in between. ❞ - Grey &&. 🖇️ Started: 05/05/2019 🖇️ Completed: 05/16/2019